Kabanata 1

202 15 3
                                    

Iginala ko ang buong paningin ko sa loob ng eroplano, gabito pala itsuura ng sa loob lalo na't nasa VIP kapa. Aba, ganda naman pala ng nakuhang ticket at premyo nina Emma.

Naglakad lakad pa ako hanggang sa mahanap ko ang numero na hawak ko kung saan ako uupo. Umupo ako at suminghap ng malalim. Ang bango. . .

Dahil sa sobra excitement, nilabas ko lahat ng mga dinala kong gamit. Headphone, lotion, sunglasses, camera, at hair clip.

Ano paba dapat gawin? Edi mag selfie. Inuna kong ginalaw ang sunglasses at sinuot ito sa akin. Sumunod ang lotion, hirap na hirap ako sa pag bukas ng lotion.

Ano ba 'tong nabili ko? Bakit ang tigas?

Sa sobrang pagka pisil ko sa lotion nabuhos ang laman nito sa akin at sa. . . katabi ko.

Unti unti akong humarap sa katabi ko, tahimik sya walang imik ni hindi man lang nag react sa ginawa ko sakanya. Tulog ata? Ewan basta ako kinakabahan na sa ginawa ko. Sino ba naman hindi magagalit diba? Tapunan ka ba naman ng lotion sa mukha at damit hindi ka magagalit?

Kinaway kaway ko ang kamay ko sa harapan ng mata nya para makita nya na may taong tumatawag sakanya. Wala pa din imik, baka tulog Mia? Naka sunglasses din kasi sya tulad ko.

Nagkibit balikat nalang ako at kumuha ng tisssue sa bag ko. Alisin ko nalang bago pa nya makita atleast pagkagising nya wala ng bahid ng lotion sa mukha at damit nya.

Unti unti at mabagal kong pinupunasan ang lotion sa mukha nya para hindi nya maramdaman ang paghaplos ng tissue sa mukha niya.

Ng nasa bandang labi na ako napahinto ako. Kitang kita ko ang mapula pula nyang labi at hugis puso nito. Makikita mo ang isang nunal na maliit sa bandang kanan. Pinagmasdan ko ito ng mabuti, nakaka-akit ang kanyang nunal.

Hahawakan kona sana ang kanyan labi ng may isang kamay na humawak sa kamay ko dahilanang mapahinto ako sa ginagawa ko.

"Ginagawa mo?" tinig ng isang lalaking napaka lamig ng boses.

"Ha?" Tulala ako sakanya at unti unti kong tinanggal ang kamay kong hawak nya at isa kong kamay na hawak ang tissue na naka patong sa may bandang labi niya.

"Sino ka? Chaka ano ginagawa mo sa labi ko?" Tanong niya sa akin ng naka kunot ang noo.

Tinanggal nya ang sunglasses niya ng hindi inaalis ang tingin niya sa akin. Kitang kita ko ang napaka ganda nyang mata, kumislap ito dahil sa liwanag na binibigay ng araw galing sa bintana. His almond eyes, damn.

Natinag ako ng biglaan syang pumitik sa hangin na para bang pinamukha niya sa aking 'wag dapat akong matulala sakanya dahil hindi dapat ako mainlove sakanya dahil sa itsura kong ewan.

"Ah, ano kasi. . ." Aamin ba ako? "Yung damit at mukha mo kasi. . . ano eh. . ." Wika ko habang kinakamot nag ulo ko.

Tinignan nya ang damit niya na may lotion na kagagawa ko kung bakit meron ng ganon. Dahan dahan nya akong tinignan, sobrang sama ng tingin niya sa akin.

Huy, chill para mo naman akong kakainin sa titig mong 'yan?

Inamoy amoy nya ito. "Ano ito? Kingina." Dinig kong mura niya.

"Uy sorry lotion lang naman yan, punasan ko nalang." Offer ko sakanya.

"Huwag na iyo nalang ito." Dali dali niya tinanggal ang damit niya at napapikit ako kasi baka may makita pa akong di ayon sa aking ganda.

hinagis niya ang damit sa akin at natapan ang mukha ko nitong damit niya. Ang bastos ah? Pero dahil kasalanan ko at ginalit ko siya hinga ng malalim Mia. Oo Mia tama disisyon mo patawarin mo dahil kasalanan mo din naman.

When you leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon