Pag-uwi sa bahay ay nanlaki ang mata ko nang naabutan silang nag-aayos ng lamesa. May mga pagkain doon. Adobo, pansit, shanghai, at cake na maliit. May mga bulaklak din sa gitna at isang boteng wine.
"Ano 'to?" mangha kong tanong kay Mama.
"Happy birthday, anak." nakangiting sambit ni Mama.
Pinigilan ko ang sarili kong maiyak pero hindi ko kaya. Tumulo ang mga luha ko kaya agad akong niyakap ni Mama na natatawa ngayon. Nasa gilid si kuya at may tipid na ngiti sa kanyang labi. Binalingan ko siya at nginitian.
Humiwalay si Mama at pinunasan ang luha ko. Ganito pala kasaya ang pakiramdam na tinawag niya akong anak.
"Huwag kang umiyak, ang pangit mo na." biro ni Mama pero nangingilid na rin ang luha niya.
Hinawakan ni Kieran ang baywang ko at giniya ako palapit pa sa mga nakaupo sa gilid. Binati ko sila isa-isa. Mga kapitbahay namin ang mga ito at naisipang pumunta ngayon.
"Boypren mo ba, ineng? Aysus, ang guwapo!" bungisngis ni Aling Trisha.
Binalingan ko si Kieran na ngumingiti ng tipid. Tumayo si Aling Gemma at hinawakan ang pisngi ng prinsipe.
Bumungisngis din ito na parang kinikilig, "Anak ka ba ng artista, hijo? Parang may kamukha ka, eh. Sino nga ba 'yon?"
Tumawa ako at inilibot ang tingin sa kanila.
"Ay! Galing ka bang ibang bansa? Hindi kaya anak 'to ng artista na nagtatago lang?"
Umiling ako pero hindi ko mapigilan matawa sa sinasabi nila. Sumimangot sa akin ang prinsipe pero agad siyang umayos nang muling balingan ni Aling Gemma at pinisil ang pisngi niya.
"Ang swerte mo naman, hija." muntik pa akong mapalo ni Aling Se.
"Maganda rin naman si Celestine. Bagay silang dalawa." agap ni Aling Trisha.
"Sandali pahawak nga ako..." ani ni Aling Sel at dinaluhan si Kieran.
Hinarap ko si Mama habang abala ang mga bisita kay Kieran. Nag-aayos pa siya ng ibang naluto.
"Ang iba rito ay ambag pa nila Trisha, anak. Pinagluto ka dahil alam nilang kaarawan mo." saad ni Mama.
Tumango ako sa kanya. Mamaya, pagkatapos nito ay magpapasalamat ako sa kanila.
Binalingan ko si Kieran saktong nakatingin siya sa akin. Nagmamakaawa ang tingin niya habang pinagpipiyestahan nila. Natawa ako at nilapitan sila.
"Kainan na!" sigaw ni kuya.
"Tumigil ka, Caesar! Magdasal muna." pigil ni Mama.
Tinabihan ko si kuya habang nagdadasal kami. Pumikit ako ng marahan. Pagkatapos ng dasal ay nagsimula na silang kumain. Sinulyapan ko si Kieran na nakatayo lang sa gilid at pinapanood sila. Para siyang walang kaalam-alam sa nangyayari.
"Kuya," baling ko kapatid ko.
Natigilan siya at tumingin sa akin, "Bakit, Maui?"
"Ano ang tingin mo sa akin?"
Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Nakita kong nilalapitan kami ni Kieran kaya mabilis kong dinagdagan ang sinabi ko.
"Ano ako sa'yo, kuya?" dagdag ko.
"Ikaw ang kapatid ko sa ina na matagal kong hindi nakasama." lito niyang tugon.
Napangiti ako, "Kapatid. Sapat na 'yon sa akin."
Napakurap-kurap siya at bumaling kay Kieran na nasa likod ko na. Humakbang si kuya palapit sa akin at marahan akong niyakap.
"Hindi ako naging mabuting kuya sa'yo. Mas inuna ko ang pera kaysa sa kapatid ko."
BINABASA MO ANG
Wishing On Dandelions (Mortal Series #4)
VampireMortal Series 4: Kieran Pilantro Crimson cover not mine.