01.
'ganda naman ng shot mo Chloe' sabi ng isa sa mga kasama kong photographer
'tyamba nga lang ito kuya Ry e' nahihiyang sabi ko
'sus pahumble pa sya oh!' nangaasar na sabi ni kuya Ry
'Hindi no! Si kuya Ry talaga' napakamot nalang ako sa ulo ko
'Oh sige na tapos ka nanaman ata e! Ako na magsasara dito! Una ka na' nakangiting sabi nya
'Talaga? Kaya sayo ako kuya Ry e! Salamat!' Malaki akong ngumiti sakanya
'Nako nako! Ikaw nagagawa nito pag tumagal tagal ka dito, syempre senior mo ako kaya ako nakatoka dito! Kaya ikaw! Galingan mo ha!' Sabay hawak nya sa balikat ko
'Psh! Ako pa! Oo naman no!' Mapagmalaki kong sabi sakanya
Lumabas ako sa building namin na may malaking mga ngiti hays makakauwi ako ng maaga ngayon! Hindi pa ako nakakalayo nang mag ring ang cellphone ko
*mama calling*
Oh? Bakit kaya napatawag si mama? Di naman ito tumatawag sakin pag hindi importante e
'Hello ma?'
'San ka? Pauwi ka na ba?'
'Ah opo! Kaka out ko lang po sa trabaho'
'Pede bang dumiretso ka sa bahay? May sasabihin kami sayo ng tito mo.'
'Kakakaba naman po kayo ma! Pero sige po dadaan ako dyan'
Simula namatay si papa naghanap ng bagong mapapangasawa si mama ayoko sa desisyon nyang yon kaya humiwalay ako sa bahay kahit bata pa ako, di naman talaga kami close ni mama e.
Bumalik sya sa ex nya na may asawa na pero hiwalay may isang anak ito na lalaki na mas matanda sakin at nagkaanak din si mama kay tito kaya may half sister ako.
Wala naman silang pake sakin kaya di ako close sa mga 'kapatid' ko tho minsan nagsasama sama kami sa family gathering na laging nauuwi sa away dahil hindi kami close sa isat isa- scratch that! We actually hate each other.
'Dito nalang po manong! Salamat!'
Bumaba ako sa tapat ng isang malaking mansyon, grabe isang taon na din akong di nakakatutong dito.
'Good evening po Maam Chloe!' Bati sakin ng guwardya sa labas ng mansion
'Magandang gabi din po manong Ernesto' binati ko sya pabalik bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay
Huminga ako ng malalim bago kumatok 'mama? Nandito na po ako!' Nagulat pa ako dahil bigla itong bumukas
'Magandang gabi po tito' nag aalinlangan kong sambit
'Magandang gabi Hija, pasok ka at naghihintay na sayo ang mama mo sa loob' mahinhin nyang sabi, nginitian ko lang sya
Pagpasok ko ay sumalubong sakin ang malamig na hangin na nanggagaling sa aircon.
Daig pa antartica sa lamig ah, may polar bear ba dito?
'Hi po ma' mag ble-bless sana ako ng bawiin nito ang kanyang kamay
'I told you already Chloe im not that old enought para magmano ka' halata ang pagkairita nito sa boses
'Ay sorry po hehe' kinakabahang umupo ako sa upuang nasa tabi nya 'ano po bang sasabihin nyo sakin ma? Parang nakakakaba naman po...'
'This is an important offer Chloe, and i will not accept 'NO' as an answer' strikto nyang sabi scary
'Eh ano po ba iyon?' naguguluhang kong sabi
Tumingin muna sya kay tito bago tumuloy
'We have an investors galing korea well known management. And meron silang anak na lalaking gusto nilang ipakasal, they offered us na kapalit ng alliance nila sa company ay ipapakasal ang anak nila sa isa sa mga anak ko' nakatingin sakin ng mabuti si mama carefully watching my reaction
'Oh? Si Nathalie po! Free na free! 18 nanaman yong isang yon! Pede na po sya' naguguluhang sambit ko, bat nyo pa ako pinapunta dito?
'I was planning na ikaw nalang ang ipakasal' she was a little hesitant to say
'E yun la- PO?!' Ako? As in me? No way! Masaya ako sa buhay ko no! Ayoko!
'Calm down anak' ha! Anak? For the first time in forever mo akong tinawag na anak ah? Dahil may kailangan ka? Ha AYOKO
'Pass po ma, sige na po salamat mauna na po ako'
'Ill support you photography dream.' Napatigil ako dun ah
'Ill pay for all your tuition fee sa lahat ng photography schools na papasukan mo. Papalakihin ko ang building na pinagtratra-bahuhan mo, ill also hire professional photographers to help your photography team, support all your needs like your electricity bills and water bills. Ill also pay for you monthly checks sa condo na tinutuluyan mo. Ill give you allowance if you need too.' Nakakalunod naman po ang offer nyo mama, sabagay mayaman naman kayo
'G-gagawin nyo po talaga lahat yan?' Nagaalinlangan kong tanong, i saw her smile which means she won.
'Yes, just accept the offer.' Nakangiti nya paring sabi. I mean kapag tinangap ko yon malaking tulong yun sakin para makatipid! Wala ng problema! Pagkain ko nalang! Makakatulong pa sa team mates ko kasi di na kami magtitiis sa maliit na building namin!
Pero pag tinanggap ko naman yon edi parang binenta ko nalang din yung sarili ko sa taong di ko kilala or di ko alam kung ibabalik ba yung pagmamahal na ipapakita ko sakanya
Lord pano po ito? Help me!
'Sige po! Ill accept the offer! Pero tutuparin nyo po yung mga sinabi nyo kanina ah!' Wala e marupok ako e
'Ofcourse! I think all things are well! Kailangan mo nalang makilala ang mapapangasawa mo!' She said happily
'Kelan ko po ba sya makikilala? Para naman po makapag handa ako' like syempre! Di pedeng para akong basahan pag nagkita kami no!
'Bukas.' My mother smirked.
'Bukas na po?!' Patay.