Chapter 35 Turn between two lovers

573 20 3
                                    

Duke Roseller








Ilang araw na ang lumipas nung nangyaring paghalik sakin ni Sebastian sa loob ng elevator. Parang kahapon lang namin iyon ginawa dahil sariwa pa sakin ang lahat ng iyon, Hindi lang iyon ang nangyari nitong mga nagdaang araw. Biglaan nagkaroon ng pagbabago sa Company, pinalitan kase ni Ate Rica si Gio ang Administrative Leader/Manager ng Engineering Department dito sa loob ng Company at ipinasok si Emmanuel.

Ngayon, bahagi na ng kompanya si Emmanuel at lagi na kaming magkasama kumain ng lunch. Minsan nakikita ko si Sebastian nakatingin samin habang kumakain kami ng lunch dito sa loob ng office ko, Minsan nahuhuli ko din siyang nakatitig sakin habang busy ako sa pagbabasa at pag aaral ng ilang documents. Iniiwasan ko kase siya ngayon. At alam kong nasasaktan siya sa ginagawa kong pag iwas sa kaniya.

Natatakot kase ako na baka makita kami ni Emmanuel at mag pang abot ang dalawa. Ayoko magkaroon ng gulo sa pagitan nila. Kaya si Emmanuel ang pinipili kong Kasama sa buong araw. Minsan nakakasabay ko siya sa sasakyan pauwi sa mansion ko at binibisita ang kambal, sa Isang linggo ay nakaka 5 beses siyang dumalaw sa kambal at makipag bonding rito. Nakauwi na rin ako sa mansion nung kinausap ako ni Sebastian na umuwi na dahil namimiss na ako ng kambal, miss ko na din kase sila. Sinabi naman din sakin ni Sebastian na hindi naman sila nagagalit sakin o nagtatampo dahil naiintindihan naman nila na ginagawa ko iyon para hindi sila madamay sa gulo.

"DAAAAAAADDDDDDDDDYYYYYYYYY...."

Masayang Sigaw ng kambal nung Makita nila akong pumasok sa loob ng mansion namin. Sinalubong ako ni Soleil at niyakap ako, samantalang si Crescent ay naka upo sa wheelchair na de remote control at lumapit sa amin, niyakap ko din siya matapos kong yakapin si Soleil.

"Namiss kita Daddy... Sobrang namiss kita.... akala ko hindi ka masaya nung makitang kompleto kami, na nakilala namin ang totoong daddy namin."

Naluluhang sabi ni Crescent sakin na wala na ang benda niya sa ulo at gumagaling na din ang sugat niya sa ulo.

"Anak, hindi totoo iyon... Masaya ako na nalaman niyo kung sino ang totoong Daddy niyo at nakompleto kayo nung araw na iyon... Kaya lang ako nawala ay dahil ayokong madamay kayo sa gulo... Natatakot ako sa kaligtasan niyo, mahal na mahal kayo ni daddy. Kaya kahit mahirap sa akin na mawalay sa Inyo... Kakayanin ko, alang alang sa kaligtasan niyo... Ganun ko kayo kamahal, kaya kong ibuwis ang buhay ko para sa Inyo... Kahit na mawala ako ngayon, Masaya ako dahil nandiyan ang Isa pa niyong daddy na mag aalaga at iingatan kayo."

Naluluha kong sabi sa kanila.

"No, daddy... Hindi kami papayag na mawala ka samin, ngayon na kompleto na tayo bilang Isang masayang pamilya... Ayoko na may Isa sa atin ang mawala, Tama na yung nawala yung Isang kapatid namin noong pinagbubuntis mo kami... Tama na yung Isang buhay ang nawala, pero ang mawala ng Isa sa Inyo na parents namin? Hindi namin kaya iyon daddy..."

Naluluhang sabi ni Soleil.

Niyakap ko silang pareho habang nandito kami sa living room.. hindi ko kase alam kung Hanggang kailan o Hanggang saan hahantong itong pagbabanta sakin o samin ni Claire. Pero hindi ako natatakot, Lalo na sa mga anak ko. Hanggang sa huling hininga ko, pro-protektahan ko sila. Maghapon kaming mag bonding, iniisip ko na parang wala akong iniindang problema Lalo na sa siguridad namin.

Hanggang ngayon, sa mansion na ako tumutuloy pagkagaling ko sa trabaho. Minsan nakakasabay ko si Sebastian sa Iisang sasakyan pauwi sa mansion para bisitahin niya ang mga Bata, pagpasok ko sa loob ng mansion, sinalubong kami ng kambal sa living room. Niyakap ko lang sila at hinalikan sa noo sabay umalis na ako at naglakad papasok sa kwarto ko sa itaas para magbihis.

✓ THE MERCILESS DUKE (THE BOOK 2 OF NEVER SAY GOODBYE) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon