Kabanata 14

84 11 1
                                    

Warning: spg

------------------------

When I got home I let out all the tears that had been dripping. I dozed off, when I woke up, it was already 10pm. I took a bath and let the water wash out all the tainted pain from my heart.

Hinang hina akong naupo sa sahig ng banyo. "Ang tanga tanga ko." Sambit ko sa aking sarili habang sinasabunutan ang aking buhok.

Pagkatapos kong maginarte, binilisan ko ang kilos dahil nakaramdam ako ng pagkagutom at nagbihis lang ako ng sweat shorts at oversized shirt. Naglagay ako ng kaunting concealer sa ilalim ng aking mata dahil sa itim na nandoon. Lumabas ako ng kwarto at natigi sa ginagawa dahil nakitang nakabukas ang ilaw ng kwarto ni Dylan. It means, andyan siya.

Tahimik akong bumaba ng hagdan, ayokong marinig ni Dylan ang aking mga yapag. Ewan ko, wala naman akong ginawang masama pero parang takot akong harapin siya ngayon.

Binuksan ko ang ilaw sa kusina at naghanap ng kung anong pwedeng kainin. Napangiti ako ng makitang may isang instant noodles na gustong gusto ko. Kukunin ko na sana ang noodles ng biglang may kumuha.

Pagalit akong tumingin sa hinayupak na kumuha ng aking instant noodles. "Akin yan!" Sigaw ko.

"May pangalan mo ba?" Tanong niya at inikot ang instant noodles para hanapin ang pangalan ko.

"Wala! Pero akin yan, ako nauna." I spat.

"Bakit nasa kamay ko kung ganoon?" Pang-aasar niya.

I rolled my eyes at him. Ayoko nalang magsalita, nakakapagod ng makipag away sa'yo. Nilagpasan ko siya ng lakad at dumaretcho sa isa pang cabinet. Napangiti ako ng nakita ang nag-iisang oreo. Kinuha ko kaagad ito baka may kumuha nanaman. Kumuha din ako ng fresh milk para may kapartner ang aking oreo.

Umupo ako sa may dining area at nagsimula ng kumain. Mabilis ang pagkain ko dahil sa gutom, hindi ako nag lunch at nahuli ang aking dinner.

"Sakit ng tyan ko. Damn it." I groaned.

Inignora ko ang sikmura sa aking tyan at kinuha ang aking laptop para magsimula ng magsulat ng kwento. Nagtitipa ako ng biglang may usok na dumadaloy sa aking harapan.

I swallowed hard because of the smell of instant noodles in front of me.

Tinignan ko ng masama si Dylan. "Nang-aasar kaba?" Taas kilay na tanong ko.

Nahihiya niya akong tinignan. "Busog na pala ako. Sa'yo na yan."

Tinignan ko si Dylan dahil sa pag takbong ginawa niya matapos niyang sinabi iyon. Imbis na intindihin ang ginawa niya, nakangiti akong nakatingin sa noodles na nasa harapan ko.

So ano naman ngayon, diba? Atleast makakakain nako.

Pagkatapos kumain, inumpisahan ko ng mag-tipa ng storya sa aking laptop. Habang nagtitipa biglang nag flash sa akin ang kaninang nakangiting Dylan.

Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. "Focus carmia" Sambit ko sa aking sarili.

Ngumiti ako at humarap sa laptop sa aking harapan ng bigla nanaman lumitaw ang nakangiting Dylan at Kim.

"Ano ba?!" Sigaw ko.

Huminga ulit ako ng malalim at kumuha ng tubig.

"Bakit ba litaw kayo ng litaw?" Inis na saad ko bago ininom yung tubig.

I was about to walk back to my seat when I suddenly saw Dylan coming towards me. Kumunot ang aking noo at nagtatakang tinignan ang lalaki.

Natigil ako sa paghinga at nadikit ang aking likod sa counter top dahil sa ginawang paglapit ni Dylan sa akin.

When you leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon