Sebastian
Nagbabasa ako ngayon ng Letter ni Rogem, nadatnan ko kase kanina pagdating ko sa office ko ang dalawang letter, agad kong binuksan ang Isa at napaupo sa swivel chair ko, letter ni Rogem for Requesting a Leave.
Agad akong nag isip kung bakit at para saan ang gagawin niyang pag leave. After ko basahin ang letter niya iyon, binuksan ko naman ang isang envelope na puti at kinuha ang papel na nakatupi sabay binuklat ito.Mahal kong Sebastian,
Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil binigay ka niya sakin hindi bilang lalaki ko kundi ang maging ama ng kambal ko. Humihingi ako ng kapatawaran sa lahat ng nagawa ko sayo, alam ko na sinaktan ko ang damdamin mo noong bumalik ako rito sa pilipinas. Nilamon ako ng Galit at paghihiganti para sayo at kay Claire. Pero pinaramdam mo sakin ang pagmamahal mo sakin kahit 20 years na ang nakalipas. Habang pinaparamdam mo sa akin ang patuloy mong pagmamahal na nandiyan parin sa puso mo, unti unti nawawala ang Galit at paghihiganti ko sayo, napalitan iyon ng pagmamahal at awa ko sayo... Kaya imbes na Kunin ko ang lahat ng meron sayo ngayon ganun din ang kompanya mo, hindi ko ginawa dahil nalaman ko na pati Asawa mo ay balak ka din patalsikin sa sarili mong Kompanya. At ang mas Malala pa, niloloko ka at pinagnanakawan pa. Sa una, inisip ko na gumaganti ang Diyos sayo dahil sa mga kasalanan mo sakin... Hindi ako natuwa niyon, naawa ako sa iyo dahil binibigyan ka ng Diyos ng leksyon sa mga nagawa mong kasalan sa akin.
Ngayon na Kilala mo na ang kambal na anak natin, nakaramdam ako ng takot na baka Kunin mo sila sakin... Kaya hindi ako Masaya nung nakilala ka nila, akala ko iyon ang intensyon mo pero hindi. Nagpakalayo layo ako sa Inyo dahil ayokong madawit o madamay ang mga Bata sa gulong pinasok ko sa inyong dalawa ni Claire. Sebastian.... Mangako ka sakin na kahit meron ka ng Ibang minamahal at dini-date ngayon, huwag mong kakalimutan ang kambal natin. Masaya ako dahil makakatagpo ka na ng bagong pag-ibig.... Masaya din ako para kay Emmanuel dahil mag kakaanak na sila ni AJ.... Oo Sebastian, nabuntis ni Emmanuel si AJ. Sinasabi ko sa iyo ito ngayon dahil wala ka rito sa kompanya, maaga lang naalis, hindi mo rin ako pinapansin kapag nandito ka. Sebastian... Ikaw ang pinili ko sa inyong dalawa ni Emmanuel, ngunit iba ang pagkakaunawa mo kaya hindi mo ako pinatapos magpaliwanag sayo. Pero kahit na sabihin ko sa iyo yun ngayon, siguro hindi parin magbabago ang lahat. Hindi mo na ako papansinin at iiwasan mo na ako,... Okay lang Sebastian, okay lang sakin... Basta mangako ka sakin na Huwag mong pababayaan ang kambal na anak natin kahit ma Anong mangyari... Kung hindi na ako makabalik, huwag mo silang iiwan at pababayaan ha? Mahal na mahal ko sila... Panatag na ang loob ko dahil nandiyan ka sa tabi nila ngayon.... Pwede ko na kayong Iwan at magpakalayo layo sa Inyo para lang hindi kayo madawit sa gulo namin ni Claire.
Paalam Sebastian, Mahal ko.
Rogem.....
Hindi ko namalayan ang paglabas ng mga luha sa mga mata ko, nakaramdam din ako ng sobrang sakit sa puso ko. Agad akong napatayo at dali-daling lumabas para puntahan si Rogem sa office niya ngunit pagdating ko doon ay wala Siya at malinis ang office niya...
Hindi Rogem.... Hindi mo kaming pwedeng Iwan ng mga anak mo, Lalo na nalaman ko na ako ang pinili mo kesa kay Emmanuel... Hindi ako papayag na mawala ka sakin/samin.
Naluluhang sabi ko sa isip ko.
Tatawagan ko na sana si Rogem nung biglang rumehistro ang number ni Soleil sa screen ng phone ko. Agad ko naman iyon sinagot at tinapat sa Tenga ko.
BINABASA MO ANG
✓ THE MERCILESS DUKE (THE BOOK 2 OF NEVER SAY GOODBYE) (COMPLETED)
RomanceThe Book 2 of Never Say Goodbye.... This second book will revolve around the revenge and anger of Duke Roseller who was formerly Rogem in Never Say Goodbye, He will do anything to get revenge on the man who cheated on him and hurt his feelings that...