Sebastian
Nagbabantay ako ngayon kay Crescent, nandito ako ngayon sa loob ng private room niya. Pinagmamasdan ko maigi ang Mukha ng anak ko. Hindi ko aakalain na sakin nagmana lahat ng meron siya pwera lang sa ugali dahil Chickboy ako noon nung college ako pero siya, matino siya kesa sakin. Nagmana Ang ugali niya kay Rogem pero lahat ng meron siya sa physical appearance niya... Sakin lahat, hinawakan ko ang kamay niya, may benda siya sa ulo niya dahil sa malakas na pagkakabangga sa kaniya.
Nag ka fracture lang ang ulo niya na Hindi naman Malala dahil Hindi naman daw naalog Ang utak niya para maging cause ng brain tumor or comatose niya. Stable na condition niya ngayon, ligtas na siya sa panganib. Ako lang nandito sa loob ng room niya habang si Soleil naman ay umuwi Kasama si Rogem, si Celestine naman ay pinauwi ko Hanggang ngayon ay nakakaramdam siya ng Guilty at nakokonsensya siya sa nangyari kay Crescent.
"Hmmmm.... M-Mr. Se-Sebastian?... A-anong n-nangyari? A-asan po si Daddy? Si Soleil po nasaan? Si Celestine? Nasaan po sila? Bakit kayo po Ang Kasama ko rito?"
Nagtatakang tanong niya sakin.
"Mabuti at gising ka na, sobrang namiss ko kayo ni Soleil... Lumaki kayo na wala ako sa tabi niyo Crescent... Ngayon, sobrang saya ko ngayon dahil kapiling at Kasama ko na kayo.... Crescent, ako Ang totoong Daddy niyo ni Soleil."
Naluluha kong sabi sa kaniya.
"Ka-Kayoooo po Ang Da-Daddyyyyyy namin?..."
Naiiyak niyang tanong sakin. Tumango ako at tumayo sa kinauupuan ko sabay niyakap ko siya. Ganun din siya sakin. Mahigpit niya akong niyakap at umiiyak Siya habang niyayakap niya ako ng mahigpit.
"Patawarin mo si Daddy kung may tinatago kang Galit sakin ngayon. Hindi ko gusto na ilayo kayo sakin, may kasalanan din si Daddy sa Inyo kaya kayo nilayo sakin ng Daddy Rogem niyo... Niloko Ang Daddy niyo, pero Hindi ko alam na magkakaanak na kami noon. Pero nung Makita ko kayo sa Company, Isang beses... Nakaramdam ako ng kakaibang lukso ng dugo at peace of heart sa loob ko... Sobrang gaan ng pakiramdam ko nung una ko kayong makita."
Naluluha kong sabi sa kaniya nung hinarap ko ang sarili ko sa kaniya. Napapikit siya at naluha dahil sa mga nasabi ko sa kaniya.
"Ganun din po Ang naramdaman namin sa Inyo ni Soleil nung Araw na iyon Lalo na po nung sumabay ka samin kumain. Ang saya ng pakiramdam namin dahil para tayong Isang kompletong pamilya po."
Umiiyak na sabi ni Crescent sakin.
"Tignan mo oh.. kamukhang kamukha kita... Ganiyan ang Mukha ko noong college pa kami ng Daddy mo. Alam mo ba na babaero ako noon? wala akong sineseryo noon. Pero noong nakilala ko ang Daddy niyo. Hindi ko alam kung Anong meron sa kaniya na Hindi ko Makita sa mga babaeng dumaan sa akin. Para kaming aso at pusa ng daddy mo noon. Hanggang sa siya ang unang na fall sakin, noong una nilayuan ko siya pero katagalan... Ako na rin ang naghahanap sa kaniya, nagagalit ako sa daddy mo noon kapag Kasama niya ang step father niyo na si Emmanuel. Nagseselos ako kapag nakikita ko sila na magkasama. Ilang beses na rin may nangyari sa Amin ng Daddy mo, at Hindi ko iyon pinagsisihan. Minahal ko ang Daddy niyo ng higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko. Maraming beses ko siyang sinaktan at niloko, sa bawat luha at iyak niya... Ako Ang dahilan ng mga iyon. Ngunit Hindi ko alam na may Health Condition siya na pwede siyang mabuntis. Kaya heto kayo ngayon... Nang galing kayo sakin mismo... Hindi ko kayo ginawa dahil sa gusto ko Maka sex Ang Daddy niyo na kapwa ko lalaki... Ginawa namin kayo ng Daddy niyo na may pagmamahal. Aminado ako na totoong lalaki ako, akala ko sa babae ako babagsak pero Hindi... Sa kapwa ko pa lalaki na bisexual at iyon ay ang daddy mo.... Sobra kong minahal Ang Daddy niyo, kaya lang ang Gago ko dahil sinaktan, niloko at pinaasa ko siya.... Nanganak Ang daddy niyo na Hindi ko alam na buntis siya sa inyo at magkakaanak kami. Nanganak siya na wala ako sa tabi niyo noong lumalaki kayo at naghahanap ng aruga at kalinga ko... 20 years? 20 years akong nangulila sa Daddy niyo. Kinasal ako sa Isang babae na Hindi ko mahal, pinagkasundo kami ng mga parents namin noon. Kaya Hanggang ngayon kasal parin kami sa papel, pero Hindi ko siya minahal ng totoo kahit ilang taon na kaming kasal. Dahil laman lang ng puso ang Daddy niyo.... Ngayon alam ko na, alam ko na Ang totoo na kayo Ang mga anak at ako ang totoong Ama ninyo ni Soleil.... Babawi ako, babawi ako sa lahat ng Taon, buwan at Oras na Hindi ko kayo nakasama at nakapiling. Lalo na noong lumaki kayo na hinahanap niyo ako... Pangako, babawi ako sa Inyo ni Soleil."
BINABASA MO ANG
✓ THE MERCILESS DUKE (THE BOOK 2 OF NEVER SAY GOODBYE) (COMPLETED)
RomanceThe Book 2 of Never Say Goodbye.... This second book will revolve around the revenge and anger of Duke Roseller who was formerly Rogem in Never Say Goodbye, He will do anything to get revenge on the man who cheated on him and hurt his feelings that...