Kabanata 2

130 13 0
                                    

Ilang araw ang nagdaan ganon pa din ginagawa ko, tinatawagan si Emma. Ubos na dala kong Ramen at wala na akong makain. Sobrang gutom na ako pero ayaw pa din sumagot sa tawag ko si Emma.

Na-scam ako oo, una walang reservation para sa akin. Pangalawa, walang libring pagkain para sa akin. Pangatlo, kailangan kong magbayad ng room dahil hindi nga ito libri. At ang pang apat, wala akong pamasahi pauwi ng Pilipinas.

Saan ako pupulutin nito?

Umulit ako ng umulit sa pag tawag kay Emma pero ganon pa din wala pa din sagot. Nanggigil na ako at maluha luha na ako sa sobrang gigil ko. Kinakabahan na ako ns baka dito nalang ako habang buhay at magpulot ng basura para sa pagkain araw araw.

Wala na akong maisip na ibang paraan kung paano ako makakauwi at makakain.

Luminga linga ako sa buung room ko. At nahagip ang paningin ko ang isang damit na mukhang mamahalin. Ibenta ko kaya ito? Pero sino naman pagbebentahan ko? Ibalik ko nalang kaya sakanya at magmakaawang pahiramin muna ako ng pera?

Oo, mia tama ang naisip mo ganon nalang gawin mo para makauwi kana ng pinas.

Napa smile ako sa naisip ko. Eto naba ang sulusyon sa problema ko?

Dali dali kong kinuha ang damit na nakasampay sa cabinet ko.

Lumabas ako ng kwarto at tumapat sa isang pinto sa tabi ng kwarto ko.

"Gagawin koba talaga?" Nagdadalawang isip ako kasi nahihiya ako at mali ang pagkikilala namin nung isang araw. Hindi pa nga kami okay tapos eto nanamn ako at guguluhin buhay niya. Pero wala na talaga akong choice e.

Kaya kumatok ako sa pinto ng talong beses. Kakatok pa sana ako ng isa o dalawa ng biglang bumukas ang pintuan.

Laking ngiti ang bati ko sa lalaking nasa harapan ko.

"Sino ka? Ano kailangan mo?" Seryosong mukha lang ang ibinigay niya sa akin.

"Ako yung nakatapong ng ano sa damit mo alam mona" hiyang na sagot ko.
"Tada!" Sabay wagayway ko sa damit na hawak ko.

"Thanks" Sabi niya sabay kuha ng damit niya at sabay sarado ng pinto sa akin.

Ang bastos talaga! Pero kailangan talaga kita ngayon.

Kumatok pa ako ng tatlong beses.

"Ano ba?!" Sigaw niya.

"Ikaw naman napaka mainitin naman ng ulo mo" Wika ko. "May sasabihin kasi ako, pwede bang pumasok sa loob at sasabihin ko ang gusto kong sabihin sa'yo" Iginaya ko ang mga tingin ko sa loob para makita ang laman ng kanyan kwarto.

"Pwede mo naman sabihin dito bakit kailangan mopang pumasok?" Wika niya.

"Hindi sa loob nalang para mas okay" Pamimilit kopa.

Inirapan niya ako at sinarado nanaman ang pintuan.

Ang dami sigurong problema ng lalaking yon sa mundo.

Inulit ko, kumatok ulit ako ng mabilis at madaming beses.

"Kung maari pwedeng pahiram ng pera?" Tanong ko pagkabukas na pagkabukas ng kanyang pinto.

"Baliw kaba?! Isang katok mopa irereport na talaga kita" Wika niya gamit ang iritable nyang itsura.

Isasara na niya sana ang pinto pero pinigilan ko siya. "Kung ayaw mo, pwedeng pahingi nalang ng number ni Daven?" Tanong ko. Wala na akong choice kung ayaw ng mokong na ito si Daven nalang mukha naman siya mabait kesa sa isang ito.

"Baket? Gaano ba kayo ka cloce ni Daven?" Tanong nya na mukhang seryoso at mukhang atat na atat malaman kung ano meron sa aming dalawa ni Daven.

Should I lie?

When you leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon