Princess Soleil
Nandito kami ngayon sa ground floor ng company sa may lounge, Kasama ko si Kuya Crescent at si papa. Inaantay namin bumaba si daddy, ilang Segundo lang ay Nakita na namin siya na lumabas sa loob ng elevator.
Agad ko siyang sinalubong, ngunit natigilan ako nung Makita ko ang mga kamay niya na parang nanginginig. Alam ko kapag Galit si daddy, nanginginig siya sa Galit Lalo na sa mga kamay niya.
“Daddy? What's wrong? May problema po ba? Bakit po kayo nanginginig? May nakaaway po ba kayo kanina sa itaas pag alis namin sa office niyo?”
Nag aalalang tanong ko kay Daddy.
“Ahh... Nothing baby, nilalamig lang yata si Daddy kaya nanginginig ang mga kamay ko.”
Sagot naman niya sakin. Pero may na se-sense ako na kakaiba na parang may nakaaway siya sa itaas kaya nanginginig siya.
“Tara na!”
Aya sakin ni Daddy, binalewala ko lang ang pagdududa ko at nilingkis ko ang mga kamay ko sa kaliwang braso niya. Nilapitan namin Sina kuya at papa na nag uusap habang nakaupo sa lounge dito sa ground floor ng company.
“Boys Tara na, gagabihin tayo ng uwi mamaya after natin kumain.”
Ma awtoridad na utos ni Daddy Kila papa at kuya Crescent. Tumango naman sila at tumayo na din, kami ni Daddy naunang lumabas habang nasa likuran namin sila kuya at papa.
“Saan ba tayo kakain twins? Kayo ahh... Mahilig na din kayo sa surprised kagaya ng papa niyo ah?”
Tanong ni Daddy samin ni kuya.
“Basta daddy, magugustuhan mo roon. Hindi ba kuya?”
Ngiting Sabi ko sabay tanong kay kuya Crescent.
“Yes Daddy, may surprised din si papa for you.”
Sabi naman ni kuya Crescent kay Daddy.
Halos hindi na maipinta ni Daddy ang Mukha niya dahil sa pinaghalong gulat at pagtatangka nung nasa loob na kami ng kotse ni Papa. Kami ni Kuya Crescent nasa back seat si Daddy naman nasa harapan katabi si papa na nakaupo sa Driver seat.
Kasalukuyan naming binabagtas ang daan papunta sa restaurant na iyon, alam ni papa ang papunta roon dahil sinama namin siya ni kuya Crescent para magbook ng reservation para sa family dinner namin.
Tahimik lang si Daddy sa loob ng sasakyan habang si papa concentrate sa pagmamaneho, si Kuya naman hawak ang cellphone niya at busy siya sa pagkausap kay Celestine.Bigla kong naalala si Matthew Gonzales ang binatang tumulong kay Daddy na iligtas ito sa tabi ng daan at nagdala kay Daddy sa hospital. Ni recruit siya ni Daddy para maging Isa sa mga escort and royal guards namin ang kapalit ay pag aaralin din siya ni Daddy sa university. Kaya parehas kaming pumapasok sa university Kasama si Kuya, close na sila ni Kuya samantalang ako hindi pa, Nahihiya kase ako sa kaniya.
“Oh paano? Mauna na ako sa Inyo ni Soleil, kita na lang tayo mamaya after class ha?”
Sabi ni kuya Crescent sakin.
Pagkaalis ni kuya Crescent kami na lang ni Matthew ang nandito sa field. Kapag kami ang magkasamang dalawa naiilang ako sa kaniya.
“Naiilang ka parin ba sakin your highness?”
Tanong ni Matthew sakin.
“hi-hindi naman.... t-tsakaa h-huwag mo nga akong t-tawagin na your highness... hi-hindiiii ako sanayyy...”
BINABASA MO ANG
✓ THE MERCILESS DUKE (THE BOOK 2 OF NEVER SAY GOODBYE) (COMPLETED)
RomanceThe Book 2 of Never Say Goodbye.... This second book will revolve around the revenge and anger of Duke Roseller who was formerly Rogem in Never Say Goodbye, He will do anything to get revenge on the man who cheated on him and hurt his feelings that...