10.
'Ate may umorder nanaman nung make-up mo oh!' masayang sabi sakin ni Jaiden, my younger brother.
'Oh talaga? Patingin nga!' kinalong ko sya at pinaupo sa kandungan ko, at sabay tinignan ko na ang screen ng laptop ko, Hala!
'OMYGHAD! LAHAT NG PRODUCT INORDER NYA?!'
Nagkatinginan kami ng kapatid ko at nanlaki ang mga mata 'MAYAMAN NA TAYO JAIDEN!' inalog-alog ko ang kapatid ko.
Pagkakita ko noon, ay masaya akong nag-pack ng mga order nya 'hulog ka ng langit!' para na akong baliw dito dahil hindi matanggal ang malaki kong ngiti.
Nang mai-pack ko ng lahat ay prinint ko na ang label na ilalagay sa bawat parcel 'huh? Lalaki?' tumakbo muli ako sa laptop ko at tinignan ang profile nung nag order 'ay teh! Pogi! Kaya naman pala!'
'Sim Jae-yun' aba pati pangalan ang pogi pakinggan! Malay nyo mga bhe diba? Sya na ang the one! De charot, i don't talk englishing e.
Nagulat ako ng biglang may mag pop out sa screen ko.
'Hi. I'm Jaeyun, you can call me Jake tho. I wanna get the parcels today? If it can be.. can we meet somewhere? I really need the things that i purchased today. 5oclock sharp.'
Ay bhe demanding? Nagreply ako sakanya at sinabing pwede naman. Malay nyo kasi urgent diba? The costumer's always right ika nga ng iba.
'Jaiden! Iiwan muna kita kay tita Sally ha! May idedeliver lang akong mga parcels!' Sigaw ko sa kapatid ko 'Sige ate! Pasalubong ko ha!'
Inilagay ko na lahat ng order sa trunk nung sasakyan 'wala nanaman akong nakalimutan no?' naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko at nakitang tinext nya na ang meeting place.
____________________________________
'Maling starbucks ba yung napuntahan ko?' Kanina pa ako tumitingin sa orasan ko, kanina pa kasi ako dito! Akala ko ba 5 o clock sharp? E alas sais na e! Umorder ako ng frappe sa loob pampalamig ng ulo.
'Putragis na yan.' Naalala ko na kung anong nakalimutan ko sa bahay! Mahabang pasensya!
Trinay kong subukang tawagan ang number nya kanina kaso out of coverage area daw! Scam ba toh? Huhu Lord sana wag naman! Sayang gas- no sayang yung mga make-up ko!
Hinintay ko pa sya ng kaunti hanggang nasagad na ang pasensya ko 'tangina naman!' Sinara ko ng padabog ang trangke ko at padabog na pumasok sa loob 'ay shet!'
nagpapauwi nga pala si Jaiden ng pasalubong! Labag man sa loob ay pumasok ulit ako sa starbucks at umorder ng chocolate frappe para kay Jaiden at cheesecake naman para kay Tita Sally, di naman mahilig sa kape yon e.
Umuwi akong pasan ko ang mundo 'oh ate? anyare?' nagaalalang tanong sakin ni Jaiden kaya napaupo nalang ako sa sahig 'ate...'
'Shutakteng yon! Scam pala ang gago!' Tuluyan ng lumabas ang luha kong kanina pa nagbabadyang tumulo, hindi ako nalulungkot e. Stress 'toh at pagod! Pera na e! Naging bato pa...
'Ate...' halatang hindi alam ni Jaiden kung pano ako pakalmahin kaya naman tumigil na ako sa pag iyak 'oh' inabot ko ang frappe nyang muntik ng matunaw 'ate! Dapat hindi ka na bumili nito.. nakakahiya naman! Mahal kaya 'to' nagaalinlangang sabi ni Jaiden.
'Kunin mo na! Ayos lang ako oy!' Binigay ko na sakanya ang dala ko at pinaabot ko nalang sakanya yung cheese cake ni Tita, bwiset kong kinuha lahat ng parcel ko sa trunk ng sasakyan 'psh. Hulog ng lagit ha? ayan dinemonyo ka tuloy.' Mapait akong ngumiti.
Yun na yon, e. Malaking tulong na sana yon sa pag-aaral ni Jaiden. Sa mga utang ko, at pangtustos dito sa bahay, Pero piste! Scam pala ang hayop.
'Ma,pa! ba't naman hinayaan nyong maiscam ako? Alam nyo namang kailangan ko yon para matustusan lahat ng gastusin dito sa mundo e' umiyak nanaman ako, ang hirap. Jusme.
'Ba't kasi kailangan nyo kaming iwan agad...'
