Third Person POV
Nasa loob ng Isang private room ang babaing hindi na makilala dahil sa natamong pinsala ng asido sa Mukha niya. Mahimbing itong natutulog, may benda na puti ang kalahati at itaas na parte ng kaniyang ulo. Kalahating mukha lang na ayos ang nakalabas.
Ganun din ang buong kaliwang kamay at braso niya na nakabalot ng bendang puti at namamaga, nakaposas naman ang kanang kamay niya sa bakal ng infirmary bed na hinihigaan niya. Ilang Segundo lang ay gumalaw na ito sa pagkakahiga niya. Naalimpungatan siya at unti-unti niyang naimulat ang kanang mata niya at tinignan ang buong paligid.
“N-Nasaan ako?...”
Mahinang boses niya na parang nanunuyo ang buong lalamunan niya.
Nilibot niya ng Isang mata niya ang buong kwarto. Nalaman niyang nasa hospital siya, nakaramdam siya ng pananakit at pagkirot ng kalahati ng Mukha niya at ganun din ang buong kaliwang kamay niya.
“A-Arayyyy.... Ba-Bakittt mahapdi? A-Anongggg nangyari sa Mukha ko? At Sa buong kaliwang kamay ko?”
Agad niyang ginalaw ang buong kaliwang kamay niya kahit masakit ay pinilit niyang igalaw iyon na parang naninigas sa sakit sabay hinawakan niya ang benda sa kaliwang Mukha niya, kinapa niya iyon at nakaramdam siya ng kirot at hapdi nung dumampi ang kamay niya sa kaliwang Mukha niya,
Agad niyang kinapa ang pin na naglolock sa bendang puti na nakakabit sa kaliwang Mukha niya at sa ulo niya. Nung nagawa niyang tanggalin ang lock, Dali Dali niyang tinanggal ang benda sa Mukha niya habang naluluha, pagkatanggal ng benda sa buong kaliwang Mukha niya at sa ibabaw ng ulo niya sa may bandang buhok. Humarap siya sa bintanang sarado para maaninag ang repleksiyon niya sa salamin.
Nanlaki ang mga mata niya sa Nakita niya, kaunti na lang ang buhok niya, halos kalahati ng Mukha niya sa kaliwa ay naluto at nalusaw sa balat ganun din ang mata niya na nasira dahil sa asido. Pati narin ang kaliwang Tenga niya pababa sa kalatahi ng leeg niya sa kaliwa papunta sa kabuuan ng kaniyang kaliwang braso at kamay.
“HINDIIIIIIIIIII........ AHHHHHHHHHHHHHHH......... ANGGGGGGGG MUKHAAAAAAAAAAAA KOOOOOOOOOOOOO...........”
Sigaw niya sa Galit at takot habang umiiyak, dahil sa mga Nakita niya. Bumukas agad ang pinto ng kwarto kung saan siya ngayon. Lumapit sa kaniya ang Isang Doktor na babae.
“Mrs. Ortiz, finally your awake. Bakit mo tinaggal ang bondage sa Mukha mo?... Hindi pa totally healed iyan.”
Sabi ng Doctor sa kaniya.
“BAKIT GANITO ANG MUKHA KO DOC? BAKIT ANG PANGET KO? BAKIT? ANONG NANGYARI SA MUKHA KO DOC?.”
Sigaw niya sa Doctor habang umiiyak.
“Well, I'm sorry to tell you na buong kalahati ng left face mo ganun din ang hair mo ay naapektuhan ng asido na tumapon sa Mukha mo. Ganun din sa left part ng neck mo at pati narin sa buong left arm and hand mo. Malaki ang napinsala ng mga ito dahil sa asido, hindi na pwedeng I reconstruct o operahan pa ang mga ito dahil pati cells sa loob ng balat mo ay na damage din. I'm sorry Mrs. Ortiz,.... And aside from that, I have a bad news for you..... Stage 4 na ang Ovarian cancer mo, may taning na ang buhay mo Mrs. Ortiz.”
Malungkot na Sabi ng Doctor sa kaniya.
“NO.... THIS CAN'T BEEEEEE...... HINDI PWEDENG MAGING GANITO ANG ITSURA KOOOO.... MATATANGGAP KO PA NA MALAPIT NA AKONG MAWALA... PERO GANITONG ITSURA? HINDI... HINDIIIIII AKO MAKAKAPAYAG NA MAGING GANITO NA LANG ITSURA KOOOOOOOO...... ARRRRGGGGGGGHHHH...... HAYOPPPPPP KAAAAAA ROGEMMMMMM.... PA-PATAYINNNNNN KITAAAAAAAA....”
Sigaw niya habang Nagwawala.
Nataranta naman ang Doctor at agad tumakbo lumabas para magtawag ng nurse para samahan siya at turukan ng pampatulog.
Pagbalik ng doctor may Kasama siyang apat na nurse, dalawang lalaki at dalawang babae. Hinawakan si Claire sa magkabilang balikat ng mahigpit habang patuloy parin sa pagsigaw at sa pagwawala habang ang dalawang nurse naman na babae may hawak ang isa na tray at ang Isa naman busy sa pagkuha ng gamot na pampaturok sa botelyang maliit na hinihigop ng maliit na syringe papasok sa loob nito.
“BITAWAN NIYO AKOOOOO..... ANONG BALAK NIYO SAKINNNNN? ANO BAAAAAA? BITAWAN NIYO AKOOOOO...”
Sigaw niya ng malakas sa mga ito habang nagpupumiglas sa dalawang lalaking nakahawak sa magkabilaan niyang balikat at braso.
“BILIS, TURUKAN MO NA SIYA KAAGAD.”
Utos ng Doctor sa babaeng nurse na may hawak na ngayon ng injection na may laman gamot na pampatulog. Sabay lapit nito sa tabi ni Claire sa kanan at agad tinurok iyon sa braso niya.
“HINDIIIIIII... AHHHHHHHHHHH...”
Sigaw niya habang nag sisisigaw at nanlalaban sa dalawang lalaki na nurse nakahawak sa magkabilaan niyang balikat at braso, Hanggang sa nakaramdam na siya ng panghihina at antok. At nawalan ng Malay, sabay inayos ng doctor ang benda niya sa kaliwang Mukha niya at ganun din sa itaas ng ulo niya na may kaunting buhok na lang ang natira.
Pagkatapos niyon ay umalis na sila at Iniwan si Claire na natutulog sa hinihigaan nitong hospital bed.
“Kawawa naman yung pasyente na iyon ano? Ano kaya nangyari doon?”
Tanong ng Isang nurse na babae sa kasama niya na kapwa nurse na babae nung makalabas sila sa room ni Claire.
“Nako, maaawa ka diyan? Kilala ko iyan, siya lang naman ang magnanakaw na Asawa ni Mr. Sebastian Romano Ortiz yung may Ari ng Phoenix Construction Company na sikat na Construction Company dito sa pilipinas, at alam mo ba? Balak pa niyang patalsikin ang Asawa niyang iyon sa sariling Kompanya nito?! Oh diba? Pag mamay ari ng Asawa niya yung kompanyang iyon tapos papatalsikin niya para masolo niya... At ito pa ang Balita, korakot Queen daw iyan, siya ang mastermind sa nakawan at korapsyon sa loob ng kompanya ng Asawa niya mismo.... Ang sama hindi ba? Nakawala pa nga iyan sa mga pulis eh nagpangap na may sakit at dinala sa Isang hospital, ayun nakawala.... kaya tignan mo naka posas ang Isang kamay niya sa bakal ng infirmary bed. ”
Kwento naman ng nurse na babae sa kaniya.
“Ayyy ganun?.... Kaya Pala naging ganyan ang itsura niya dahil sa kasamaan niya sa Asawa niya at sa pagiging ganid sa pera. suspect pa, kaya pala may posas ang isang kamay niya dahil suspect pala na nakatakas sa kaso niya.”
Sabat naman ng ka chismisan niyang nurse at naglakad na sila pabalik sa reception area ng hospital.
BINABASA MO ANG
✓ THE MERCILESS DUKE (THE BOOK 2 OF NEVER SAY GOODBYE) (COMPLETED)
RomantiekThe Book 2 of Never Say Goodbye.... This second book will revolve around the revenge and anger of Duke Roseller who was formerly Rogem in Never Say Goodbye, He will do anything to get revenge on the man who cheated on him and hurt his feelings that...