21.
'Where is that again?' Itinuro ko kay Sir yung maliit na eskinita sa daan 'dun sir! Kaso parang di kasya ang car nyo' maliit lang kasi talaga ang espasyo ng eskinita para lang kasi sa tao yon.
'Where can we park then?' Seryoso nyang tanong 'marami akong kilalang tambay dyan sir! Tara pabantayan natin sakanila' lumabas ako at hinanap si boy palaboy, isa sa mga kaibigan ko.
'Boy! Request naman oh? Pabantayan naman sasakyan nitong amo ko! Tawagin mo na din sila junjun para safe!' Astig kong sabi 'Ano ba yan Arianna ano namang kapalit?' tanong nya sakin 'eto oh! Five hundred! Ipang meryenda nyo!' Ibinigay ko ang five hundred at agad namang nagningning ang mata ni Boy.
'Yon! Yaman mo talaga! Sige sige ako na bahala dyan! Sisiguraduhin kong walang gasgas at walang makakahawak dyan!' Sumipol sya at dumating naman ang iba nyang kasamahan.
'Tara na boss! Sila Boy na bahala dyan! Wag kang mag alala, malakas ako sa mga yan! Di mawawala yang kotse mo.' Masaya kong sabi 'are you sure?' Alinlangan nyang sabi 'Oo naman sir! Takaw mata tong sasakyan mo pero tamang tao naman ang titingin e! Tiwala ka lang!' sinigurado ko sakanya.
'No, im not worried about my car. I can buy it again if i want, but i have some documents and personal stuffs inside that can't be lost so are you sure? It's safe?' Tanong nyang muli 'Oo boss safe na safe' nag thumbs up ako.
Bago kami umalis ay ipinaalala ko muli kay Boy na tignan mabuti ang kotse.
'Dito Boss.' Hinawakan ko ang kamay nya 'sorry ah? Need kitang hawakan baka kasi mahulog ka or mabangga ka ng mga tao dito' sabi ko 'i-it's fine Arianna' he smiled, mahirap na no! Mayaman tong kasama ko! Baka mamaya e dekwatan ng mga tao dyan sa tabi tabi!
'HOY ARIANNA! GWAPO NAMAN NYAN JOWA MO?' Sigaw ni aling Sabel, chismosa samin 'HINDI NO! BOSS KO TOH' sigaw ko pabalik 'GANON? RETO MO SI INDAY! PARA NAMAN MAY SILBI YUNG ANAK KO! IHO! MAGANDA ANG ANAK KO!' Sigaw nya 'ULOL!' Akin 'toh e bakit ko bibigay sa anak mong mukhang tae!
Nakarating kami sa bahay na tagaktak ang pawis 'Ay hala Sir!' Kawawa naman tong isang toh! Parang naligo na 'Saglet, MAMA!' Tinawag ko si mama sa loob 'YES MAGANDANG MAMA PAPARATING NA!' Rinig kong sigaw ni mama sa loob.
'ANONG DALA MONG CHIKA NGAYON HA? ANG AGA MO HA MAY DALA KA BANG... lalaki?' Nagulat si mama sa kasama ko 'Huy ma! bunganga mo! Ay sir! Si mama! Mama, si Sir Jay! Boss ko.' Pinapasok ko si Jay sa gate
'Magandang tanghali po' magalang na sabi ni Jay 'Magandang hapon din iho, pasok ka' di magkandaugaga si mama kakakilos. Itinapat nya ang tatlong electricfan namin kay Jay at binuksan ang aircon, oh sosyal! May aircon kami!
'Nako Iho pasensya na ha? Makalat!' Mabilis na itinabi ni Mama ang mga papel na nakakalat sa tabi-tabi 'Ayos lang po Ma'am' napakamot si Sir ng ulo, kakahiya nanay ko no? Dyan ako mana e!
'Maka ma'am naman 'to! Mama nalang or Tita! apaka galang mo naman pogi pa kaya pala nagu-'
'Mama may ingredients ba tayo dyan para sa tapsilog? Lulutuan ko kasi si Sir, di pa kasi sya nag la-lunch kaya nagmagandang loob na po ako' ngumiti ako kunwari kay mama at pinanlakihan sya ng mata, baka kung ano pang masabi ni mama kay Boss at mabuko pa ako.
'Sakto oo! Namalengke ako kanina! Di pa rin ako nananghalian e! Tara tulungan na kitang magluto.' Masayang sabi ni Mama, bonding namin 'to ni mama ang magluto! Kaso minsan bida-bida talaga ang nanay ko! Naalala ko dati nakikipag away yan sa mga nanay sa dati kong school kasi di daw masarap yung luto nila! Jusko. Feeling ko ako ang nanay!
Habang inaasikaso ni mama si sir Jay ay kumilos na ako, kinuna at inihanda ko na ang mga sangkap na gagamitin ko. Tapa! Check, tapa sauce? Check! Itlog? Nasan yung itlog? 'MAMA! May itlog pa ba tayo?' Lumabas ako sa kusina 'Wala ba? Sabi na e may nakalimutan ako!' Napailing si mama 'o sya, bumili ka muna don!' Utos nya.
Agad naman akong bumili kayla Aling Bebang 'teh bebang pabili!' Katok ko 'Hay nako anong kailangan mo Arianna?' as usual mukha nanaman syang stress 'stress na stress ah?' sabi ko 'sino ba namang di maiistress e ang pangit pangit ng mister ko ang dami pang kabit!' Kumamot sya sa kanyang ulo 'tatlong itlog nga' binigay ko ang bayad 'kulang bayad mo oy!' Nagtaka ako 'ha? Tama naman ah? Diba sampung piso ang itlog? Thirty yang binayad ko!' Depensa ko 'tanga kinse na itlog ngayon' ganon?! Ang mahal naman!
Pagkabayad ay bumalik na agad ako sa bahay 'bat ang tagal mo naman?' Singhal ni mama 'aba mama ang init init ang layo pa ng tindahan hindi naman ako si flash sa isang segundo lang nakabalik na' pinunasan ko ang pawis ko.
***
'Tada! Luto na!' Masaya kong sambit kaya naghain na si mama 'tara na iho, masarap magluto yan si Arianna! Mana sakin yan' agad namang umupo si Jay sa upuan 'Oh dahil special ka may pa sobra kang itlog!' Inilagay ko ang dalawang itlog sa plato nya 'How about you?' Nagtataka nyang tanong 'nako! Araw araw kumakain yan si Arianna ng itlog! Buti nga ay nagsawa na! Baka mamaya magising nalang ako na mukha narin syang itlog!' Tawa ni mama.
'Mama ang daldal mo.' Inirapan ko sya 'Aba bakit tahimik ka ba?' Tanong nya 'hindi...' nahihiyang sabi ko 'oh diba? Mana mana lang yan!' Sinandukan ni mama si Jay ng kanin at binigyan din nya ako 'Tara kain na' binigyan ko si Jay nang tapsing niluto ko 'Special yan! Made with love!' Nag finger heart pa ako.
'Silly.' Sumubo sya at hinintay ko ang reaction nya, nang makita kong walang ekspresyon ang mukha nya ay napabusangot ko, diba masarap? Made with love pa naman yan! 'If I hired you as my private cook would you accept it?' Nagulat ako sa tanong nya 'h-ha?' Naguguluhang tanong ko 'This is delicious!' Nag thumbs-up sya! Grabe para akong kinomplement ng isang anghel!
'Talaga? Kinabahan ako! Kala ko ayaw mo!' Nakahinga ako ng maluwag 'I should add this to my menu and let you cook it on your own' nagulat ako 'hala! Talaga?' Tumango sya! Nakangiti akong tumingin kay Mama 'alam mo bang pangarap nyan ni Arianna makapagpatayo ng sarili nyang restaurant?' Biglang singit ni mama
'Oh, wow! Really?' Napatingin sakin si Jay, di naman sa pangarap isa lang sya sa mga goal ko. Kasi gusto kong ipagmalaki ang luto ni Mama! 'Oum, pinagiipunan ko nga e' sabi ko at sumubo 'If you need any help, don't hesitate to ask me' sambit nya at uminom.
'mama! Uuwi na daw po si Sir!' Sigaw ko 'ha? Sandali!' Mabilis na nagpunas si mama ng kamay at tumakbo samin 'heto oh! Atsara! Nakakatulong yan para di ka maumay sa mga ulam!' Binigay ni Mama ang maliit na garapon 'oh.. thank you po! Ma- I mean tita' niyakap ni Jay si Mama at nagpaalam na.
'Ma, hatid ko lang' ngumiti ako kay Mama 'Sorry ha? Medyo masikip sa lugar namin' inalalayan ko sya 'It's okay' ngumiti sya 'Sigurado akong tambak nanaman tayo bukas' ininat ko ang kamay ko 'Yeah, I think so too' he chuckled.
'Boy!' Tawag ko, talagang binantayan nila ang kotse ni Sir ah! 'Oh ano pauwi na ba yan? Buti naman! Gutom na kami' nginitian nya si Sir Jay 'uhm here, a little token for taking care of my car' binigyan nya ng tig-iisang libo sila boy 'Yun! Worth it naman pala! Thank you boss!' Nakipag apir sila sakin bago umalis.
'Dapat di ka na nag abala pa, nawalan ka tuloy ng sampung libo! Jusko ka! Mayayaman nga naman' tumawa ako 'it's okay! I mean the took care if my car naman' napakamot sya sa ulo.
'Oh sige na! Gabi na! Ingat ka pauwi ha?' Pinapasok ko na sya baka mapano pa 'to kung magchichismisan pa kami! Gabi na din kasi, malayo pa ang bahay nila.
'Thank you for today, I really enjoyed the tapsi you cooked' ngumiti sya kaya ngumiti na rin ako.
'And... wag kang matakot mahulog sakin, I'll surely catch you if that happens.'
