Party (p2)

14 2 7
                                    

23.

Napalingon agad ako sa nagsalita 'Hee!' why is he here? 'You good? You're friends are having fun inside why are you here?' tanong nya sakin 'Ayoko malasing ng maaga, may shoot tayo bukas right?' Tanong ko sakanya 'It would be move next week nagrereklamo kasi yung ibang artist, rush daw' he smiled and stand beside me.

'Oh, how about you? Ba't ka nandito?' takang tanong ko sakanya 'I don't drink e' huminga sya ng malalim at binuksan ang can ng soda na hawak nya 'gusto mo?' alok nya, I smiled and took the can of soda 'Thanks' lumagok ako, kakamiss din pala mag soft drinks no?

Simula kasi nung sumikat ako pinagbawalan na akong uminom ng softdrinks or kumain ng kung ano ano, kailangan daw kasi i-maintain ang katawan to look good on camera. Nung una medyo nahirapan ako dahil nasanay akong kumain ng kung ano-ano mahilig kasi kaming kumain dati ng mga junkfoods nila Arianna, I miss those moments...

'Ay hello! pwede ko bang hiramin ang kaibigan ko?' Biglang sumulpot si Chloe 'Ah, yes.' Nag ngitian ang magkapatid 'Ba't ka nasa labas? Tara inom na!' Yaya nga sakin 'Mamaya na! Di ako pwedeng maglasing Chlow' sabi ko sakanya 'Iba na talaga pag sikat no' sumandal sya.

I just smiled 'Mukhang close kayo nung kapatid ko ah' sumipsip sya sa beer na dala nya 'Hindi ah! Sya kasi maghahandle nung new movie ko' tumingin ako sa kawalan 'Oo nga pala! Magkapatid kayo?' Naguguluhan kong sabi.

'Step. Step sibling' paliwanag nya 'so sya yung anak nung bago nang nanay mo?' Tanong ko 'Oo, ngayon ko nga lang naging close yan' tumawa sya 'Ba't di mo sinabi samin?' Tanong kong muli 'Kasi, never ko naman silang trinato na kapatid e, diba nga nabuhay ako mag-isa?' Tumingin sya sakin 'E, ikaw? Kumusta? Di ka na nagkwekwento ah?' Lumingon sya muli sakin.

I don't know also, minsan okay ako minsan naman hindi. Maski ako nga naguguluhan sa sarili ko e. 'I'm fine' ngumiti ako 'hay! Anong fine! Basta kapag may problema ka nandito lang ako ah? Magkwento ka! Makikinig ako! Makikinig kami.' lumingon sya kayla Louise na nagsasaya sa loob. 'Thank you..' pinilit kong h'wag umiyak. I don't wanna ruin the party.

'Tara na! Paiyak ka na e! Walang iiyak! Magsasaya tayo today!' Tumatawang sabi nya kaya tumawa na din ako, hinila nya na ako sa loob kaya lumiwanag na ulit ang mukha ko.

'Ay mga dai! Nag-invite pala ako!' Biglang bulaslas ni Arianna kaya natigil kami 'Boss ko lang naman don't worry! Tahimik lang yon kaya chill' pagkatapos non ay may narinig kaming nag doorbell 'Ayan na sya!' Kinikilig pang sabi nung gaga, jowa nya siguro yon.

'Hi..' isang gwapong lalaki ang sumalubong samin, infair may taste si bakla! 'Boss ko! si sir Jay!' Nag-unat ng kamay si Jay kaya tinanggap namin lahat yon. 'Nice to meet you' ngumiti sya. Familiar sya, ah! sya yung nag dedeliver ng food samin! He's succesful now huh?

'Ako din nag-invite hihi' sabi naman ni Maggie 'aba! Dapat sinabi nyo! Para sana nadagdagan ko yung pagkain! Mga gaga kayo!' Sabi ni Chloe 'di na vevs! Masarap magluto yon' kagaya kanina ay may nag doorbell rin 'Coach! Hello! Pasok ka na!' Rinig naming sigaw ni Maggie sa may pinto.

'Hi, I'm Riki. I brought food' ibinaba nya ang pagkaing dala nya 'Uy! Yummy!' Sigaw ni Arianna kaya nahiya si Riki. Diba ito yung crush ni Maggie? He looks so young! But he's body structure looks so manly na!

'Ako din! Meron! Papatalo ba ako?' Naeexcite na sabi ni Louise, lahat ba sila mag jowa na? ako nalang ba wala?! 'Yan na sya mga dai saglit!' Kumaripas ng takbo si tanga papunta sa pinto 'Hi..'

'OMYGHAD JAKE!' Sigaw naming lahat 'SABI NA E! MAHAL PA ANG EX!' Mapang asar na sabi ni Chloe 'MANAHIMIK KA NGA' bara naman nung isa. 'E ikaw ba teh? Nasan jowa mo?' Biglang tanong ni Louise, natahimik naman si Chloe 'wala.. busy daw! Tara na party na!' Agad naman kaming naexcite, binuksan ni Chloe and disco lights nya. Si Arianna naman ang naghanap ng kanta.

The more you HATE, the more you LOVEWhere stories live. Discover now