Chapter 12 Start of Revenge

865 36 0
                                    

Sebastian






Pumasok ako sa Company na Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Nagpatawag ng meeting ang mga shareholders alam ito ng executive secretary ko pero Hindi niya nasabi sakin dahil sa Dami daw niyang ginagawa.

"What's going on?"

Tanong ko kay AJ.

"Uhmm.. Mr. President, ngayon na daw po kase ang dating ng mga bagong shareholders po. And ngayon na daw po nila ipapakilala sarili nila sa board at sa Inyo din po."

"Bakit parang Ang bilis? Ang huling update ko kay ate ay nasa Italy pa siya at busy siya sa negosyo niya na boutique dahil sa dami ng suppliers na binabagsak sa Boutique niya. Impossible naman na dumating siya ngayon?"

"Hindi ko po alam Mr. President ang alam ko po ngayon na po ang assembly ng Shareholders meeting. Kumpleto daw po lahat ng shareholders niyo mamaya."

Sabi niya sakin na halata sa itsura niya din na Hindi niya alam ang nangyayari.

Pumasok kami ni AJ sa Conference Room at Nakita ko na dalawang bakante ang upuan sa mahabang table, kumpleto ang lahat tanging Isa na lang ang wala at iyon ang ate ko. Ang Isang upuan naman ay sa akin sa may gitna dito sa bungad.

"May hinihintay pa ba tayo?"

Tanong ko.

"Yes, Mr. President. May Isa pa po tayong hinihintay."

Sabi naman sakin ni Mr. Alcantara.

"Who? Wala ang ate ko rito, nasa Italy siya.... Pwesto niya ito sa tabi ko."

"Unfortunately Hindi Ang ate niyo sir."

Natigilan ako sa sinabi ni Mr. Alcantara.

Maya Maya pa ay Dali daling lumabas si AJ dahil nag ring ang phone niya sa bulsa ng slacks niya. Natigilan naman ang lahat dahil doon.

Ilang minuto pa ay bumukas ang pinto ng conference room at unang pumasok si AJ, Tumayo siya sa harap namin.

"At saan ka galing?"

Galit kong boses sa kaniya. Ngunit Hindi niya ako pinansin bagkus humarap siya sa mga shareholders ng company ko at tumayo siya ng tuwid.

"Ladies and Gentlemen, our new Major Shareholder and the New Vice President of Phoenix Construction Company. Duke Roseller of Cambridge."

Natigilan ako sa sinabi ni AJ. Kasabay nun ang pagpasok ng Isang lalaking naka business attire na kulay maroon na may halong brown ang kulay ng coat niya, ganun din ang suot niyang vest na terno sa coat niyang maroon na may halong brown at sa slacks na suot niya, may hawak din itong hand walking cane na kulay silver ang hawakan nito at puro black na Ang sunod pababa.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
✓ THE MERCILESS DUKE (THE BOOK 2 OF NEVER SAY GOODBYE) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon