Adrienne Jade
Ilang araw na akong balisa kung paano ko sasabihin sa kaniya ang totoong kalagayan ko. Kinakabahan ako na baka hindi siya maniwala sakin, alam ko na Mali ang ginawa namin nung gabing iyon. Nalasing kami pareho nung gabing iyon... Noong una pa lang alam ko na sa sarili ko na gusto ko na siya since college pa kami.
Kailangan ko siyang makausap ngayong gabi, alam kong pupuntahan niya si Rogem ngayon para sunduin niya ito.
Sabi ko sa isip ko habang naghihintay sa kaniya, at ilang minuto pa ay narinig ko na ang pagtunog ng elevator sa floor na ito kung saan ang office ko at kung saan din ang office ni Rogem at Sebastian. Tama ang hinala ko na susunduin niya si Rogem ngayong gabi.. nag lalakad na siya ngayon papunta sa office ni Rogem.
Nakaramdam ako ng sakit sa puso ko dahil doon. Hindi ko din alam sa sarili ko kung bakit sa lahat pa ng lalaking gugustuhin ko ay siya pa. Pero alam ko naman na mahal ni Rogem si Sebastian.
Sana ako na lang minahal mo, hindi pa kita sasaktan. Makakaasa ka na yung pagmamahal na binibigay mo para kay Rogem na dapat sa akin, maibabalik ko sayo iyon ng walang labis, walang kulang.
Naluluha kong sabi sa isip ko.
Nung makalapit na siya sa pintuan ng office ni Rogem, bigla ko siyang tinawag.
“E-Emman, Pwe-Pwede ba kitang ma-makausap? Ka-kahitttt sa-saglittt lang?”
Nanginginig kong tanong sa kaniya.
“Sige, tungkol saan?”
Tanong niya sakin sabay nabitawan niya ang seradura ng pinto at lumapit sakin, hinila ko naman siya papasok sa office ko.
“E-Emman, alam kong hindi mo pa nakakalimutan ang gabing nangyari sa atin sa England hindi ba? E-Emman... Kagaya d-din ako ni Ro-Rogemmm.... Bu-Buntis A-Akoooo...”
Naluluha kong sabi sa kaniya sabay inabot ang pregnancy test na naginginig ang mga kamay ko na inabot sa kaniya.
Gulat na gulat siya sa mga narinig niya sakin. Kinuha niya ang pregnancy test kit at Nakita niya ang Two red lines. Positive... Natatakot ako sa kung Anong sasabihin niya sakin Lalo na sa baby namin..
“I-Impossibleeee.... No, this can't be. Hindi pwedeng mabuntis ka. Isang gabi lang iyon na nangyari sa atin, pa-paanong nabuntis kita?”
Galit na tanong sakin ni Emmanuel.
Naluluha na ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya.
“Maniwala ka sakin Emmanuel, yung gabing iyon ang magpabago sakin. Ang gabing lasing tayong pareho ngunit may nabuo sa loob ko... Ma-Maniwalaaaa ka sa-sakinnnn... Bu-Buntis ako at i-ikaw ang A-Amaaaa...”
Naluluha kong sabi kay Emmanuel.
“HINDI PWEDE ITO, MAHAL KO SI ROGEM. HINDI AKO PWEDENG MAGING AMA AT MAGKAROON NG ANAK SAYO. HINDI KITA MAHAL AJ, SI ROGEM ANG MAHAL KO AT HINDI IKAW, SA KANIYA KO GUSTONG MAGKAROON NG ANAK AT HINDI SAYO..... IPALAGLAG MO IYANG BATANG IYAN.”
Sigaw niyang Galit sakin na mas Lalo kong ikinaiyak at higit sa lahat nagpahinto ng Mundo ko dahil sa mga huling sinabi niya sakin na hindi ko aakalain na sarili niyang dugo at laman, papatayin niya dahil sa pagmamahal niya para kay Rogem.
IPALAGLAG? ANG BATANG NASA LOOB NG TIYAN KO? SARILING DUGO QT LAMAN NIYA? IPAPALAGLAG KO?
Inulit kong tanong sa isip ko.
BINABASA MO ANG
✓ THE MERCILESS DUKE (THE BOOK 2 OF NEVER SAY GOODBYE) (COMPLETED)
RomanceThe Book 2 of Never Say Goodbye.... This second book will revolve around the revenge and anger of Duke Roseller who was formerly Rogem in Never Say Goodbye, He will do anything to get revenge on the man who cheated on him and hurt his feelings that...