Nagpakilala ako sa kanyang ina. Pagpasok namin sa bulwagan ay naroon ang hari at ang mga anak at asawa nito. Huminga ako ng malalim at yumuko ng bahagya.
Pagtayo ko ng tuwid ay sinalubong ako ng yakap ni Stella. Tahimik siya kanina pa. Hindi ako nag-abalang tingnan siya sa kanilang silid dahil iyon ang sinabi ni prinsipe Luan kaya nakakabigla ngayong niyayakap niya ako.
Humiwalay siya at tumitig sa mga mata ko, "Kapag may umalis, may dadating. Nawala si Solene at Helios, kapalit ay ikaw at ang inyong anak ni Kieran. Masaya ako na makilala ka."
Ngumiti ako sa kanya, "Maraming salamat."
Nang humiwalay si Stella ay agad siyang nilapitan ng kanyang asawa at mga anak. Sumunod na lumapit sa akin ay ang ina nilang lahat. Bumagsak ang tingin nito sa suot kong singsing at ngumiti ng tipid.
Binalingan niya si Kieran, "Isang mortal. Kayong mga prinsipe, napansin kong mahilig kayo sa mga tao."
Ngumiwi si Ismael at nagtaas ng kilay, "Hindi ako."
Minsan ko na nakita ang anak ni Ismael pero hindi ko pa ito nakikilala. Prinsipe ng dalawang kaharian ang batang iyon. Palasyo ng mga bampira at palasyo ng nyebe.
"Sa pagbabalik ni Blad, kahit papaano ay kompleto kayo. Kung sana ay dumalaw si Anna at Apollo kahit papaano. Matagal na mula noong huli kong nakita si Fino."
Tumango si Stella, "Dadalaw kami bukas sa bahay, ina. Sasabihin ko kay Anna para makabisita sila."
Ngumiti ang kanilang ina at hinaplos ang pisngi ko. Niyakap niya ako at agad kong naramdaman ang gaan ng yakap ng isang ina. Pumikit ako ng marahan at hinayaan siya.
"Kailan ang kasal? Nagsisimula na lumaki ang kanyang tiyan. Mauuna ba ang kasal o manganganak muna?" tanong ni Ismael.
"Ako na ang bahala sa bagay na 'yon." tugon ni Kieran sa aking likuran.
Tumango si Damian. "Inuman tayo?"
Nagkaroon sila ng kaunting salo-salo. Kumain lang ako ng prutas habang pinapakinggan ang mga usapan nila. Maingay, pero nararamdaman kong kulang. May kulang.
Pagkalipas ng kalahating oras ay tumayo si Kieran at nilapitan ako. Hinaplos niya ang aking tiyan at yumuko siya para makabulong.
"Bumalik na tayo sa silid. Kailangan mong magpahinga."
"Pero ang mga kapatid mo. Gusto pa nilang uminom. Hihintayin kita, prinsipe." tanggi ko.
Sumulyap siya sa mga kapatid. "Maiintindihan nila."
"Bumalik ka na sa inyong silid, Celestine. Alam namin mabilis kang mapagod kaya kailangan mong magpahinga." saad ni Damian.
"Pero wala naman akong ginawa." agap ko, "Hindi pa ako pagod."
"Tayo na." lumipat ang kamay ni Kieran para hawakan ang kamay ko.
Bumuntong hininga ako at tumayo na. Magalang akong nagpaalam sa mga kamahalan bago kami lumabas ni Kieran para makapagpahinga na.
Bumukas ang maliit na pinto ng kubo. Napalunok ako at hinigpitan ang hawak sa kamay ni Kieran. Nasa labas ang ibang prinsipe na sumama sa amin. Nakatayo sila sa malayo at nag-uusap.
Naglakad si Kieran palapit sa lumang kahon sa gilid. Simple lang at hindi maiisip na may librong nakatago roon. Sagrado ang kubong ito para sa mga bampira pero may iba nang nakapasok.
Kinuha niya ang libro at walang pag-aalinlangan na binuksan. Napalunok ako at tinabihan siya. Ang libro ay makapal at kasing lapad ng dalawang normal na libro kapag pinagtabi.
BINABASA MO ANG
Wishing On Dandelions (Mortal Series #4)
VampirMortal Series 4: Kieran Pilantro Crimson cover not mine.