Kabanata 40

249 23 0
                                    

Umalis si Yri pagkatapos namin mag-usap na dalawa. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Lumayo ako para hindi na maging problema ng pamilya iyon pero kahit nasa malayo gumagawa pa rin ako ng gulo sa kanila.

Hinanap niya ako? Dapat ba akong maniwala?

Bakit niya naman ako hahanapin? Bumalik na si Ciara, dapat huwag niya na akong alalahanin pa ngayong umalis na ako.

Kinalma ko ang sarili ko. Tahimik akong maghihintay ng sunod na mangyayari bukas o sa magdadaang araw. Pero sino si Claudia? Ilang beses lang kaming nagkita ni Stella sa mga pagdiriwang at hindi ko siya masyadong nakakausap kaya wala akong alam sa kanya.

Bumuntong hininga ako. Paggising kinabukasan ay iyon na lang ang inaalala ko. Muntik na akong makatapon ng bagong lutong ulam. Mabuti na lang at nasalo ko rin kung hindi ay baka lagot ako kay kuya.

Bumaba si kuya para kumain nang tanghalian na, "Maghanda ka nga."

Sinunod ko ang utos niya. May ilang pamilya ang tahimik na kumakain. Pinaghanda ko si kuya ng kaunting sabaw ng baka at shanghai. Mabilis niya itong nilantakan.

"Ayaw mong kumain?" bumagsak ang tingin niya sa tiyan ko, "Baka gutom na 'yan."

Umiling ako, "Hindi pa. Kumain na ako kanina."

"Bahala ka." yumuko siya para magpatuloy.

Pinanood ko lang ang pagkain ni kuya.

Tumigil siya at tumingin ulit sa akin, "Sino ang ama niyan? Baka hindi mo alam sa dami ng nakatabi mo."

Lumunok ako at nagbaba ng tingin, "Hindi ko alam."

Tumawa siya at umiling-iling, "Katulad ka talaga ni Mama. Balak mo bang gumawa ng anak na puro panganay, huh? Nakakahiya ka."

Tumingin ako sa isang pamilya na nanonood sa amin. Lumayo na lang ako kay kuya para matigil siya sa sinasabi. Wala siyang alam. Hindi na lang ako nagsalita.

"Magsaing ka, Caesar. Kapag kinulang ang kanin sasakalin kita." saad ni Mama na bagong labas mula kusina.

Umingos si kuya. Naupo muna ako at pinanood ang mga dumadaan sa harap ng karinderya. Nasa harapan namin ang ibang bahay at ang plaza. May pwesto ng nagtitinda ng mga damit sa gilid.

Natuon ang tingin ko sa babaeng nakatayo hindi kalayuan sa pwesto namin. Umawang ang labi ko at sinulyapan si Mama na tumatalikod para makapasok na sa kusina. Sumunod si kuya sa kanya dala ang plato nito.

Mabilis akong lumabas at nilapitan si Yri. Hinila ko ulit siya sa gilid para hindi makita nila Mama.

"Nandito ka ulit." puna ko.

"May pinapabigay lang ang iyong Tiya." aniya.

Inilabas niya ang maliit na kahon. Nang buksan iyon ay napaawang ang labi ko. Maraming perlas at pera na nakalagay sa kahon. Mabilis ko itong isinara at tumingin ako sa magkabilang gilid.

"Para saan ito?" gulat kong tanong kay Yri.

"Bayad niya sa'yong ina. Sinabi ko kay amo na gusto mong manatili muna sa iyong ina kaya siguro binigyan niya ako ng bagay na ibibigay ko sa'yo. Kunin mo na 'yan, binibini."

"Sapat na sa akin at sa aking ina ang tricycle at karinderya, Yri. Pakisabi kay Tiya na hindi ko ito matatanggap."

Suminghap siya, "Pero, binibini..."

"At huwag mo na rin akong tatawaging binibini." ibinigay ko sa kanya pabalik ang kahon, "Pakisabi ng maigi kay Tiya ang pagtanggi ko para hindi niya masamain. Hindi ako humihingi ng tulong at kung ibibigay niya 'yan ng libre hindi ko matatanggap."

Wishing On Dandelions (Mortal Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon