Duke Roseller
Ilang Araw na akong Hindi umuuwi sa Amin, sa Private Condo ako natuloy, gabi gabi akong nasa Bar at nag lalasing. Umuuwi akong lasing, pero Hindi ko naman napapabayaan Ang trabaho ko bilang Vice President ng Company. Ganun din ang pag u-update ko sa police station, may mga kopya na ako ng CCTV camera footage sa sasakyan na bumangga sa anak kong si Crescent.
"Heto po Ang CCTV camera footage video sa harap ng Convenience store noong gabing nabangga Ang anak ninyo."
Sabi ng Isang police na napagtanungan ko about sa nangyari sa anak ko kung may motibo na ba sila kung sino ang may gawa. Pinanuod ko naman ang video at Nakita ko kung paanong nabangga Ang anak ko sa harapan ng convenience store, na parang Hindi sinasadya kundi planado at sinasadya iyon. kulay itim ang kotse na iyon ngunit Hindi malinaw ang mismong plate number ng sasakyan.
"Any update pa po ba sir sa nangyari aside from this CCTV footage?"
Tanong ko sa pulis na may hawak ng kaso ng anak ko.
"Meron pa sir. Nakuha namin ang Kopya ng CCTV footage sa may highway ng Marcos Avenue around 9pm ng gabi same day and same time din po dumaan ang kotseng ito sa highway at mabilis ang pagpapatakbo ng suspect sa sasakyang ito at may nabangga siyang Isang puting sasakyan sa harap niya, Hindi niya ata nahinto at napansin na Red light na niyon, nagalit naman ang driver na may Ari ng sasakyan na puti na binangga Ang sasakyan niya nito. Lumabas siya at Nakita niya ang sasakyan niya na nagalusan dahil sa pagkabanga tumawag itong lalaking ito sa Amin at sinabi niya na samin na Ang sasakyan na bumangga sa kaniya ay may mga talsik ng dugo sa sa glass window sa harap ng sasakyan ganun din sa salamin sa Ilaw nito sa harap. nakuha naman niya ang plate number ng sasakyan na iyon.
XVY • 514 Ang plate number ng sasakyan.
Meron pang Isa... Sa may boundary ng Marcos Avenue at kalayaan road sa may bridge na bato, may Nako din kaming CCTV camera footage kung saan tumigil ang sasakyan sa tabi ng kalsada at lumabas ang driver nito."
Kwento ng pulis sa akin, agad akong nabuhayan ng loob nung malaman ko na lumabas ang suspect na nagmamaneho ng sasakyan na iyon.
"Pw-pwede ko ba Makita ang kuha ng CCTV camera sa may bridge para Makita ko ang Mukha ng driver?"
Tanong ko sa pulis, agad naman niya itong pinanuod sakin iyon sa Monitor ng Computer niya. Nandito kami sa loob ng office ng pulis na may hawak sa case ng anak ko. Pinapanuod ko ang video na kuha ng CCTV camera sa may bridge kung saan das huminto ang kotse na iyon sa tabi ng kalsada. Nagulat ako ng Makita ko ang Mukha ng driver na iyon...
"Claire?"
Nag tanggal ito ng sombrerong suot niya sabay lugay ng buhok niyang mahaba, malinaw ang kuha ng CCTV camera video kaya kitang kita ng dalawang mata ko ang Mukha ng hayop na babaing iyon. Napakuyom ang mga kamay ko dahil sa nakikita ko.
"Siya... Siya yung wanted na suspect na nakawala sa kulungan noong nakaraang linggo.. siya ang bumangga sa anak ko."
Sigaw na Sabi ko rito sa loob ng office.
"Kumalma po kayo sir, ginagawa na po namin ang lahat ng makakaya namin para mahanap Ang location ng sasakyan niyan ngayon at kung saan nagtatago Ang suspect ngayon at kung sino ang tumutulong sa kaniya... May Isang Bata noong gabing iyon sa ilalim ng tulay na namimingwit ng isda, tinawag siya nito at tinanong siya kung paano daw siya makakababa dala ang sasakyan sa ibaba ng tulay para linisin ang mga talsik ng dugo na nakadikit sa harapan ng kotse niya. Na interview namin ang Batang iyon at takot na takot siya dahil baka siya ang isunod na patayin ng suspect."
![](https://img.wattpad.com/cover/305061011-288-k946297.jpg)
BINABASA MO ANG
✓ THE MERCILESS DUKE (THE BOOK 2 OF NEVER SAY GOODBYE) (COMPLETED)
RomanceThe Book 2 of Never Say Goodbye.... This second book will revolve around the revenge and anger of Duke Roseller who was formerly Rogem in Never Say Goodbye, He will do anything to get revenge on the man who cheated on him and hurt his feelings that...