Duke Roseller
Ilang buwan na Ang lumipas at tapos na ang therapy ko. Mabilis na ako kumilos ngayon Hindi kagaya dati na naninigas ang mga Binti at hita ko kapag maglalakad ako o babangon sa kama ko. Ngayon nagagalaw ko na silang pareho na normal.
Ilang buwan din akong namalagi dito sa Palace sa tagong Lugar nang Birmingham, England. Nasa loob ako nang kwarto ngayon at kasalukuyan nag iimpake nang mga damit ko ang ilang royal maids ko rito sa loob ng kwarto ko. Unti unti na nilang nilalabas ang mga maleta ko at ilang gamit ko para dalhin sa Bentley State limousine na sasakyan na kulay itim.
Nasa harapan ako ngayon nang salamin na Malaki na Oblong shape patayo na pinalilibutan nang design na parang renaissance era palibot ang buong salamin at kulay ginto ito. May stand ito sa likod kaya naman nakakatayo ito sa sa sahig.
Nakasuot ako nang itim na coat at itim na slacks itim lahat nang suot ko at tanging puti ang panloob ko na long sleeve na pinapatungan nang itim na coat at itim na trench coat na below the knee at black na slacks. Pormadong pormado ako sa suot ko ngayon dahil susurprisahin ko ang kambal na anak ko na nasa Windsor palace. Sa gitna nang city ng London.
Nakangiti ako habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin.
“Your Majesty, the luggage is in the vehicle. you are the only one waiting.”
Sabi sakin nang mayordoma nang palace na nasa pintuan nang kwarto ko na ikinatigil ko sa pagmamasid sa sarili ko sa salamin. Agad naman akong tumango. At kinuha ko na Ang hand stick ko na black at naglakad na palabas nang kwarto. Bago ako lumabas, lumingon muna ako rito dahil mamimiss ko itong kwarto ko na ito. At sabay hinawakan ko na Ang gintong seradura nang pintuan nang kwarto at pinihit ko iyon palabas para sumarado ang pinto.
Naglakad na ako pababa nang hagdan na gawa sa marble na may carpet na pula na may design na nakalatag mula sa itaas na dulong bahagi nang hagdan Hanggang sa ibaba. Ang hawakan nito sa magkabilaan ay ginto at kumikintab pareho.
Nung makababa na ako dumaan ako sa hallway nang palace na puro portrait na malalaki na nakasabit sa magkabilaang pader nang mga naunang hari at Reyna nang england. Mga ancestors nang royal family ko.
Sa bawat sulok ay may mga malalaking bintana at may mga makakapal ba kurtina na kulay pula at puti. Makikita mo ang buong paligid mo na bawat silid at sulok nang palasyo ay may mga carpet na malalaki na nakalatag sa sahig. Napapagmasdan ko Minsan sa mga pader sa bawat pasilyo sa loob nang palasyo dahil sa mga designs nito na mala Renaissance Era ang theme at puro antigo ang mga gamit Lalo na Ang mga figurines at mga malalaking flower vase na may ibat ibang uri nang bulaklak sa bawat hallway Lalo na sa gitna nang palasyo sa unang palapag kapag galing kang entrance door. Bawat malalaking flower vase ay tinutuntungan nang single marble table para kitang kita ang Ganda nang mga bulaklak. Halos lahat nang gamit dito ay mamahalin, Lalo na Ang mga sofa na sobrang lambot upuin ganun din ang mga kama na malalambot at sobrang laki sa bawat kwarto o silid.
BINABASA MO ANG
✓ THE MERCILESS DUKE (THE BOOK 2 OF NEVER SAY GOODBYE) (COMPLETED)
Roman d'amourThe Book 2 of Never Say Goodbye.... This second book will revolve around the revenge and anger of Duke Roseller who was formerly Rogem in Never Say Goodbye, He will do anything to get revenge on the man who cheated on him and hurt his feelings that...