02.
As promised, nakabihis na ako ngayon getting ready sa unang pagkikita sa 'soon to be husband' ko.
'Bat naman ganto yung mga bistida ang sisikip, nakakahinga pa ba yung mga nagsusuot nito?' Inayos ko ang bistidang suot ko.
Bat kasi dress dress pa? Pede namang tshirt at pants nalang! Jusko.
'Wow sister you look good' sarkastikong sabi ni Nathalie ikaw dapat yung nasa pwesto ko ngayon e, arte arte mo kasi!
'Haha. Salamat.' Binigyan ko sya ng pekeng ngiti 'are you ready my dear daughter?' Hinaplos haplos pa ni mama ang buhok ko.
As if naman may choice ako. 'Yes po ma, nandyan na po ba si kuya?' Tumingin ako sa paligid.
'Yes! He's waiting for you outside' turo nya sa red na mercedes sa labas 'una na po ako, para po makabalik din ako agad!' Sinadya kong maglakad ng mabilis phew.
'Are you sure you'll really do this?' Tanong ni kuya habang nakatingin sa daan, maingat na nagmamaneho 'Yep! Maganda naman yung mabebenifit ko e' awkward na sagot ko sakanya.
Onting minuto pa ay nakarating na kami sa meet up place, halatang halata ang pagkarangya ng lugar. Halatang halata na hindi bagay sa isang katulad ko.
'If things don't go right call me I'll pick you right up, okay?' Mahinhing sabi nya pa bago ako bumaba 'Sige, salamat' ngumiti ako sakanya ng matipid.
Di man kami close ni Kuya ramdam ko parin ang concern nya sakin kahit hindi nya naman ako kaano-ano, never nya akong trinato na step sister nya. Sadyang di lang talaga kami close kasi nga nakahiwalay ako ng tinitirahan.
Huminga ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa hotel pag pasok ko ay namangha ako kung gaano ito kaganda Syempre mahal e.
'May maitutulong po ba ako sainyo maam?' Siguro naramdaman ng isang employee dito na bobo ako sa mga lugar na ganto kaya nagtanong na sya, de charot!
'May imimeet up po sana ako e, kaso di ko po alam kung saan eksakto po kami magkikita' Nahihiya kong sabi dun sa babae
'May i know po kung sino ang imimeet up nyo?' Titig na titig sya sakin, scary!
Agad kong kinuha ang cellphone ko at chineck ang pangalang tinext sakin ni mama kanina.
'Ah si a-ano po, P-Park SUNGHOON?!' Napasinghap agad ako sa nakita kong pangalan maski ang babae ay nagulat sa reaction ko!
YOU MEAN PARK SUNGHOON?! Y-yung sikat na ice skater... m-mula sa korea?
Pass! Gusto kong umurong! No way! No fucking way!
'Ah hehe, pamilya Park po ba? Tara po ihahatid ko na po kayo sa kanila' naguguluhan man ay nginitian ako ng babae.
Hindi ko alam kung susunod ako sakanya o uurong ako at tatakbo papalayo dito, Si Sunghoon yon mga mare! Di basta basta yon jusko naman Lord! Ano po ba itong pinasok ko?
Kung uurong ako ay alam kong itatakwil na talaga ako ni mama bilang anak nya! At babawiin nya lahat ng tulong na ibibigay nya sakin! Kung tutuloy naman ako ay.. ay.. NAKO TARA NA NGA!
Hinawakan ko ng mahigpit ang bag ko staka sumunod dun sa babae, mistula akong bobong bata dito na naligaw ng landas.
'Dito ko nalang po kayo mahahatid maam, di na po kasi ako pedeng pumasok sa restaurant na yan, iba na po kasi ang nagaassist sa loob' nakangiting sabi nya.
'Ay hala! Okay lang! Salamat!' Nginitian ko din sya, pinanood ko pa syang maglaho kung saan.
'May reservation po ba or naka stay in po kayo sa hotel?' Tanong nung guard seryosong nakatingin sakin
'Ah Park-'
'Table 34 po' tas pinapasok nya na ako, wews bastos yon ah! Inayos ko ang sarili ko at naglakad na ulit
Di sa kalayuan ay tanaw ko na ang tatlong taong naghihintay sa isang magandang lamesa, Lord yung puso ko po palabas na!
'Hi, hello po!' Pag lapit ko ay pinigilan kong manginig ang boses ko.
'Hmm.. you should be?' Nakataas kilay na tanong sakin nung babae, nasa 50's na ata
'Chloe po, Chloe Miranda po.' Nakipag kamay ako.
'Hmm.. tama nga si Mrs. Miranda, isa kang magandang bata' pinaupo nya na ako
Ramdam kong nag-init ang nga pisngi ko, maganda daw ako mga bhe!
'Let my son introduce himself' napatingin nalang ako sa lalaking nasa harap ko halatang walang pake sa nangyayari.
'Sunghoon?' Staka lang sya nagtaas ng tingin, myghad! Tinatawag ko na po ang lahat ng santo! ANG GWAPO!
'Ah yeah, Sunghoon Park' di manlang sya nagabala na ngumiti or kamayan ako! Sungit! Sapakin kita dyan e, joke lang po lods
'So while waiting for our order may we discuss abou-'
'We already talked about this mom.' Ramdam ko ang lamig ng pananalita nya. Lord save me!
'Sunghoon Park.' Jusme! Mas nakakatakot ang boses ng tatay nya mga bhe! Kinakabahan ko lang silang tinignan.
'I don't wanna marry anyone. Mom. Dad.' Nakipaglaban pa ng tingin ang loko! Gosh!
'Don't be so rude infront of someone Sunghoon.' Ramdam ko ang galit sa boses ni Mrs. Park
'I am not, I'm just telling the truth.' Tumingin sya sakin.
'Sunghoon Park!' Nagulat ako sa biglang pagsigaw ng tatay ni Hoon, lord pede na po ba akong umuwi?
Nagulat din ako sa biglang pagtayo ni Hoon 'whatever.' Sabay alis nya! Hoy teka lang! Pano naman ako! Jusko! Hawak mo ang buhay ko teka lang!
'Sorry Chloe' kita ko ang hiya sa mga mata ni Mrs. Park
'Ayos lang po, sundan ko lang po yung anak nyo' agad din akong naglakad at sumunod dun sa hambog nilang anak!
Paglabas ko ay sabay din ng pagulan! Leste naman oh! Agad naman nahagip ng mata ko ang lalaking nakapayong at naglalakad palapit na sa kotse nya
'Buset.' Tumakbo at sumugod ako sa ulan para mahabol sya
'Sunghoon! Teka lang! Hoy!' Agad naman nya akong nakita
'What the fuck are you doing here? Did you really followed me here? In the middle of heavy rain?' Hindi makapaniwala nyang sabi
'Oo kasi ewan! Sunghoon nagmamakaawa ako sayo! Hawak mo ang buhay at pangarap ko! Wag mo naman akong talikuran ng ganon ganon lang' sayang yung benifits na makukuha ko no!
'Do you really want to marry me?' Seryoso nyang tanong.
'Yes.' Lie.
'Why?'
'Kasi gusto ko.' Another lie.
Alangan naman sabihin ko sakanya na pinilit ako ng nanay ko at pumayag ako dahil sa mga benifits na ibibigay nya sakin pag pumayag ako, edi mas lalong hindi itutuloy ng lalaking toh yung kasal.
'Fine. Just dont expect me to treat you better.' Naglakad sya pabalik, Abay gago yon! Iniwan ako sa ulanan!
