Chapter 58 Pagtakas

342 14 0
                                    

Claire






“Hoy panget! Anong tinu-tunganga mo diyan? Labhan mo ito! Tunga-nga tunga-nga ka diyan? Huwag ka mag feeling prinsesa o Reyna dito, sa itsura mong iyan. Hindi babagay sayo Diba? HAHAHAHAHAHAHA”

Panglalait na sabi ng Lider nila sa loob ng seldang ito at binato sakin ang mga damit niya. Napakuyom na lang ako ng kamao ko, araw-araw nila akong inuutusan maglaba ng mga damit nila at maglinis ng banyo. Sukang suka na ako ngunit hindi ko pinapaalam iyon dahil alam kong ingu-ngudngod nila ako sa inidoro na sobrang panghi.

Kahit labag sa loob ko ay sinunod ko na lang ang inuutos niya sakin para hindi na niya ako saktan at ng mga kasabwat niya rito sa loob ng kulungang ito.

Hintayin niyo lang! Makakalaya din ako dito sa pesteng panget at bulok na kulungang ito, hindi rin ako magtatagal sa kulungang ito, ngayon pa lang. Sinasabi ko na ito sa Inyo.

Gigil kong sabi sa isip ko, hindi ko namalayan na pinanggigigilan ko na Pala ang mga damit ng Lider nila.

“Ano iyang ginagawa mo? Diyan mo binubuhos ang Galit mo kay bossing huh?! Hahaha.... Bossing mukhang manlalaban na itong si panget, Nakita ko na pinanggigigilan ang mga damit mo habang naglalaba siya.”

Sigaw ng kakampi niya na ikinabigla ko.

“H-hindi, hindi totoo iyan. T-tinatanggal ko lang ang dumi sa damit niyo po.”

Pagsisinungaling ko.

“Hindi bossing, Nakita ko talaga kung paano niya pangigilan ang damit mo habang nilalabhan niya, kulang na lang punitin niya eh.”

Sabi pa naman niya. Magsasalita sana ako kaya lang lumapit ang bossing nila sakin.

“Anong ginagawa mo sa mga damit ko? Pinanggigigilan mo? Eh kung Ikaw kaya pangigilan ko ng bugbog ngayon? Ano? Gusto mo? Parang gusto ko Gawin iyon ngayon ah, matagal na din tayong hindi nag exercise. Diba mga kasama?”

Sabi ng bossing nila.

“Oo bossing kami din!”

Hiyawan ng mga kasamahan niya dito sa kulungan. Natigilan ako at nanginginig sa takot dahil sa hiyawan nila. Naluluha na akong tumingin sa bossing nila.

Maawa ka na sakin, ginagawa ko naman lahat ng pinag uutos niyo. Pakiusap! Huwag niyo na lang akong bugbugin...”

Pagmamakaawa ko sa kaniya dahil sa takot ko.

“Anong maawa huh? Walang awa-awa sakin. Ako ang Lider sa kulungang ito. Kaya kung ano man ang gusto o nais kong Gawin, gagawin ko. Diba mga kasama?”

Sabi niya sakin at tanong na din sa mga kasamahan niya. Nagsihiyawan naman ito.

Bigla na lang niya ako sinabunutan ng malakas sa buhok ko sabay ngudngod niya ang Mukha ko sa palanggana na puro bula dahil sa sabon. Nanlaban ako ngunit hindi ko siya kaya dahil malakas siya. Inangat niya ang Mukha ko at sabay nilublob ulit sa palangganang iyon. Narinig ko naman ang lakas ng hiyawan ng mga kasama niya rito sa kulungan.

“Ayusin mo trabaho mo ah! Punyeta ka, sa mga damit ko pa ibubuhos mo Galit mo sakin? Gag* ka Pala eh. Wala ka naman laban sakin. Hahahahaha.”

✓ THE MERCILESS DUKE (THE BOOK 2 OF NEVER SAY GOODBYE) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon