Iyak bhe (p.3)

25 3 5
                                    

18.

Nakarating kami sa condo ko ng payapa, he's still not talking to me tho.. dahil ba sa tanong kanina? Genuine question kaya yon! Pede nya naman sagutin na Yes or No.

'Goodnight.' Naglakad na sya papunta sa kwarto nya, 'Goodnight! Ah Hoon! About sa question kanina? Ignore mo nalang yon ha? Sorry medyo pasmado kasi dila ko' he just nodded.

Okay, so ano nang gagawin ko ngayon? Tumingin ako sa kalendaryo at nakita kong death anniversary ni papa ngayon! Shocks muntik ko nang makalimutan!

Agad akong nagtungo sa kusina upang mag-luto, pareho naming paburito ni papa ang kare-kare kaya yun ang niluto ko, sakto may alamang pa ako sa ref!

***

After kong magluto ay nagbihis ako ng damit, it was just a sweat pants and a simple hoody na bigay sakin ni papa nung bata pa ako, sigurado akong tulog na si Hoon kaya naman tahimik lang akong gumagalaw.

When I found my way out agad akong pumara ng taxi.

'Hi pa! It's been 9 years since you left me! 20 na po ako! I grew up so well no? I brought our favorite food! Kain tayo papa...' pinipigilan ko ang luha na gusto ng tumulo kanina pa.

I was so young when papa left me, 11 years old lang ako noon, pero nag sikap ako para makapag aral, makakain, at mabuhay... never akong humingi ng tulong sa nanay ko dahil una palang naman ay ayaw nya na sakin. Ang dami kong hirap na dinanas bago ako makaluwag-luwag...

'Papa! Nag aaral ako ng photography ngayon! At the same time nagtratrabaho narin! Itutuloy ko ang naudlot mong pangarap papa! Magiging successful photographer ako'

ever since bata kasi ako namulat ako sa mundo puno ng camera, dahil pangarap nga ito ng yumao kong ama. Kitang kita ko ang saya ng aking tatay sa t'wing hawak nya ang luma nyang kamera at kinukuhanan ang mga bagay bagay...

'If you want to cherish something, take a picture of it. Cause a memory can be forgotten but pictures will always be there for you to remember that certain moment.'

Lagi nyang sinasabi sakin yan, totoo naman diba? Minsan ang mga imahe ang nagpapaalala sayo ng mga bagay-bagay, lalo na kung di matalas ang memorya mo.

Kaya kahit anong mangyari, pagsisikapan kong makatapos. Kahit pa damdamin ko yung kapalit.

Naramdaman ko ang pagpatak ng ulan kaya naman nagmadali akong tumayo 'Bibisitahin ulit kita papa! Mahal po kita!' Sa susunod na punta ko diploma na ang dala ko! I ran hurriedly afterwards.

'Tangina naman walang taxi!' Kanina pa ako sa shed naghihintay ng taxi pero walang dumadating! 'Mukhang malakas pa naman ang ulan' after what I said the sky roared and let out a heavy rain.

'Omyghad! Lakarin ko nalang kaya? Di ako makakauwi kung hindi ako kikilos' dahil late narin ay naisipan ko nang takbuhin ang ulan 'here goes nothing' i started running, bahala na magkasakit! Kailangan kong umuwi!

'YES!' Napasigaw ako nang marating ko ang condo ko, basang basa ako dahil sa ulan kaya napagisipan kong sa parking nalang pumasok, nakakahiya naman kung sa main entrance ako papasok diba?

Agad kong hinubad ang hoody ko at pinigaan ito bago pumasok sa elevator, buti nalang naisipan kong mag t-shirt kanina! Kundi nakahubad ako ngayon. 

'Where have you been?'

'AY PALAKANG PANGET!'

Hoon just stared at me 'sorry, binisita ko kasi si papa' nag pagpag ako at agad nagtungo sa CR, teka bat gising pa sya? Diba dapat natutulog na sya? Hinintay nya ba ako? Impossible!

