THE JOB

25 2 3
                                    

04.

'Goodluck sa paghahanap ng trabaho bhe!' Sambit ni Chloe sa kabilang linya.

'Salamat bhe! Pagdasal mo ako ah! Sana ito na talaga yon!' Lord bigay nyo na sakin ito, nakailang apply na po ako huhu!

'Mama alis na ako ma!' Paalam ko sa nanay kong busing busy sa kusina 'saglit lang nak! Baunin mo ito oh! Para di ka magutom!' Sabay bigay nya nun maliit na lunch box.

'Si mama nagabala pa! Salamat ma! Love you!' Sigaw ko at nagmadali ng tumakbo

Kaya mo ito Ariana! LABAN PARA SA PERA!

'bhe dito bhe!' Kita kong kumakaway si Louise saakin 'ganda ng kotse mo ah!' sabay pasok sa kotse nya.

'Nakakaluwag ang lola mo e! Kaya eto!' Pagmamayabang na sabi nya 'sira alam kong sa kuya mo toh! Nakita ko yung post nya sa ig!'nagsuot ako ng seatbelt

'Ay gago. Sabi nya si nya popost! Epal talaga! Anyways saan tayo?' Nakatingin lang sya sa daan.

'Dun sa Jay's food of company?' Pinakita ko nalang sakanya ang daan.

'Oy gagi bhe ang laki naman ng building!' Di makapaniwalang sabi ni Louise 'kaya nga e! Sana matanggap na ako bhe! Para naman malibre ko kayo!' Nakangiti ko pang sabi.

'Oh sige na! Goodluck! Fighting!' Pinanood kong makalayo ang sasakyan nya, Lord kayo napong bahala sakin!

Pag pasok ko sa loob ay kitang kita ang ganda ng lugar! hello future job charot!

'Ay hello po! San po pede mag apply?' Tanong ko don sa employee sa baba.

'Food nutritionist ba? Nako! Nakakuha na sila ng bago e' nanghihinayang na sabi nung babae.

'Ay ganon po ba? Sayang.. salamat!' Malungkot akong tumalikod sakanya

'May isa pa akong alam na trabaho.. pero ang tanong kaya mo ba?' Nabuhayan ako ng loob at tinignan sya.

'opo! Need ko po kasi talaga nang pagkakakitaan!'

She led the way toward the elevator 'ano ba yung trabahong alam mong free pa?' curious kong tanong 'recently kasi naghahanap ng assistant yung ceo nitong company, pinaalis nya kasi yung assistant nya kasi..' parang nagaalinlangan pa sya...

'Kasi?' Ano ba curious din ako no!

'Nagka gusto sakanya yung assistant nya, ang pinaka ayaw nya ay kapag nagpapakita ng affection ang isang tao sakanya. The ceo doesn't believe in love kasi' paliwanag nya

'ganon? weird ah' a person who doesn't believe in love? Sarap kaya magmahal! Lasang magic sarap!

'Oh nandito na tayo, ako na ang kakatok para sayo pasok ka nalang ha! Goodluck! Advice lang! Wag ka na masyadong mag salita, ayaw nya kasi ng maingay! Pag tinanong ka nya dun ka lang magsalita ha? Sana hindi ka nya sigawan! Goodluck girl!' Kumatok sya at iniwan nya na ako!

'Come in.' Ramdam na ramdam ko ang lamig ng boses nya kahit nasa labas palang ako.

Papasok ba ako? Aatras? Ano?

'Good morning po..' natatakot akong bumati sa ceo, di ko pa matignan ang mga mata nya dahil ramdam ko ang matalas nitong mga tingin sakin, katapusan ko na po ba?

'So you're applying to be my assistant?' Dun lang ako nagkalakas ng loob para tignan sya, HOLY MOTHER OF HELL! ANG POGI! WAIT ANGHEL BA SYA NA BINAGSAK SA LANGIT OH DEMONYONG IBINALIK SA LUPA?!

'uh? Hello? Im asking you? MS. ARIANA.'

'ay Ariana! Opo! Yes po!' Kung hindi po papalarin asawa nyo nalang po!

'So.. what can you do?' He looked at me seriously

'Lahat po! I can be all rounder po si- boss!' I tried to sound persuasive tanggapin mo na ako! Kailangan ko ng pera!

'Like?' Ay di pa enough yon? Nilahat ko na nga e!

'Bantayan po kayo 24/7!' Proud kong sabi, ngunit nakita kong mas sumeryoso ang mukha nya, katapusan ko na right?

'Joke lang po ano po ma-'

'You're hired.' Seryoso nyang sabi, ano daw? TANGGAP NA AKO? agad lumiwanag ang mukha ko

'Omyghad! Salamat po! Salamat! Pagbubuti-'

'You can start tomorrow. For now be familiar with the building. Cassandra will give you a tour. Make sure to take note.' Seryoso nyang sabi at suminyas ito na pede na akong makalabas.

Pagsara ko ng pinto ay di ko napigilan ang sayang nararamdaman ko 'FINALLY! A stable job! RICH ARIANA HERE I COME!' excited akong bumaba at hinanap si Cassandra.

The more you HATE, the more you LOVEWhere stories live. Discover now