Late pa nga (p.2)

22 1 1
                                    

20.

Sabay na nag-init ang magkabilang pisngi ko 'p-po? Hindi no! Baka matanggal po ako sa trabaho! Staka pera po muna bago kalandian Sir!' Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ko, hinga malalim bhe baka malunod ka.

'Sayang gusto pa naman kita' he chuckled 'p-po?' Napatingin ako sakanya 'I mean I like you as my secretary.' He smiled 'Ah! WHAHAHAHA sabi ko nga po' nag-expect ako don ah! Sakit non. Arianna pera ang habol natin dito PERA!

Nakarating kami sa office nya at nadatnan ang sobrang raming papeles sa lamesa nya 'Guess we should start working already?' He looked at me kusa naman akong napatango. He started signing papers habang ako baba taas ng building dahil need kong ibigay ang mga napirmahan ng papel sa destined person nito.

Nakailang akyat baba na ako kaya naman ramdam ko na ang pangangalay ng pareho kong binti 'Just in time, can you give this to Mrs. Dionisio in the finance area? Please do tell him to read this thorougly.' Sabi nya sabay abot sakin ng papel.

'Saglit lang po Sir taympers!' Hingal akong umupo sa couch na nasa tabi nya at tinanggal ang heels na suot ko, I saw him laughing, aba anong nakakatawa sa gustong magpahinga ha?

'You know what? Out of all my secretaries? You only have the guts to say 'taympers' to me' inikot nya ang upuan nya at tumapat sakin 'I really like your confidence Ms. Natividad' he smirked.

'I like you too po, ay este! I like my confidence too po!' tumawa ako 'Why are you wearing heels kasi?' Tumitig sya sa namumula kong paa 'E! Nasa requirements po kasi! Para daw po presentable tignan' paliwanag ko, totoo naman kasi! Sinulat sulat niya yon tas tatanungin nya ako? Bumaliktad na po ba ang utak nyo?

'Let me give this paper to Mrs. Dionisio myself, wait me here' lumabas sya, habang hinihintay sya ay hinilot ko ang mga paa ko bakla ang sakit nya ha! No joke para syang tinatanggal! Busy ako sa paghihilot ng paa ko nang pumasok si Boss

'Let's go.' Kinuha nya ang susi at cellphone nya sa lamesa 'let's go where po?' Takang tanong ko sakanya, wala naman kaming agenda for today outdoors ah?

'Let's buy you comfy shoes.'

***

Naguguluhan man ay sumunod ako kay Sir Jay, nakita kong nakapark na ang Ferrari nya sa main entrance ng lobby, ang expensive naman po! Buong buhay ko na ang halaga nyan!

'What are you waiting for? Sakay na' ay multo ka bhe? Parang kanina katabi lang kita tas ngayon nasa loob ka na? Ingat na ingat akong pumasok sa sasakyan nya, baka mamaya magasgasan ko 'to! Kulang pa ang sweldo ko pampagawa nito!

'Seatbelt please.' Utos nya at tinuro ang seatbelt sa tabi ko, mabagal akong gumalaw ingat na ingat sa mga kilos ko, i heard my boss's tongue clicked.

'Why are you so slow?' Lumapit sya sakin at sya na mismo ang naglagay ng seatbelt sakin, sa sobrang lapit nga ay ramdam ko na ang hininga nya sa leeg ko. Saglet lang Lord! Di pa po ako ready mag-asawa!

Di pa man ako nakakamove-on sa nangyari ay humarurot na agad si Jay ng takbo 'HOY! SAGLIT LANG BOSS! DI PA AKO READY MAMATAY!' Humigpit ang hawak ko sa seatbelt at ipinikit ang mga mata ko.

'We're here.' Rinig ko ang pagsara ng pinto sa kabila hudyat na nakalabas na sya, saglit humiwalay ata ang kaluluwa ko sa katawan ko, he opened the other door for me waiting for me to go out.

Paglabas ko ay ramdam ko ang paglambot ng tuhod ko kaya saglit akong napahawak sa pinto ng kotse habang yung isa pinipigilan pa ata ang tawa nya! 'Sorry did I drive so fast?' He was laughing! Putangina mo madapa ka sana!

Nang mahimasmasan sya ay sumeryoso ako, tangina mo ha bahala ka dyan 'hey are you mad?' Agad nagbago ang ekspresyon nya, tse manigas ka dyan. Char di naman kami mag jowa! WHAHAHAHAHAHA 'hindi! AHHAHAHA! Issa prank!' Tumawa ako, sarap mong sakalin Sir!

'C'mon let's see what we can get' pinauna nya ako at nasa likod ko naman sya, bodyguard moments! Charot feel na feel teh? Pagpasok namin ay sya ring pagbati ng tao kay Sir Jay iba talaga pag kilala at mayaman ka no? Para kang santo!

Agad nya akong hinila sa nga luxury brand, ngunit napahinto kami sa LV sabi kasi nga cute daw ang mga sapatos dito for girls 'You can choose whatever you want' may tinawag syang girl to assist me! Omyghad introvert phase ko pa naman today!

Nakailang sukat din ako kaso umaayaw ako bhe! Comfortable naman sila ang gusto ko talaga pero kasi! ANG MAMAHAL! LIKE DI LANG MAHAL! SOBRANG MAHAL! 'Sure ka po ba maam na ayaw nyo nito? Bagay po kasi sa paa nyo yan, sabi nyo po simple lang. Yan lang po ang pinakasimpleng sapatos na ma-ooffer namin.' Sabi nung babae.

Simple ba toh?! E halos kalahating million na ang halaga! 'What's the problem?' Agad namang pumunta sa gilid ko si Sir Jay 'Sir bagay naman po sakanya diba?' Aba pinagpilitan mo ba talaga ate! Ang mahal nga nito!

'Yeah, she's right. It suits you why don't you wanna buy it?' Takang tanong sakin ni sir 'Sir! Baka nga kulang pa ang buhay namin ni mama pang bayad dyan e' mangiyak ngiyak kong sabi.

'We'll buy it miss' He ignored what I said 'Sir! Omyghad kayo! Kahit sa palengke ayos lang ako! Ang mahal dito! Sayang po pera nyo sir..' Nagmakaawa ako sakanya 'It's my money so I can use it whenever I want Ms. Natividad' seryoso nyang sabi at nilabas ang black card nya.

'Thank you for buying Sir, Ma'am! Hope you'll comeback' hindi! Hindi na ako babalik thank you! Di ko po afford! Lumabas kami at mukha akong pinagsakluban ng langit at lupa, yung isa naman pangiti-ngiti lang!

'Do you want to wear it now? Your feet probably hurts' nag aalala nyang sabi, 'bukas na po! Baka masira ko agad sayang pera!' Bulaslas ko 'okay then.'

'Ser! Thank you po sa libre ha? Don't do it again po hehe' nakita ko ang pag taas nya ng kilay 'baka isipin nila sir Sugar daddy ko kayo! masira pa image nyo dahil sa panget na tulad ko' yumuko ako.

'Walang ginawang pangit ang Diyos Arianna, and don't worry people won't think that way. And you can't stop me from treating you! Do you forget that I like you?' He smiled, oo you like me! As your secretary! Kaya di ko gets kung bakit ginagawa mo 'to!

'May magagawa ba ako para suklian yung kabutihan mo mahal na prinsipe? Yung kaya ko lang ha! Yung kaya kong gawin ganon' tumingin ako sakanya 'Actually, Yes. There is.' Tumingin sya sakin.

'You mentioned you'll cook for me right? Why not cook for me right now? I wanna taste the food that you cook.' Sabi nya agad naman akong naexcite! Namiss kong mag-luto!

'Sige! Pede ka ba sa bahay? Di masyadong malaki bahay namin ha? Pero maayos naman!'  Depensa ko.

'Okay, to your house then!' Excited kaming lumabas pareho, mama! Eto na ang future jowa ko! Mauuna nga lang ang family meet-up! Charot!

The more you HATE, the more you LOVEWhere stories live. Discover now