Nagmadali akong mag half bath para makapag-pahinga pero laking gulat ko nang makita ko pa si Hoon sa labas 'Di ka pa matutulog?' Takang tanong ko sakanya.

'Honestly, I was waiting for you.' Seryoso nyang sabi 'Huh? Bakit? May kailangan ka ba?' Nirolyo ko ang buhok sa tuwalya 'I cooked dinner, I was waiting for you.. so.. that we can eat together?' Umiwas pa sya ng tingin.

'But I think you already ate?' Tumingin sya sa tupper ware na dala dala ko kanina 'Ah! Hindi! Sige! Tara kain tayo! Gusto mo ba tikman yung dala ko? Saglit init ko' nagmadali akong isaksak ang microwave at inilagay ang kare-kare na tira ko kanina, wag kayo malinis pa toh!

Pagkainit ay umupo na ako sa tabi ni Hoon 'uy korean foods?' Manghang mangha ako sa pagkaing nasa harap ko 'Yeah, I thought that you might not have tried this foods yet that's why i cooked it, and I also want to return the gratitude because you cooked yesterday' inabutan nya ako ng chopsticks!

'Teka eto tikman mo Kare-kare toh! Ayan alamang perfect combo yan! Peyborit ko yan' inabot ko sakanya ang mangkok, at nagsimula narin akong kumain. Grabe! Mas masarap pala talaga pag totoong koreano ang nagluto ng korean food! Sa convenient stores ko lang kasi toh natitikman!

'So what can you say?' Tumitig sya sakin 'masarap! Ay! Sobrang sarap! Alam mo ba sa mga kdrama ko lang toh nakikita! Staka iba talaga yung lasa neto kesa sa mga nabibili sa convenient stores sa tabi tabi!' Para akong batang nageexplain sa magulang nya! 'E yang kare-kare musta?' Tanong ko naman sakanya

'It's good, I understand why it is your favorite. And the alamang makes it more delicious it added twist to it' pinunasan nya ang labi nya.

'Uy salamat pala sa pa-dinner ha! Nag-enjoy ako! Grabe di ko inexpect na masarap ka rin palang magluto! Lutuan mo ako ulit ne-'

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil lumapit sya sakin at pinunasan ang labi ko, Lord bakit naman sobrang lapit? Teka! Need kong huminga! 'You have sauce on your lips..' he chuckled 'ay hehe!' Napaiwas tuloy ako ng tingin! Nagiinit ang magkabilang pisngi ko!

'Are you blushing?' ngumiti si Hoon 'Ha? A-ano h-hindi! Mainit kasi' pinaypayan ko ang sarili ko kunwari 'Really huh? Even tho the aircons are open?' Aba sige tawa pa, pafall kang hinayupak ka ha!

'Anyways, you mentioned your father a while ago? Where is he?' Takang tanong ni Hoon 'Nasa heaven na..' lumungkot ang mukha ko 'oh.. sorry.. I didn't know.. is it sensitive??' Kita ko ang pagbabago ng expression nya.

'Ha ano hindi! Ano kaba! Staka sanay na ako! Ayos lang!' Ngumiti pa ako sakanya 'would you mind telling me what happened?' Sumeryoso sya, humugot ako ng malalim na hininga bago magsalita

'Car accident, actually kasama ako ni papa nung mangyari ang aksidenteng yon. Sa kasamaang palad ako lang nakaligtas... hindi ko alam kung paano nangyari pero ang naalala ko lang is nawalan kami ng preno ni papa, sabi ng mga pulis aksidente lang naman talaga kaso iba pakiramdam ko e, parang set-up ganon' paliwanag ko.

'So you mean? Feeling mo hindi talaga sya aksidente?' Tanong nya at tumango ako 'Oo, pero matagal na yon! Kinalimutan na nga ng mga pulis yung kaso na yon e' tumawa ako ng mapait.

'Do you still want to give your father a justice?' Napatingin ako sakanya 'oo naman, kaso malabo yon! Wala akong pera e!' Tumawa ako

'Let me help you then.'

The more you HATE, the more you LOVEWhere stories live. Discover now