Kabanata 23

187 16 0
                                    

Lutang kami na umuwing apat. Si Tiya ay kasama ko sa karwahe habang si Uno naman ay sumabay kay Tiyo na nauna na. Walang nagsalita sa amin ni Tiya hanggang sa nakarating na kami sa bahay.

Naghihintay sa pinto si Uno at Tiyo William. Agad na naglahad si Uno ng kamay na maingat kong tinanggap. Naglahad naman si Tiyo ng kamay sa kanyang asawa. Binitawan ko ang kamay ni Uno para maalalayan niya si Tiya sa loob ng bahay.

Tiningnan ako ni Uno, "Sumunod ka kaagad."

Tumango ako. Pinanood ko silang tatlo na pumasok sa loob. Isang sulyap sa kakahuyan bago ako sumunod sa kanila. Pinaupo nila si Tiya sa isang silya.

Agad na nagpakita si Yri at Paula. Nakatayo lang ako sa gilid habang pinagmamasdan sila. Kita ko ang lungkot sa mata ni Tiyo na pilit niyang nilalabanan. Hawak ni Uno ang balikat ng kanyang ina pero nasa baba ang tingin niya at halatang may iniisip na marami.

Ganoon din si Tiyo. Nasa gitna silang tatlo ng kalungkutan ngayon. Gusto ko silang samahan pero wala akong magagawa sa ngayon.

Sumandal ako at humikbi. Ang ikalawang prinsipe, mahal na mahal niya ang asawa niya.

Pinunasan ko ang luha ko. Hindi ko dapat sila iiyakan dahil alam kong ang ganoong pag-ibig ay walang kamatayan. Natitiyak kong sila pa rin. Sila lang.

Kinabukasan ay malungkot ang bahay. Kahit saan ako tumingin, walang naroon. Sa tingin ko ay umalis sila, o malamang ay nagluluksa pa rin si Tiya.

Kalat sa buong bayan ang tungkol kay Solene at kay prinsipe Helios. At lahat ng nakarinig ng balita ay nakikiramay ngayon at gustong pumunta sa palasyo.

Alam ko kung gaano nila pinapahalagahan ang angkan ng hari na para na rin silang namatayan noong nalaman ang tungkol sa dalawa.

Kahit si Yri ay tahimik din kaya ako na lang ang naghanda ng pagkain ko. May nakahanda ng pagkain nila Tiya kaya isinalin ko na lang iyon sa baso at nilagay sa tray. Umakyat ako sa itaas at marahang kinatok ang pintuan nila.

Nagpakita si Tiyo na magulo pa ang buhok. Agad siyang tumingin sa hawak ko.

"Pinaghanda ko na kayo ni Tiya ng dugo."

Tumango siya at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto. Pumasok ako at nakita si Tiya na nakahiga pa rin at mahimbing ang tulog. Binalingan ko si Tiyo na nakatingin sa asawa niya.

Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin. Mabilis ko rin naman inilapag sa lamesa ang dalawang baso bago nagpaalam. Sunod kong pinuntahan ay ang silid ni Uno.

"Ano 'yan?" bungad niya.

"Baka nagugutom ka na."

Tumango siya at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto. Nagtagal ang titig ko sa kanya. Naninimbang ako ng kanyang ekspresyon. Nagtaas siya ng kilay pagkapansin sa pagkatulala ko.

Lumunok ako at pumasok sa kanyang silid. Nagmadali kong inilapag ang baso sa lamesang nasa gilid ng kanyang kama. Muntik na iyon matapon dahil sa pagmamadali ko.

"Hindi kita pagsasamantalahan, Celestine. Hindi ako ganoon kababa." rinig kong ani niya.

Tumikhim siya. Ngumisi siya at umupo sa kanyang kama. Tumayo ako ng tuwid.

"Lalabas na ako."

"Hindi mo ba hihintayin na maubos ko ang inuming binigay mo bago ka lumabas?"

"Ubusin mo na." kulang na lang ay ako na mismo ang magpa-inom sa kanya maubos niya lang kaagad.

Inabot niya ang kopita, "Pareho talaga kayong dalawa. Alam mo, nagugustuhan na kita."

Nagbaba ako ng tingin, "Malungkot ngayon ang iyong ina kaya binigyan ko sila ng maiinom. Alam kong malungkot ka rin dahil pinsan mo ang prinsipe."

Wishing On Dandelions (Mortal Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon