Walang title kasi wala

18 3 5
                                    


25.

'Ate oh! Sige na! Bilhin mo na! Eto nalang natira kota na ako' pagod na pagod kong sabi 'magkano ba yang sabon na yan?' Masungit na tanong nung babae '2k' ngiti ko sakanya 'ang mahal naman! Wag na' tumalikod sya '500 nalang! Sige na! Maganda tong product na toh' agad ngumiti ang babae at binili.

Ako nalang magdadagdag nung one-five, atleast natapos ako diba? Pawis na pawis akong pumasok sa loob na akala mo hihimatayin na ako 'putcha wala pa akong kain' hindi ko nga din namalayan na pahapon na pala, ngayon lang din kasi ang nakaramdam ng gutom.

'You're done?' Naabutan ko si Jake na pakape-kape lang 'Oo, oh eto yung kinita tapos na ba yung duty ko today?' Pagod na sabi ko 'Yes. Congrats, for surviving.' ngumisi sya 'Sige, una na ako ha?' Mamatay na ako sa gutom at pagod! 'Vevs! Ayos ka lang?' Nag aalalang lumapit sakin si Seah.

'Ha? Oo! Haha' sa totoo lang hindi, ikaw ba naman wala pang kain maghapon pang nasa tirik ng arawan! 'Namumutla ka vevs! Pahinga ka kaya muna?' pinapaupo nya ako 'Di na dai! Uuwi na ako dun nalang ako magpapahinga' nginitian ko sya at kinuha na ang gamit ko.

'Pano ba yan Lou, lalakad ka pauwi ngayon dahil wala ng tira sayo' nanghihina akong ngumiti sa sarili ko. Huminga muna ako ng malalim bago maglakad pauwi, malayo-layo man ang lalakarin pero kaya ko 'toh! Baka Louise to'

Wala pa man sa kalahati ang nalalakad ko ay ramdam ko na ang pagbigay at paghina ng tuhod ko 'Lou!' Nakarinig ako ng tumatawag sakin 'Maggie' gulat akong napatingin sakanya 'Sabay ka na samin girl!' Aya nya sakin kaya sumakay na ako sa sasakyan nila.

'Are you okay? You look pale' nag-aalalang tanong nya sakin 'pagod lang bhe, wala parin kasi akong kain' ngumiti ako ng tipid sakanya 'Ano? Bakit di ka pa kumakain?' Alalang alala nyang banggit 'May kota kasi akong kailangan tapusin don sa bago kong trabaho, kesa naman magpahinga ako edi tinuloy ko na' paliwanag ko.

'Here take this sandwich, para magkalaman yang tyan mo, and c2 di ko pa naiinuman yan' ngumiti sya 'ikaw? Baka gutom ka din' sabi ko sakanya 'Kumain na ako kanina sa studio Lou, you better eat! Susumbong kita kila Torie sige ka!' nanakot pa nga ang gaga 'thank you' nginitian ko sya at nagsimula nang kumain.

'huy salamat sa paghatid ha!' Niyakap ko sya at bumaba na 'No problem! You go na! Luvyah!' Nag flying kiss sya 'luvyahmore!' Sigaw ko at tinignan umalis ang kotse na sinasakyan nya. 'Ate! Bakit ngayon ka lang!' Ngumiti ng malapad si Jaiden at niyakap ako 'traffic, sorry! Kumain ka na?' Tanong ko sakanya.

'Di pa po, hinihintay kita e! Tara nag-order po ako' excited na sabi nya 'order? San ka nakakuha ng pera ha? Nako Jaiden pag yan nakaw talaga!' Pinanlakihan ko sya ng mata 'nakaw agad ate? Binenta ko yung mga ibang products mo sa school! Andami ngang bumili e' proud na sabi nya 'ganon! Nako ang galing talaga ng kapatid ko!' Ginulo gulo ko ang buhok nya.

Nagsimula na kaming kumain at takam na takam na talaga ako! Lahat kasi ng nakahain sa lamesa e paborito ko! May pizza, may chicken wings! May pasta at softdrinks! 'Mukhang malaking malaki ang kinita mo ngayon ha? Grabe' sarap na sarap pa ako sa kinakain ko, para na nga akong patay gutom! But wala akong pake, gutom ako!

'Actually ate, bigay 'to ni kuya Jake, yung ex mo?' Halos masamid ako sa sinabi nya 'ANO?!' Malakas na hiyaw ko

'Bakit ngayon mo lang sinabi?!' Gulat na sabi ko 'kasi pag sinabi ko agad edi hindi mo kakainin' guilty na sabi nya 'Teka, nagpunta sya dito?' Takang tanong ko 'oo.. kanina! Hinahanap ka nga, kaso sabi ko wala ka pa' sabi nya at kumagat sa pizza.

Kaya pala puro paborito ko ang nakahain... pero bakit? Na-guilty ba sya sa pinagawa nya sakin? Hindi naman siguro no? Putcha. Mahal nya pa ba ako? Chariz! Baka nga may bago na yon! Baka welcome gift ganon?

'May pinapasabi pa nga e' nang aasar nyang sabi 'ano?' Naiinip na sabi ko 'Miss you, balik ka na' sabay non ay kumaripas sya ng takbo 'JAIDEN SAMUEL DOMINGO HERNANDEZ!' galit na sigaw ko 'Sorry ate!' Tumatawa tawa nyang sagot sa kwarto 'Siraulo.' Umirap na lamang ako.

Nang mabusog ako ay pinamigay ko sa kapit bahay ang ibang natira, sayang naman kung tatabi ko pa, e bigay ng ex ko yan.. charot! Sira kasi ang ref namin mapapanis lang yung pagkain kaya pinamigay ko na at mukhang di nanaman bababa si Jaiden dito.

Naghugas at naglinis ako ng bahay bago ako umakyat sa kwarto ko upang maglinis ng katawan. Nag-apply muna ako ng lotion at nag-skin care bago humiga sa kama. Ininat ko ang mga braso at binti ko, ramdam ko parin ang pagod ng katawan ko 'panibagong araw nanaman bukas' bumuntong hininga ako.

*ting!*

Napatingin agad ako sa cellphone ko nang tumunog ito.

Jakey : are you home?

Oh ba't napa text toh?

L0ui3 : Oo, bakit?

ilang saglit pa ay nagreply ito sakin

Jakey : Good, have you received the food?

L0ui3 : Yep! Thank you sa pa-food mayor, sana maulit <33

Humikab ako

Jakey : It will ;)

Hala sya bhe, may pag kindat na naganap!

L0ui3 : naks, sige mayor aabangan ko susunod mong ayuda!

Ilang saglit pa akong naghintay, pero wala na nagtext pabalik 'scam pala 'to e!' Inis na sabi ko, at tumingin sa kawalan, patulog na sana ako nang tumunog ulit ang phone ko! Inaantok na ako jusko! Ba't ba kayo nang iistorbo ng pagod? Charot'

Agad kong binuksan ang inbox, at nakitang kay Jake galing yung message...

Jakey : Uhm.. hey may I fetch you tomorrow...If it's alright with you? Just leave the message in seen if you don't want and reply ':))' if yes... have a goodnight!

L0ui3 : ':))'

The more you HATE, the more you LOVEWhere stories live. Discover now