Chapter 50 Divorce Papers

411 18 1
                                    

Claire







“What the hell is this?”

Tanong ko sa sarili ko nung may matanggap akong mga documents na pinadala sakin sa condo ko. Agad ko itong binuksan dahil nakabalot siya sa brown na envelope na manipis pero matigas at naka sealed. Pinunit ko ang unahan niyon at dinukot ko yung mga papel na iyon sa loob. Paglabas ko ng mga iyon, nanlaki ang mga mata ko sa kaniya at nabasa ko.

“Divorce Papers”

Gulat na gulat ako sa mga nabasa ko, Nakita ko rin sa ibang pages na may pirma na at may stamp na ni Sebastian ang mga iyon. Sakin na lang ang wala kaya pinadala iyon sakin para pirmahan at tatakan ko na yung pangalan ko roon sa papel na iyon.

“NO.... HINDI AKO PAPAYAG, HINDI AKO PAPAYAG MAKIPAG DIVORCE KA SAKIN SEBASTIAN, AKIN KA LANG.”

Gigil at Galit na Galit kong sigaw sabay nilukot ko ang iba at pinunit punit ko ang mga iyon. Nanginginig ang mga kamay ko sa Galit dahil sa mga iyon.

Hayop ka talaga Rogem, Ikaw Ang anay at peste sa pamilya ko. Kung akala niyo na mapapabagsak niyo ako ni Sebastian, nagkakamali kayo. Hinding hindi ako papayag na maging Masaya kayo sa huli. Sa akin lang si Sebastian, akin lang siya....

Gigil kong sabi sa isip ko.

Mabilis akong nagtungo sa kompanya para hanapin si Sebastian, nung makarating na ako sa kompanya dali-dali akong naglakad papasok sa loob ng kompanya wala akong pake kung pinagtitinginan ako ng mga empleyado rito. Nagtungo na ako sa elevator at pumasok na roon sabay pindot niyon sa 20th floor. Pagdating ko sa 20th floor nagtungo ako sa office niya, ka meeting niya ang Isa sa mga shareholders niya na si Rica Saniel ang head finance at humahawak ng budget ng kompanya. Nakita ko rin na Masaya silang nag uusap kaya naman hindi ko mapigilan mainis at magalit dahil sa mga nakikita ko ngayon.

“ANG KAKAPAL NG MGA MUKHA NIYO MAGLANDIAN DALAWA SA HARAPAN KO MISMO?!”

Sigaw ko sa kanilang dalawa na ikinalingon nila sakin. Sabay mabilis akong naglakad palapit sa pwesto ni Sebastian at sinampal sa Mukha niya yung brown envelope na pinadala sakin sa condo kanina.

“ANO IYAN? MAKIKIPAG DIVORCE KA SAKIN? HA? TALAGANG MAKIKIPAG DIVORCE KA SAKIN PARA LANG SA BAKLANG IYON?... AT IKAW? ANG GALING MONG BABAE KA, NILAGAY KA NUNG BAKLANG IYON PARA GAWING HEAD FINANCE AT HUMAWAK NG BUDGET NG COMPANY, HINDI AKITIN ANG ASAWA KO... ANG KAPAL NG MUKHA MONG BABAE, HAYOP KA, HALIKA RITO. KAKALBUHIN KITA...”

*PAAAAAAKKKKKKK*

“AAAAAAAHHHHHHHHH”

Sigaw ko sa sakit nung maramdaman ko ang malakas na pagkakasampal sakin ng babaing iyon. Sabay pinanlisikan niya ako ng mata.

“IKAW ANG HAYOP SA ATING DALAWA, DEMONYITA KA. PINATAY MO ANG ISA SA TRIPLETS NA ANAK NI ROGEM?! HINDI KA LANG MAMAMATAY TAO, MAGNANAKAWA KA RIN. ANG LAKAS PA NG MUKHA MO NA MAGPAKITA RITO? HA.... NO WONDER, DITO PA NGA LANG SA IBABAW NG LUPA SINUSUNOG NA ANG KALULUWA MO RITO DAHIL SA MGA KAUNTING KASALANAN NA NAGAWA MO, PAANO PA KAYA SA IMPIYERNO NA PATI KATAWAN MO AY KASAMA NA RIN?! GOOD LUCK NA LANG SAYO.”

Sarkastikong sabi sakin at inirapan ako ni Rica at umalis na. Narinig ko ang malakas na kalabog ng pintuan ng office ni Sebastian, humarap naman ako sa kaniya ngayon at tinitigan ko siya sa mga mata niya. Hindi na siya ang Sebastian na minahal ko, ibang-iba na siya. Malamig at wala ng emosyon siyang nakatingin sakin.

✓ THE MERCILESS DUKE (THE BOOK 2 OF NEVER SAY GOODBYE) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon