19.
'Arianna! Gising na!' Sigaw ng nanay kong bungangera 'Ma! Ang ingay mo naman e!' Umikot ikot ako sa kama ko 'Aba mahal na prinsesa alas-otso na!' ANO?!
Agad akong napabalikwas sa kama ko at tinignan ang orasan, putangina! Alas-otso na nga! 'MAMA! BAT NGAYON MO LANG AKO GINISING?!' Napasabunot ako sa sarili ko 'Anong ngayon lang?! Kanina pa kita ginigising hoy! Puro ka five minutes dyan!' Sigaw nya.
Shet shet shet!! Late ako!! Late na ako!! Gusto kong umiyak! Ayan Arianna! Tulog pa!! Nagmadali akong maligo at hindi na naisipan pang kumain 'hoy di ka kakain?' Takang tanong sakin ni Mama 'mamaya na po! Paki tabi nalang bye ma! Love you!' Kumaripas ako ng takbo.
Pagkarating ko ay tumakbo na ako papasok sa loob, patay ako neto! Hindi lang patay! Doble dead!
'Ms. Natividad why are you late?' Seryoso akong tinignan ni BossCeo na parang kakain nya ako, scary! 'Sorry po boss! Nakainom po kasi ako kagabi tapos po! Late po ako ginising ni mama' iyak ko sakanya, huhu wag nyo po ako sisantihin!
'You drunk last night? Gawain ba yan ng maayos na employee?' Seryoso nyang tanong, lagot! Huhu 'Sorry po talaga... nagkayayaan po kasi kagabi saamin...' pagsasabi ko sakanya ng totoo. 'It's okay. Have you eaten yet?' Tanong nya 'Hindi pa po..' hindi pa naman kasi talaga!
'First rule! Before you start working, you need to have a full stomach.' Nag-lecture pa nga! 'Sorry po, mamaya na po ako kakain! May papagawa po ba kayo?' Masaya akong ngumiti sakanya.
'Yes, eat with me. I don't want any employee specially my secretary to work without eating anything.' He signal me to follow him, which I did! 'Ah! Sir! Mali po ata yung way natin? Dun po yung canteen oh!' Tinuro ko yung left wing ng building, I just saw him chuckled.
'I know, I memorized everything in and outside my building. And we will not eat in the canteen, we'll be going in my private restaurant.' Naglakad na syang muli, ano daw?! Private restaurant?!
Sumakay kami sa elevator at nakita kong pinindot ni Boss and 20th floor, huh? May 20th floor? Pero dun sa elevator sa baba hanggang 19 lang ha? '20th floor po sir?' Di ko maiwasang itanong 'Oh, this botton is only for me and also for the people who was hired to work in my private restaurant.' Paliwanag nya.Pagka-labas naman ay tumambad sakin ang napakaliwagan na paligid, ay heaven? Char! 'Omyghad..' napasinghap ako! Ang ganda! Para syang overlooking! 'Enjoying?' He ask, tumango ako ng parang tuta. Arf arf!
'Let's go now and order.' Sinundan ko sya at umupo na rin, kitang-kita ko ang gulat na expression ng mga employee dito, ngayon lang ba kayo nakakita ng tao mga vebs? Inabutan ako ng menu at nalula ako sa presyo! Sampung libo para lang sa ribs?! Gagi isang taon ko ng sahod toh sa dati kong trabaho e!
'What do you want?' Tanong sakin ng Ceo na hindi manlang nag-abalang tumingin sakin 'ah? Babayaran ko po ba 'to sir? Wala pa po kasi akong pera' nanlulumo kong sabi 'what? No? I'll pay for it first tas kakaltas ko nalang sa sweldo mo' he looked at me smirking.
'Ay! Wag nalang po! Water nalang po!' Pabiro kong sinara ang menu book 'Kidding, don't worry it's my treat' he smiled 'sure ka po?' I smiled 'Yes? If you want you can order all the things in the menu, that's nothing for me' nagmayabang pa si gago. 'Tapsilog po sir meron dito? Di sanay dila ko sa mga mamahaling pagkain e' parang yung pagkain pa ang kakain sa buong buhay ko.
'Hmm? I don't think that's in the menu Arianna but we'll make that happen. Mike!' Sigaw nya 'yes po sir? Have you figured out what to order?' Nakangiti nyang sabi 'mines the same, and she said she wanted tapsilog? Do you know how to cook it?' Tanong nya 'Y-yes po sir' alinlangan nyang sagot. 'Okay then, please prepare it now.' Agad namang umalis si Mike sa harap namin.
'Ay sir question?' Tumingin ako sakanya 'hmm?' He answered 'bakit po parang gulat na gulat sila nung nakita nila ako? Di pa po ba sila nakakakita ng tao? Ay este di po ba sila sanay makakita ng ibang tao?' curious kong tanong.
'To be honest? You were the first person that I brought here.' He said looking seriously at me 'That's why they were shock? I think? I usually forbids my employee to go here.. no. None of the employee know that this place exist. Only me and my private cooks, and plus one! You.' Napaka seryoso naman ng taong toh' 'So you should be thankful.' He added 'ay ganon po? Thank you!' Madali ako kausap no!
'You know what? I like you, you're so innocent' pinaglaruan nya ang cutting knife na nakahanda na sa lamesa 'Di mo sure!' Biro ko sakanya, pareho kaming natawa alam nyo? bagay kay BossCeo nakatawa parang ang amo ng mukha nya!
Ilang minuto pa ay dumating na ang mga pagkain namin, uy! Yummy! 'Here's your tapsilog ma'am' binaba ni Mike sa tapat ko ang pagkain, dahil food nutritionist ako dati alam kong ibang iba ang tapsilog na 'to sa ordenaryong tapsilog na nakikita sa tabi tabi. First time lang kaya nalang magluto nito?
'Hindi ka mabubusog kung titignan mo lang ang pagkain Arianna' seryosong sambit ni BossCeo na nagsisimula na palang kumain 'Ay sorry kala ko kasi may magic na kusang lalapit sa bunganga ko yung pagkain' sarkastiko kong sabi sakanya.
Bago pa man ako sumubo ay tumalikod at naglakad ng muli si Mike, grabe naman! Mukha ba akong judger? Pagsubo ko ay lasa ko na agad ang kakaiba, first time nga nilang magluto nito.
'How's it?' Tumingin sakin ni Jay 'Pwede ba maging honest? Hehe' pinunasan ko ang bibig ko 'Go on.' Sabi nya 'hmm, masarap naman yung luto sa tapsilog kaso parang may kulang kasi hehe, pero onting practice pa! Lutuan ko kayo next time! Magaling ako sa mga silog meals! Pero masarap talaga! Appreciated ang effort' nag thumbs up pa ako.
'Do you want to taste?' Inalok nya ako nung baby back ribs na mas mahal pa ata sa buhay ko! 'Pede?' Nagningning ang mga ko 'Yeah, here' hiniwaan nya ako at tinapat ang tinidor nya sa bunganga ko 'say ah!' para syang bata nung gawin nya yon! Cute!
'AH!' Gaya ko naman nang masubo ko ito ay gusto kong maluha! Heaven! Ang sarap! Sobrang sarap! Sunod naman ngang pinatikim ang steak na specially made for him and him only daw! As expected masarap rin! Grabe! Sana mauwian ko si mama nito! Favorite nya pa naman yung mga ganto!
'Are you done? Let's go' pinunasan ni Jay ang labi nya kaya nagmadali na rin akong kumain, muntik pa nga akong mabilaukan! Buti nalang may tubig na panulak, pagtapos ko ay inayos ko ang pinagkainan ko at disente nang tumayo sa tabi ni Jay.
'Just send me the total, I'll pay later.' Seryoso nanaman nyang sabi, nakita kong tumango ang mga VIP employee nya.
Sabay kaming lumabas at pumasok sa elevator 'have you enjoyed the food?' Tanong nyang bigla 'opo! Grabe! Never ko pong naexperience yung ganto kabusog!' Tumawa ako, pagkatapos non ay katahimikan nanaman ang namayani.
'Ay Sir! Question!' Dahil bida bida ako gusto kong itanong ang humors na bawal magkagusto sakanya 'What?' Seryoso syang tumitig sakin.
'Uhm, may sabi-sabi po kasi na kapag nagkagusto sainyo, sinesisante at pinapatanggal nyo daw po sa trabaho. Sabi po kasi sakin ng iba dito ganon daw po yung nga nangyare sa mga dati nyong secretary kaya daw po walang nagtatagal? Pero ser kung private yung reason no need to answer po!' Magiliw kong sabi.
'What? Who said and spread that?' Huh? So hindi nya alam? Like di nya talaga alam? So hindi yun yung dahilan kung bakit napaalis yung dati nyang mga secretary at Cassandra?'
'Po? Pero yun po kasi yung sabi sabi e, so hindi po masamang magkagusto sainyo?' curious ko nanamang tanong, bakit ba? Malay nyo diba chance ko na 'toh! Chariz! Pera muna bago ang kalandian!
'If I said no, would you like me then?' Seryoso nya akong tinignan na parang matutunaw ako ng wala sa oras.
