Sinadya ni Dawn na maagang pumunta sa lugar na sinabi ng kanyang Ama. Hindi dahil takot siya sa babala nito kundi dahil gusto niyang malaman ang plano nito. Nagpaalam agad siya kay Magnus pagkatapos ng tawag ng Ama. Hindi naman ito nangulit pa at pumayag na lang.
Suot niya ang crop top sleeveless with two strings na nakapulupot sa kanyang baywang with leather jacket and pants matching with her high cut boots. Disente naman ito para sa kanya kaya siguro hindi naman magagalit ang kanyang Ama. Hinayaan niya rin na nakalugay ang pula niyang buhok. Namumula rin ang kanyang labi dahil sa ginamit na bloody red lipstick. At syempre ang paborito niyang eyeliner na hindi nawawala sa kanyang mata. Mas pinapatingkad nito ang angas ng mga mata niya.
Pinagmasdan ni Dawn ang paligid. Parang isang event ang mangyayari sa lugar.
Nilapitan niya ang isang babae na may dalang bulaklak.
"Excuse me, Miss!" Tawag pansin niya rito. Ngumiti naman ito sa kanya. "Anong meron dito?"
"Para po ito sa isang kasalan, Ma'am. Isa ka po ba sa bisita? Pwede ka pong maghintay sa loob," Magalang nitong sabi.
"Ahm... Hindi ako bisita. Kaninong kasal pala ito?"
"Sa Monterallo at Silueta Family. Pasensya na Ma'am, may gagawin pa po ako e,"
"Sandali!" Pigil niya sa pag-alis ng babae. Kinutuban na siya sa mangyayari ngayon kaya hindi niya iyon basta hahayaan na lang. "Pwede bang mag-apply?"
...
...
Malikot ang mga mata ni Dawn habang patuloy na nagseserve ng inumin sa mga bisita. Hindi pa niya nakikita ang bulto ng Ama sa paligid.
"Miss!" Tawag sa kanya ng isang bisita.
Nagtungo naman siya sa kinaroroonan nito habang nagmamasid sa paligid. Kailangan niyang kumpirmahin sa Ama kung para saan ito.
"May bago kang raket, Baby Indi?"
Bigla naman siyang napatingin sa harapan ng marinig ang pamilyar na endearment na 'yon.
"Anong ginagawa mo rito, Magnus?"
"Aww, Baby Indi! Bakit ang sama mo sa'kin? Wala naman akong ginawa kundi mahalin ka ah. Bakit sinasaktan mo ako ng ganito?" Drama nito sa harapan niya.
"Tumigil ka nga!" Saway niya rito ng mapansin ang napapatingin na bisita sa kanila. "Bakit ka ba narito?"
Kinuha muna nito ang natitirang baso ng alak sa hawak na tray.
"I'm invited," Nakangisi nitong sabi sabay taas ng wine glass sa kanya bago uminom. Inubos nito ang laman n'on. "Hindi mo sinabi sa'kin na pupunta ka rito. Sabay na lang sana tayo,"
"Narito ba si Magnum?" Curious niyang tanong.
"Baby Indi, ako ang na sa harapan mo. Bakit siya ang hinahanap mo? Dinudurog mo ang puso ko," Muling arte nito.
"Ang arte mo Magnus! Kapag hindi ka umayos, hahampasin kita ng tray." Banta niya rito.
Malawak naman itong ngumiti, "Biro lang. Kasama ko siya rito. Pupuntahan mo ba? May kasamang chix 'yon."
Naputol ang paguusap nila ng may tumawag sa kanyang waitress.
"Ina, marami pa sa loob! Huwag munang lumandi," Mataray nitong sabi bago tumalikod. Ito ang waitress na masama tumingin sa kanya kanina pa.
"Magtatrabaho na ako," Paalam niya kay Magnus.
"Willing akong landiin, Baby Indi!" Pahabol nito.
BINABASA MO ANG
Marrying a Rebellious Heiress
RomanceHe's perfect and she's not. He's not an alcoholic but she is. He's good at modeling but she's better at drag racing and gumbling. Everything he has, she doesn't care. Vander Monterallo is a successful man and well known as the most popular cover...