Chapter 9 The Royal Celebration

950 32 4
                                    

Duke Roseller






Ngayon na Ang araw ng Royal Celebration sa Big Ballroom sa Romania, marami ang pumunta kabilang na Ang mga Kilala at makapangyarihan tao dito sa United kingdom, may mga celebrities and singers din si Auntie na ininvite. Bago ang lahat nag pagawa siya nang mga Royal Invitations para sa mga dadalo para pumunta. Pili lang ang mga taong inimbitahan sa event na gaganapin sa Big ballroom sa Bucharest, Romania.

Gabi magsisimula ang event. Kaya kahapon pa lang lumipad na kami papuntang Romania, At nag stay na kami sa palace of the parliament ballroom. Sobrang lawak nito, Baroque Style ang design nitong ballrom. Sobrang detailed ang pagkakagawa at may mga malalaking chandelier na nakasabit sa kisame kaya sobrang liwanag dito sa loob ng ballroom. Naka set up na Pala ang lahat may mga round table na may sapin na puting tela na makapal may mga bulaklak sa bawat gitna ng round table at sa bawat mesa ay may Tig sampung upuan.

"Ang Ganda rito daddy, Hindi na ako makapag hintay sa event bukas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Ang Ganda rito daddy, Hindi na ako makapag hintay sa event bukas."

Sabi ni Soleil.

Hinawakan ko lang sa kamay si Soleil samantalang nasa likod lang namin si Crescent, napalingon ako sa kaniya sa likod ko at napansin kong tahimik ito na parang malalim Ang kaniyang iniisip. Binitawan ko muna ang kamay ni Soleil at nilapitan siya na Hindi ako napapansin.

"Baby, what's wrong?"

"Nothing daddy, siguro pagod lang ako sa flight natin papunta rito."

"Ganun ba? Sige... Umakyat na tayo sa itaas, paalam muna tayo sa Lolo at Lola niyo."

Sabi ko rito sabay hinimas ko ang likod niya Bago namin sabay nilakad palapit sa Lolo at Lola niya. Nagpaalam naman kami sa kanila na aakyata na kami sa itaas para makapag pahinga, may mga royal maids din kami na nakasunod sa amin at dala dala ang luggage namin. May mga royal guards sa labas sa buong paligid ng palace of the parliament ballroom. Pag akyat namin sa itaas ay kaniya kaniya na paalam sila soleil at Crescent samin ni Emmanuel. Pumasok na ako sa loob ng kwarto ko para makapag palit ng damit at makapag pahinga na.

Hihiga sana ako sa kama ko nang may kumatok sa pinto at sabay bukas ng pinto. Si Emmanuel Pala, Hindi pa siya nakakapagpalit ng damit mula kaninang pagdating namin dito.

"Ohh... Emmanuel, may kailangan ka? Bakit Hindi ka pa nagpapalit ng damit mo?"

"Iniisip lang kita... Bukas na kase ng gabi yung event... Naalala ko na Isa siya sa mga binigyan mo ng invitation, Hindi parin ako makapaniwala na iimbitahan mo siya... Eto na ba talaga ang Tamang Oras at panahon para magkita kayo?"

Napabuntong hininga ako sa tanong niya at lumapit sa kaniya, hinawakan ko ang kamay niya at naupo kaming pareho sa gilid ng kama ko.

"Maski ako rin ay kinakabahan.... Pero mawawala rin ito bukas dahil nasa tabi kita. Ipapakilala ka ni Auntie ko bilang fiance ko, at father ng Royal twins."

✓ THE MERCILESS DUKE (THE BOOK 2 OF NEVER SAY GOODBYE) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon