Walang title kasi wala (p.2)

13 2 4
                                    

26.

Maaga akong nagising dahil maaga rin nag-ingay ang alarm clock ko, putcha si-net ko kasi yun ng 6 o clock, tumunog ba naman ng five thirty?! Kaya iritang irita akong bumangon sa kama ko, naabutan ko naman ang kapatid kong naghahanda ng almusal at baon nya.

'Oh ang agad mo ah?' Kinusot kusot ko pa nga ang mata ko 'May reporting kasi kami ngayon ate, di kami nakapag practice kahapon kaya ngayon kami mag pra-practice' abalang abala sya sa pagbabalot ng baon nya 'ah ganon ba? Goodluck!' umupo ako sa upuan, alangan namang sa lamesa diba?

'E ikaw teh bat ang aga mo?' Umupo sya sa tabi ko 'kasi di ako late' pilosopong sabi ko 'galit ka po ba?' agad naman akong napatingin sakanya 'hindi no! Ayos lang yon' inayos ko ang polo nya 'sorry talaga ate, sa susunod di na ako tatanggap ng pagkain kay kuya Jake' tumingin sya sakin 'pera nalang' biglang syang tumawa 'siraulo ka talaga! Pumasok ka na nga!' inirapan ko sya, at uminom ng tubig.

'Alam ko na ba't ka masungit ate! Meron ka ngayon no?' Tanong nya sakin 'Pano mo nalaman?' Takang tanong ko 'May tagos ka e' casual na sabi nya 'WEH? MERON?' Napatingin agad ako sa salamin, shocks! Meron nga! Gago ayoko pa namang nagtratrabaho pag meron ako! Kaso no choice, pera or nganga?

'Seryoso ate? Nakalimutan mo ang red day mo?' Manghang tanong sakin ni Jaiden 'Di ba halata? Sobrang busy ko na kasi lately kaya di ko na namalayan ang mga araw' sabi ko sakanya 'Oh s'ya ate! Una na ako ha? Mag napkin ka! Magbaon kadin ng extra!' paalala nya at hinalikan na ako sa pisnge.

'Kung makapaalala naman toh kala mo sya yung may regla!' Tumatawang sabi ko pagtingin ko sa orasan ay 6 o clock na pala 'uy potah!' Nagmadali akong kumilos dahil susunduin pala ako ni Jake ngayon.

Ewan ko din kung bakit ako pumayag, tipid pamasahe na din kasi yon! Wala akong pera ngayon no! Broken ang ate mo ghorl, nag-ayos na ako dahil baka papunta na si Jake. Simple lang ang ootd ko today! Kasi nga meron ako kaya gusto ko yung comfortble ako gumalaw. I just chose to wear a white oversize shirt matching with a black sweat pants.

Oh diba parang mag p-pe lang WHAHAHAHH tapos sinuot ko na rin yubg ID ko na kakabigay lang kahapon, buti nga maayos yung mukha ko! Ang sudden kasi ng pictorial! Di ako ready! Hulas na hulas pa ako nung pinicturan! Buti nalang inedit ng onti yung mukha ko! Kasi kung hindi ay nagmukha akong bangkay!

*beep beep!*

'Ay shutangina!' Muntik pa akong mahulog sa hagdan sa pagmamadali 'Saglit!' tumingin muna ako sa salamin bago buksan ang pinto 'Hi!' masaya ko syang binati 'Hi, goodmorning.' ngumiti sya sakin 'are you ready to go?' tanong nya sakin 'yep! Tara na' kinuha ko ang bag kong ke-bigat bigat na akala mo dala ko ang buong mundo!

'Let me.' kinuha nya ang bag ko 'uy! Ako na! Kaya ko na' inabot ko ang bag ko kaso tinignan nya ako ng masama, oh ano tiklop ka ghorl? pinagbuksan nya din ako ng pinto kaya nahihiya akong pumasok 'thanks..' he just smiled and drove away.

'Nag-almusal ka na?' Tanong nito saakin 'Di pa! Dun nalang ako sa karinderya sa tapat kakain' inayos ko ang upo ko, nagulat ako nang iikot nga ang kotse 'Huy san tayo?' Takang tanong ko sakanya 'sa peyborit gotohan mo' ginaya nya pa ang pagsasalita ko 'gago.' Bulong ko.

Maya-maya pa ay nakarating kami nakakamiss naman dito! Ang layo kasi nito saamin! Kaya di na ako nakakakain ulit dito! Last kong punta dito e nung kami pa ni Jake! Dalawang taon na kaya kaming break! Pagbaba namin ay umingay ang tyan ko! Gutom na talaga ako! 'Hehe..' nauna akong naglakad kay Jake at humanap ng mauupuan.

'Hi anong sainyo? Oy! Sila suki!' excited na sabi ni Aling Juanita, sya ang may ari ng karinderyang toh 'Hello po! Yung dati po lola!' Magalang na sabi ko 'Naks antagal nyo na ah! Kayo parin ba?' napaubo ako sa tanong at namula ang mga pisngi! 'My order is also the same, yung dati parin po' ngiti ni Jake at inabutan ako ng tubig.

'Gagi after 2 years!' Excited kong sabi 'yeah, after two years' tumitig sya sakin 'a-ah! Kakamiss dito no? Grabe natatakam na ako' pagbago ko ng topic, same place but different feelings ang vibe na nararamdaman ko dito! This place used to be mine and Jake's favorite, dito nga halos nangyari lahat! Ang panliligaw nya, ang pag sagot ko sakanya, monthsary, anniversary, at.. ang first kiss ko...

Dito din nangyari ang break-up namin! Saksi ang lugar na ito sa lahat-lahat! Hulaan nyo kung ilang taon ako nung naging kami? 15 ako non! WHAHAHAHAHAHHA tas 16 sya! Forda bata ano? Wala sorry, charot! 3 years rin kami no! pero wala e, di kami para sa isa't isa.

Nang maamoy ko na ang order namin ay naexcite na ako! Nakakamiss ang sizzling chicken plus mami nila! 'Thank you for the food!' Nagsimula na akong kumain, kada subo ko ay napapatili ko 'Ang sarap!' Nag-thumbs up ako kay Jake, ngumiti lang sya at umiling-iling sakin 'Ang cute mo' biglang sabi nya kay napatigil ako sa pagkain 'alam ko' sabi ko with matching hairflip pa!

'You have a sauce on your lips' turo nya sa labi ko 'oh edi punasan mo' halatang nagulat sya sa sinabi ko, ako rin naman nagulat! 'Chariz! Paabot ng tissue bhe' hiyang hiya na sabi ko, iniabot nya ang container ng tissue sakin 'Thanks!' Agad kong pinunasan ang labi ko, sakto namang napatingin ako sa relo ko 'HOY! Seven thirty na!' Bulaslas ko 'So?' kibit balikat nyang sabi

'Anong so? tanga late na ako! Bawas to sa sweldo ko!' Tumingin ako sakanya 'Baka nakakalimutan mong nagtratrabaho ka sakin? Di kita babawasan ng sweldo' sabi nya kaya nakahinga ako ng maluwag 'magkano lahat?' Tanong ko ng matapos kaming kumain '350' sabi nya at naglabas na ng pera 'Uy! Sorry di ako makakashare ha? Wala talaga akong pera, inabono- I mean nagastos ko kahapon' muntik pa akong mabuko!

'Di ko naman sinabing mag-share ka, ako ang nagyaya at nagdala sayo dito kaya it's my treat' ngumiti sya 'Hindi bhe! Nakakahiya! Ang dami kong kinain kumpara sayo! Bayadan nalang kita pag nabawi ko na yung pera ko ha?' Sabi ko sakanya 'Nagabono ka kahapon? Why?' Seryosong tanong nya 'ha? Hindi ah!' depensa ko 'Kahit tignan ko sa cctv?' Hamon nya.

'Gusto ko lang naman kasing maubos na yung product kahapon... isa nalng kasi yon! Kaya mura ko na pinagbili... kumpleto naman yung binigay ko sayo diba? Okay na yon' pinapawisan kong sabi 'okay, i'll let that pass.' Sabi nya at tumayo na kaya tumayo narin ako.

'Just don't do that next time. Hindi mo naman kailangan ipilit na maubos lahat yon, Ayokong maglabas ka ulit ng pera para lang maubos ang produkto ko' sabi nya at pumasok na sa sasakyan 'Noted Sir..' pumasok na rin ako at nanahimik nalang, nagalit ba sya?

Pagdating namin sa building ay sinundan ko sya 'ilan kota ko today??' Tanong ko sakanya habang pinaglalaruan ang kuko ko '500' sabi nya at tumitig sa phone nya 'Ha? Bat ang onti naman?' Gulat na sabi ko 'Nothing, I just want to why may reklamo ka?' Tumingin sya sakin 'Wala! Sure ka ha 500 lang ha!' tinignan ko sya 'Yeah' walang emosyon nyang sabi.

Lumabas na ako at sinimulan nang magbenta, easy lang toh 500 lang pala e! Nakikisabay ang universe dahil may regla ako! Tuwang tuwa kong sabi at inihanda na ang sarili ko, di pa man nakakapagsimula ay pinuntahan ako ni Seah 'Huy! Bakit ka nandito?' Gulat kong sabi 'Sabi ni sir Jake tulungan daw kita e' masaya nyang sabi 'huy gagi! Ayos lang! Kaya ko na!' Sabi ko sakanya.

'Ay by any chance! Mukha naman close na kayo ni sir, may nakwento ba sya about sa ex nya? Matagal na nya kasing hinahanap yon e! About 2 years na din, pinapahanap nya sakin tas di naman nya binibigay yung pangalan! Pano ko hahanapin yon?'

Di mo na need hanapin kung sino yon girl, kasi nasa harap mo na mismo.. but what? He was finding me? Why? May kinalaman ba yon sa break up namin?

The more you HATE, the more you LOVEWhere stories live. Discover now