Chapter 55 Impiyernong Buhay sa Kulungan

441 21 2
                                    

Claire






“Left Thumb niyo po Mrs. Ortiz”

Sabi ng pulis sakin, nilahad ko naman ang left thumb ko sabay dinikit niya iyon sa ink stamp pad na kulay violet. Sabay hawak niya paangat ang left thumb ko para idikit sa papel na katabi ng ink stamp pad.

“Right Thumb niyo naman po.”

Sabi niya sakin na ikinairap ko. Natigil na Ang pagdudugo sa ilong ko at namamaga Ang kaliwang mata ko dahil sa malakas na pagsapak ni Rogem sakin kanina. Namamaga din ang sugat ko na letrang Ekis sa kanang pisngi ko dahil sa paghiwa ni Rogem dito gamit ang bubog.

“Okay, tapos na po ma'am. Pumwesto na po kayo roon para makuhaan na kayo namin ng mugshot po.”

Sabi ng nag assist sakin na police. Inabot niya sakin ang placard na may nakasulat na buong pangalan ko at Ang kasong sinampa sakin ni Sebastian.

Claire Alice Ricci y Ortiz

04 / 03 / 90

Attempted homicide

11 / 08 / 18

Iyon ang nakasulat sa placard na hawak ko ngayon. Nakasuot ako ng orange na shirt. Sumandal ako ng kaunti sa mugshot jail both.

“Harap po sa kaliwa.”

Utos sakin nung police na nag assist sakin. Humarap naman ako sa kaliwa habang ang placard na hawak ko ay nakaharap sa camera. Pagkatapos ako kuhaan ng ganun Ang ayos ko pinaharap naman niya ako sa kanan.

“Sa kanan naman po.”

Sabi niya. Inirapan ko siya at sinunod ko ang pinapautos niya sakin. Pagkatapos ko kuhaan ng litrato na naka harap sa kanan. Humarap na ako sa kaniya.

“Ayos po ng Tayo, harap po kayo dito sa akin.”

Sabi niya sabay kuha ng litrato sa akin na kaharap ako sa kaniya.

Pagkatapos akong kuhaan ng litrato. Dinala na ako ng dalawang pulis sa pinaka dulong kulungan nitong PRISINTO. Nung nasa harapan na kami ng pintuan ng Selda, napatingin ako sa loob. Maraming kagaya ko na nakakulong puro babae at nakangiti sakin.

Aba, ayos ah? May Bago tayong ka kosa. Hahaha, I welcome naman natin para naman magustuhan niya Ang pag stay dito. Diba?”

Sabi nung babae na may tattoo sa kanang braso niya, mataba ito at medjo gulo Ang buhok.

“Tama si Bossing. I welcome natin bagong ka kosa natin, hahaha sakto pa naman wala akong exercise sa loob ng ilang linggo... Paniguradong mapapawisan ako rito, hindi ba bossing?”

Nagtawanan silang lahat dahil sa sinabi ng babae na matangkad na may tattoo din ang magkabilaan niyang braso.

“Oh, Bago niyong ka kosa... Si Claire Ricci, Ang dakilang Kurakot Queen na trending sa Social media. I welcome niyo naman.”

Sabi ng babaeng pulis na naghatid sakin sabay tanggal ng posas sa kamay ko at tulak sa akin papasok sa loob nitong kulungan nung binuksan niya ito. Lumapit naman sakin ang babaing mataba na tinatawag nilang boss at nakangiti sakin na parang may balak sakin na masama.

✓ THE MERCILESS DUKE (THE BOOK 2 OF NEVER SAY GOODBYE) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon