27.
'Papa ba't ang bilis nyo magpatakbo?' Kinakabahang tanong ko sakanya, nakakapit na sakin si Jaiden habang mahigpit naman ang kapit ko kay Kuya. 'Mahal bakit nga ba? Wala namang humahabol satin ah?' Maski si mama ay kabado na rin.
'Pasensya na..' pawis na sabi ni papa 'Natatae ka na ba papa?' Tumatawang tanong ko kaya natawa rin sila mama 'Oo.. haha' kinakabahan na sabi ni papa 'stop muna tayo sa gas station pa, baka madisgrasya pa tayo sa ginagawa nyo e' seryosong sabi ni kuya sakanya 'hindi kaya ko pa toh!' Sabi nya at luminga linga 'Huy mahal ayos ka lang ba?' Nag aalalang sabi ni mama
'Oo, wala la- BABA!' Biglang may nagpaputok ng baril sa sasakyan namin at tumama ito sa side mirror 'Papa ano po bang nangyayare...' kinakabahang sabi ko at niyakap si Jaiden 'Wala, ipikit nyo lang ang mata nyo ha?' Nakangiting sabi ni Papa 'Mahal!' Sigaw ni mama
'BANG! BANG! BANG'
Tatlong putok na sunod sunod ang tumama samin, biglang huminto ang kotse sa gitna 'Lumabas na kayo.. labas na!' Umiiyak na sabi ni Papa, nagmadali kaming lumabas ni Jaiden ngunit nang papalabas na si kuya ay isang malaking truck ang bumangga sa kotseng sinasakyan ni Papa
'NO!'
pawis na pawis akong nagising 'Girl! Ayos ka lang!' Kumaripas ng takbo si Seah sa tabi ko 'S-Seah...' naiiyak kong sabi 'Anong nangyari.. nandito lang ako..' niyakap nya ako 'Yung pamilya ko...' their death still haunts me.. the fact that they died infront of me, and I can't do anything to help them but cry..
'girl...' nagaalalang sabi ni Seah 'a-ayos lang ako...' No. I'm not okay... I wanna cry and breakdown.. kaso nasa trabaho pala ako... 'Ayos lang ako..' inulit ko ang sinabi ko at sinabayan ito ng ngiti, nakaubos na kami kaya dumiretso ako sa cr upang maghilamos kailangan kong mahimasmasan para kumalma.
Tumingin ako sa salamin at nakitang namamaga ang mga mata ko, my hair was also a mess! 'Ano ba yan Lou! Ang panget mo!' tumawa ako ng kaunti ang inayos ang sarili ko, naghilamos at nag-ayos ako ng buhok. Nang maramdaman kong ayos na ako ay lumabas na rin ako.
'Louise?'
'Oy sir! Hello po!' Inayos ko ang sarili ko 'Are you okay?' Nag aalala syang lumapit sakin 'Opo! I'm fine!' pinilit kong ngumiti 'Is this about your family?' Biglang tanong nya 'H-hindi po..' umiwas ako ng tingin 'Do you want to rest?' Tumingin sya sa relo nya 'hindi na po! Malapit narin naman po ang dismissal' ngiti ko at lumakad na 'I'll bring you home, wait for me in the lobby later four o clock pm. Get it?' Seryoso nyang sabi 'Copy sir..' I found my way out.
Pumunta ako sa employee room para makapag pahinga, ngayon ko lang kasi nararamdaman ang cramps ko! Kulang nalang maglumpasay ako dito dahil sa sobrang sakit. Wala pa naman akong dalang warm compress or sweets, ang sakit.. sobra!
*knock knock*
'Lou are you there?' Rinig kong tawag ni Jake 'Sir! Bakit po may uutos po ba kayo?' Tumingin ako sakanya 'Here' inabot nya sakin ang isang paper box 'ano po toh?' Takang tanong ko 'Just open it, ill be going' nang makaalis sya ay umupo na ako at binuksan ang paper bag 'hala omy..' halos maiyak kong sabi puno kasi ito ng warm compress at iba't ibang klase ng tsokolate, 'Jake I love you! Este thank you!' bulong ko.
***
Ilang minuto pa bago mag-four ay lumakad na akong papuntang lobby, busog na busog sa mga kinain kong chocolates! Medyo nawala wala na ang cramps ko kaya nakakalakad ako ng maayos.
Pagkadating ko ay naabutan kong kausap ni Jake si Seah, mukhang seryoso ah? Hindi ko maiwasang mapatingin sa dalawa t'wing magkasama sila, they look good together.. di mapapagkaila na maganda si Seah, much more beautiful than me. Kung dadating man ang panahon na magugustuhan nila ang isa't isa? They would look good as a couple.
'Oh, you're here' ngumiti sakin si Sir Jake, wala pa bhe anino ko lang 'to 'ah yes po! Uuwi na po ba tayo?' Tanong ko rito, hindi naman sa pagmamadali kasi mamaya pa naman uuwi si Jaiden, pero wala may regla nga ako okay? Kaya want ko nang umuwi, desisyon ako char!
'Nope, we are going somewhere' ngiti nya at hinila ang kamay ko 'saan naman?' Nagkibit balikat lang sya at hinila na ulit ako, mukha ba akong trolly bhe? Makahila e wagas! Parang gusto mo nang kuhain yung braso ko e.
'Uy! Bawal ako ng masyadong late ha? May kapatid ako baka nalilimutan mo' sabi ko habang naglalagay ng seatbelt 'We won't stay there for long, I just thought that place would help you calm' sabi nya habang nakatingin sa daan 'Di ka ba busy?' Biglaang tanong ko 'If I am then what am I doing with you here right now?' Namilosopo pa nga! Tse!
Umi-stop kami sa pamilya na lugar 'Cloud 9?' Takang tanong ko, oh punta na kayo sa antipolo lang 'toh! 'Bakit?' Naguguluhang tanong ko 'I want you to rest your mind.. feel free and stop thinking things' sabi nya at nauna nang maglakad, may bayad entrance neto pero pinapasok na kami agad! Special yarn?
Tumambay kami sa may malapit sa hanging bridge, dama na dama mo ang hangin dito... hindi pa pagabi pero makikita mo ang aliwalas ng lugar.. ang ganda.. mas lalo akong nakaramdam ng lungot.. Kelan ko ba malalaman at mararamdaman ang totoong ganda ng buhay? hanggang ganito nalang ba talaga ako?
Kelan ba ako sasaya? Kelan ba ako makakaramdam ng ginhawa? Pagod na pagod na ako... I should be at school right now, studying to become a flight attendant.. pero wala kailangang tumigil at kumayod para mabuhay.. kung ano kasi ang kinataas ng pangarap ko ay sya ring kinababa ng antas ko sa mundo..
Hindi namamalayan ay may mainit na likido nalang ang tumulo galing sa mata ko, I should cry right? Kailangan kong ilabas 'toh para bukas okay nanaman ako 'Wipe your tears' binigyan ako ni Jake ng panyo 'thanks..' tinanggap ko ito at pinunasan ang luha ko.
'How can you manage to look beautiful even when you are crying?' Tumitig sakin si Jake 'Is the world being fair right now?' he chuckle 'Wala namang taong pangit vevs! Sadyang judgemental lang ang mga tao..' sabi ko sakanya 'Well I think you're not a human after all, an angel maybe? If you can see yourself rightnow? You will probably say ang ganda ko parin' with matching accent pa! 'Wews, so gusto mo na ako ulit?' Nanloloko kong tanong sakanya
'Maybe, well to be honest? I never really stop liking you.'
