Kabanata 32

207 18 0
                                    

Masaya ang naging bakasyon. Walang oras na hindi kami pumuntang bayan para silipin ang mga iba't-ibang pakulo nila. Naranasan din namin pumunta ng gabi at mas maganda pa ang mga palabas dahil mas aktibo ang mga immortal.

Bulaklak o ginto ang kadalasang premyo sa mga patimpalak. Minsan naman ay ginto o perlas kung medyo may kaya ang nagpapalaro.

Sumali ako sa uguyan. May nakataling bulaklak sa itaas at kailangan iyon maabot habang nakasakay sa duyan. Si Uno ang nagtulak ng sa akin. Marunong ako tumayo sa duyan at magbalanse dahil mahilig ako sa ganito noong bata pa ako.

Nangunguna ang sigaw ni Yri noong nauna kong nakagat ang rosas. Binigyan ako ng sampong perlas at isang litro ng dugo at pinuri pa ako ng mga nanonood. Nakangiti kong tinanggap ang mga premyo.

Nakanguso ang babaeng nakasabay ko sa uguyan habang nakatingin kay Uno. Nang napansin niyang tinitingnan ko siya ay inirapan niya ako. Tumawa ako ng mahina at hinintay si Uno at Yri na makalapit sa akin.

Niyakap ako ni Uno. Mas lalong sumimangot ang babae at nagmartsa na palayo. Iba na naman ang tingin ni Yri kaya humiwalay ako kay Uno.

"Ang galing mo." puri niya.

Ngumiti ako, "Maraming salamat."

Bumungisngis si Yri at inagaw ang rosas na hawak ko para amuyin. Natawa ako sa ginawa niya. Nanatili ang kamay ni Uno sa aking baywang. Pagkatapos sa uguyan ay naglakad-lakad lang kami at tinitingnan ang bawat palamuti na tinitinda sa gilid.

"Bagay sa'yo 'to." pinulot ni Yri ang itim na hikaw at sinubukan sa akin.

Kinuha naman ni Uno ang puting pulseras na simple at tinitigan ng matagal. Bumagsak ang tingin niya sa kamay ko at natigilan nang nakita kung ano ang suot ko.

"Bigay niya, hindi ba?" aniya.

Lumunok ako at tumango. Kumuha ulit si Yri ng simpleng hikaw at sinusubukan kung babagay ba sa kulay ko. Hinayaan ko siyang gawin iyon para makatakas sa tanong ni Uno na nasa aking likod.

Walang gabi na hindi malalim ang tulog ko dahil sa pagod. Sa pangatlong araw naman ay medyo lutang ako. Gabi kahapon ang pagdiriwang sa palasyo. Hindi ko alam kung nasabi ba nila ng maayos ang mensahe ko sa prinsipe.

Bukas pa lang ang uwi namin at ngayon ay balak naming pumasok sa kanilang palasyo. Abot hanggang sa palasyong ito ang koneksyon ni Tiyo William, salamat kay haring Lazarus.

Gabi na noong umuwi kami at pumipikit na ako sa sobrang antok. Ni hindi ko na nasundan ang pinag-usapan ni Tiyo at ng mga prinsipe at prinsesa sa loob dahil bumabagsak na ang ulo ko.

"Magpahinga ka na. Kanina ka pa antok." boses ni Uno sa gilid ko.

Ang palasyo ng hangin ay kasing laki lang ng palasyo ng bampira. Iba lang ang kulay ng kanila. Iyon ang dahilan kaya mukhang may buhay ang kanilang kastilyo. Malakas ang hangin sa lugar.

Bumagsak ang katawan ko sa kama at doon na nagpahila sa antok. Naligo ako kaagad pagbangon ko. Nakahanda na ang pagkain ayon kay Yri na nasa tabi lang ang silid dahil natatakot ako sa lugar.

Kumain ako habang umiinom naman sila ng dugo. Si Yri ay nasa likod bahay at nakikipagsa iba niyang kasama.

"Ito na ang huling araw. May gusto ka pa bang puntahan, Celestine? Pwede pa tayo rito ng dalawang oras."

Umiling ako kay Tiyo, "Hindi na. Wala na akong iba pang gustong puntahan. Sa dami ng napuntahan natin ay masaya na ako. Saka sumasakit ang paa ko."

Tumawa si Tiya, "Ipagamot mo 'yan kapag nakauwi tayo."

Tumango ako sa kanya at sumubo ng tocino. May naghahatid ng kinakain ko na isang lalaking binabayaran nila Tiya upang tumawid sa kabilang mundo at bilhin ang mga kinakailangan ko. Iyon ang isa sa utang na loob ko sa kanila.

Wishing On Dandelions (Mortal Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon