Nakapikit lang ako buong oras. Gusto kong matulog at magpahinga pero ayaw ng utak ko. Paulit-ulit na pumapasok sa aking isip ang mga sinabi ni Yri kanina. Pagod na ako kakaiyak. Namamaga na ang pisngi at mata ko pero ayaw pa rin tumigil.
Hinayaan kong dumaloy ang panibagong luha sa gilid ng mata ko. Kung magpapakasal din pala siya kay Ciara, bakit niya pa ako sinundan dito? Pinaglalaruan ba ako ng prinsipeng iyon?
Bumuntong hininga at pinilit ang sarili na bumangon para mamalengke. Nautusan ni Mama kanina kaya kailangan kong gawin iyon. Mga ingredients lang ang bibilhin ko, tsaka na ang mga manok at karne dahil may bagong deliver naman.
Kung magpapakasal siya kay Ciara, wala akong karapatan para pigilan iyon. Ang tangi ko lang magagawa ay ang umiyak hanggang sa mawalan ng tubig sa katawan, manghina, at masaktan.
Kinuha ko ang malaking bayong na paglalagyan at ang mahabang listahan na ginawa ni Mama. May limang libo na nakalagay sa lamesa kaya kinuha ko 'yon.
Nasa bahay ng kapitan si kuya dahil sa nangyari noong nakaraan. Pinatawag pa ako pero sabi ni Mama ay siya na lang ang pupunta.
Sinarado ko ng mabuti ang bahay bago ako umalis. Ang palengke ay nasa likod lang naman ng mga bahay-bahay sa harap namin pero malawak 'yon at alam kong maraming tao. Kailangan kong mag-ingat.
Nang nakarating ay inuna kong hanapin ang mga malapit sa kinatatayuan ko. Luya at sibuyas. May binigay silang plato kaya nilagay ko roon ang luya na napili tsaka 'yon kinilo.
Pagkatapos ko roon ay sa mga gulay naman ako napunta. Ang hirap pumili ng ganito dahil hindi naman ako bumibili dati. Hindi ko rin natatanong kay Yri ang tungkol sa mga gulay.
May deliver mamaya para sa mga itlog kaya hindi na ako nag-abala pang bumili. Nasa kalahati na ang bayong kaya bumibigat na. Bumili ako ng palamig sa gilid at tinapay na sais pesos.
"Miss, padaan!" busina ng sasakyan ang narinig ko.
Agad akong tumabi para makadaan ang mamahaling kotse. Mabilis kong inubos ang buko juice at itinapon 'yon sa basurahan. Bumaba ang bintana ng kotse at sumilip ang isang lalaki.
May tinawag itong isang lalaki at may pinag-usapan sila. Hindi ko masyadong kita ang mukha ng lalaki pero malinis siya tingnan. Sumilip naman ang nakasakay sa driver seat.
"Sige, sasabihin ko." bahagyang tinapik ng lalaking tinawag ang kotse nila at sumaludo siya sa nakasakay sa loob.
Inilibot ng lalaking nakasakay ang kanyang tingin sa aming lahat at tumigil iyon sa akin. Umawang ang labi ko at nangalkal sa aking alaala. Saan ko nga ba siya nakita?
Bahagya siyang tumango sa akin. Pasimple akong tumingin sa likod ko dahil baka doon siya nakatingin pero walang tao. Ngumiti siya ng bahagya nang muli kong balingan.
Napakurap-kurap ako at nag-iwas ng tingin."Ano raw sabi ni Vince?" rinig kong tanong ng lalaking nagtitinda ng buko juice sa lalaking tinawag.
Napatuloy ako sa paglalakad. Inilabas ko ang papel at tiningnan kung ano pa ang hindi ko nabibili habang kinakagatan ang tinapay.
Bumusina ulit ang kotse kaya mabilis akong gumilid pero hindi tumigil ang pag-iingay. Medyo iritado akong lumingon doon pero iyong kotse kanina ang nakita kong nakatigil. Umandar ito at tumigil ulit sa mismong harap ko na.
Bumaba ang bintana at bumungad ang lalaki kanina. Pinagtitinginan kami dahil sa kotse.
"A-ako ba?" tinuro ko ang sarili ko.
"Ikaw ang anak ni Aling Christine, 'di ba?" tanong niya.
Tumunganga ako tsaka lang tumango, "Bakit?"
BINABASA MO ANG
Wishing On Dandelions (Mortal Series #4)
VampireMortal Series 4: Kieran Pilantro Crimson cover not mine.