Kabanata 32

79 4 6
                                    

Trigger Warning: Self-harm

------

Despite how often you tell yourself that you can. However, you don't believe that "it's hard."

"Carmia, paki check naman yung ginawa ko. Hinahanap na kasi ni Boss e. Alam mo naman iyong bruhildang iyon. Magliliyab talaga ang apoy kapag nakakita siya ng mali sa gawa ko." Ani Ava, ka-trabaho ko.

Tinaas ko ang kilay ko sa kanya para mang-asar. Paano ba naman ang gaga sa tuwing hindi siya sigurado sa sinusulat niya ay papaptingin niya pa ito sa akin bago niya ipasa.

"Huy.. sige na, please?" She gripped my arm while giving me puppy eyes.

"Akala mo ba tatalab?" Natatawang saad ko. Nakakatawa kasi itsura niya, sa tuwing ginagawa niya iyon ay kumukunot ang lahat!

"Sumbong kita kay bebe Leo!" Nagmamaktol na parang batang aniya.

"Hindi ka naman gusto non." Tukoy ko sa pinsan ko.

Simula kasi ng makita ni Ava si Leo ay hindi na niya ako tinantanan tungkol sa lalaki. Lahat nalang ng pweding itanong ay itinanong na niya! Na para bang mamamatay ito kung hindi niya malaman ang tungkol sa lalaki! My ghod... she even inquired about the size of my cousin's underwear!

"Andyan naman ang kulam..." 

Kaagad akong tumingin sa babae ng banggitin niya iyon! Nakayuko ito at abala sa pagpupunit ng papel. Kulam? Napasinghap ako at bago pa man makulam ang pinsan ko ay pumayag na ako sa gusto nito. Shet! Ayokong mahibang ang pinsan ko sa babaeng ito.

"Kailan raw ba ang pasahan?"

"Binigyan ako hanggang next week. Ewan ko ba sa Amerikanang babaeng iyon hindi na nagsawa!" Naiinis na aniya. Napailing nalang ako habang tumatawa.

Ganoon nga ang ginawa ko. I-chi-neck ko ang ginawa niyang kwento. Takot na baka makulam ang pinsan ko, at isa pa, totoo naman na nakakatakot talaga ang boss namin. Wala siyang konsiderasyon sa mga tauhan niya pagdating sa pasahan ng script.

I can now say that I did over the years!

I finally made it...

I've already earned my living as a scriptwriter.

A screenplay writer, sometimes known as a scriptwriter or scenarist, is a writer who specializes in screenwriting. They create screenplays for movies, television shows, and video games. Kahit sobrang hirap ng pinag daanan ko, hindi ko binitawan ang pangarap ko.

Kahit nawawalan na ako ng pag-asang makamit ito, kahit pinagsabihan ako ng masasakit na salita tungkol sa pah-susulat ko ng hindi tama, kahit isang beses ko na din ibinaba ang sarili, hindi ko pa din ito tinigil. 

I yawned and stretched after spending a while studying the woman's work. Wala akong ginawa sa buong araw ko kung hindi tingnan ang ginawa niyang script dahil sa kagustuhan ko nalang matapos dito para makauwi ng maaga.

"Tapos na." Sambit ko kay Ava ng matapos ako.

"Thanks ganda!" Aniya pa, binobola pa ako!

Ng tingnan ko ang cellphone ko ay kaagad kong pinatay ang laptop ko at agaran kong niligpit ang mga gamit ko at kinuha ang bag ko ng mapansin ko ang dami ng messages galing sa pinsan ko!

"Uuwi ka na?" Natatakang tanong ni Ava.

"Oras na po." I spoke while pointing my cellphone at her to show her the time.

When you leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon