Kabanata 20

82 9 1
                                    

"Sorry kung kailangan mo pang makita na ganoon kami ng Papa ko." Saad ni Dylan habang naglalakad kami sa park. Gusto ko kasi munang malamig ang ulo niya bago kami umuwi ng bahay. Kaya naman na pag pasyahan namin na maglakad lakad na muna.

"Okay lang." Ngiting saad ko kay Dylan.

Napatingin ako sa mga kamay namin na magkahawakan. Ramdam ko ang hinalalaki niyang hinahaplos ang aking kamay. Yumuko ako nang makaramdam ako ng kiliti dahil sa ginagawa niya. Bakit sa simpling ginagawa mo lang kinikilig ako? Ang sarap lang sa pakiramdam na kasama kita ngayon.

Napahinto ako ng huminto si Dylan at hinarap ako. Nagtataka akong tumingin sa binata dahil sa ginawa niya. Nakinig niya ba mga iniisip ko? Nakakahiya!

"Huwag mo akong iiwan ha?" Kahit hindi niya ipakita na malungkot siya, ramdam ko ang lungkot sa bosis niya.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya bago ngumiti. "Hindi kita iiwan, okay? Mag kaka ayos din kayo ng Papa mo."

Hinawakan niya ang isang kamay ko at mas lalo pa niyang idinikit ang mukha niya sa kamay ko. Napangiti ako nang makita ko siyang pumikit. It was as if he was feeling my presence. Nang idinilat niya ang kanyang mga mata at ngumiti siya sa akin sabay yakap.

"Bakit ang clingy mo today?" Natatawang saad ko.

Naramdaman kong gumalaw ang ulo niya. "Araw araw akong nanlalambing sa'yo. Kulang pa ba mga ginagawa ko?"

Pinalo ko ang kanyang likod. "Kahit hindi ka naman mag lambing basta kasama lang kita, masaya na ako."

Saglit kaming natahimik. Napapangiti ako sa tuwing hinahagod niya ang buhok ko.

"I love you, my carmi." He mumbled.

"I love you, too." I replied.

Simula kaninang pagkauwi namin dito sa bahay ay agad ng natulog si Dylan. Ni hindi na nga nakapag hilamos o naka ligo. Nakadapa ako sa higaan namin habang pinagmamasdan ang mahimbing niyang tulog. Simula pa kaninang natapos akong maligo, wala na akong ibang ginawa kundi ang pag masdan siya.

Parang sumisikip ang dibdib ko sa tuwing nakikita kong may tumutulong kuha sa mga mata niya. Kahit tulog, kitang kita kong may luhang nagmumula sa mga mata niya. Sobra bang masakit mahal ko? Pinunasan ko ang luhang tumatagos sa kanyang pisngi. Sobra siguro siyang nasaktan sa sagutan nilang dalawa nang ama niya.

Hayaan mo, gagawin ko ang lahat para mapag sundo kayo ng Papa mo. Kahit ano man iyan, gagawin ko para sa'yo.


Kinabukasan nagising ako nang wala na si Dylan sa tabi ko. Agad akong napatayo ng makitang wala nga siya sa tabi ko. Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan kung meron ba siyang text pero wala. Eto ang unang kinabahan ako kahit na hindi naman heto ang unang besis na ginawa ni Dylan ito. Lagi naman akong nagigising nang wala siya sa tabi ko dahil may trabaho siya.

Pero kasi dahil sa nangyari kagabi, parang hindi ako mapanatag.

"Dylan?!" Sigaw ko baka nasa banyo lang siya. "Dylan?" Ulit ko pero wala pa din sumasagot.

Tumayo ako para pumasok sa banyo at maghilamos. Titignan ko nalang siya sa labas baka andoon lang naman siya. Kinuha ko ang toothbrush ko at pagkatingin ko sa salamin ay may note akong nakita.

Nakangiti ko itong kinuha. Ako lang pala tong nag-iisip na baka meron na siyang ginawang hindi ko magugutuhan. Ts ang oa ko.

Dali-Dali akong nag hilamos at nagbihis para ipagluto si Dylan ng almusal. Ang sabi kasi sa sticky note na naka dikit sa salamin ay nag jogging lang daw siya. Ang paranoid ko, nag jogging lang pala siya!

When you leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon