Sebastian
“Papa please! magkaayos na sana kayo ni Daddy. nawawala na nga ang kakambal kong si Soleil, sa halip na magtulungan na lang po tayo na hanapin siya at iligtas siya kay Tita Claire, mas nangibabaw pa ang galit niyo sa isat-isa.”
Nangongonsensyang sabi ni Crescent sakin.
Nandito kami ngayon sa park, nagpapalamig ako ng ulo ko dahil sa tensyong Galit na naramdaman ko kanina dahil sa mga sinabing masasakit na salita ni Rogem sakin.
Nasaktan ako sa mga sinabi niya sakin. walang magulang na may gustong nasa panganib ang anak nila. nasaktan ako sa mga nasabi niya kanina na parang sinisisi niya sakin ang lahat.
Hindi ko talaga gusto ang nangyaring iyon, kung alam ko lang na mangyayari iyon. sana hindi na lang natuloy ang birthday party nila at kami-kami na lang ang nag celebrate ng birthday kaming apat.
Tama din si Crescent, sa halip na magtulungan kami sa paghahanap at pagliligtas namin kay Soleil sa kamay ni Claire, nakuha pa namin mag away at nagawa ko pang pagbuhatan ko siya ng kamay.
Galit din siya sakin at may kasalanan din siya sakin dahil sa mga masasakit na salitang sinabi niya sakin kanina. mas maganda siguro kung ako muna ang mauunang humingi ng sorry sa kaniya para mag sorry din siya sakin.
“Bumalik na tayo papa sa loob ng hospital, kanina pa tayo rito. walang kasama si Daddy doon. magkabati na po kayo ni Daddy, papa... please!”
Pakiusap niya sakin.
(Buntong hininga) *tumingala na lang ako sa kalangitan at napapikit na lang*
“Sige anak, bumalik na tayo sa loob! hihingi ako ng sorry sa Daddy mo dahil sa nagawa kong pagsampal sa kaniya.”
Sabi ko kay Crescent. tumango ito at saka kami tumayo at naglakad na palayo sa inuupuan namin na bench.
Pagpasok namin sa loob ng hospital ay tsaka kami nag tungo sa kwarto niya, pero pag pasok namin sa loob ay hindi namin siya nakita.
maayos ang kamang hinihigaan niya, wala kaming nakitang bakas niya ni anino man niya sa loob nitong kwarto kung nasaan siya naka confined kanina.
“Daddy....?!”
Tawag ni Crescent kay Rogem, nilibot namin ang paningin namin sabay nagtungo si Crescent sa CR nitong kwartong ito pero nabigo din siya na makita doon si Rogem.
Natigilan ako nung makita ko ang damit niya na suot niya kanina na damit nang pang pasyente, nakatupi ito ng maayos sa ibabaw ng gilid ng kamang hinihigaan niya.
“Cr-cresent....?!”
Tawag ko sa anak ko, naglakad siya papunta sakin at nakita niya ang damit na tinitignan ko. kinuha niya ito at binuklat.
“No! this can't be. hindi siya pwedeng umalis ng hospital na ito papa, mahina pa si Daddy. hindi pa niya kayang hanapin si Soleil. ”
Sabi niya na natataranta. agad siyang tumakbo palabas ng kwartong ito, hindi ko namalayan ang paglandas ng mga luha sa mga mata ko. napaupo na lang ako sa sahig habang umiiyak at napapa hagulhol na.
“I'm sorry.... I'm so sorry Rogem...”
Sabi ko habang humahagulhol na.
“Papa, nakalabas ng hospital si Daddy. nakita sa CCTV camera ang paglabas niya ng hospital kaninang hapon lang. baka hindi pa siya nakakalayo rito sa hospital. hanapin natin siya sa paligid sa labas ng hospital.”
![](https://img.wattpad.com/cover/305061011-288-k946297.jpg)
BINABASA MO ANG
✓ THE MERCILESS DUKE (THE BOOK 2 OF NEVER SAY GOODBYE) (COMPLETED)
RomanceThe Book 2 of Never Say Goodbye.... This second book will revolve around the revenge and anger of Duke Roseller who was formerly Rogem in Never Say Goodbye, He will do anything to get revenge on the man who cheated on him and hurt his feelings that...