Chapter 26

1.3K 24 0
                                    

Chapter 26

"Gago ang bias naman ni Sir!" Reklamo ni Crystal habang nakatingin sa pagkaing nasa harapan.

"Magpasalamat ka nalang at kasali tayo sa binigyan! This was supposed to be for Ashley but look, pati tayo nililigawan niya." Ava rolled her eyes before looking at me. "Pero seryoso ah? Ang galante talaga ni Sir Keifer!"

Why? Because Keifer just gave all of us a bunch of foods. Naka-pack na ang mga iyon bago ibinigay sa amin.

At ang nakakahiya ay sobrang dami nung sa akin. Ano bang tingin niya sa akin? Baboy? Pupwede na 'to pang-isang araw ko eh!

Sana chocolate nalang iyong binigay! Antiromantic masyado!

"Bilisan niyo nalang kaya, noh? Para naman makabalik na tayo sa trabaho."

Ava frowned, "Porket may manliligaw!"

"Nagpunta tayo rito para mag OJT, hindi para kumain! Umayos ka kung ayaw mong kusutin ko 'yang tagiliran mo!"

"Chos! Sige na, kakain na po kami mahal na reyna. Nakakahiya naman sa manliligaw mo, sabihin pang hindi kami supportive friend sa'yo. Kakainin namin 'tong bigay niya. Atsaka pwede bang sabihin mo sa susunod, fafa naman 'yung ibigay niya?" Napahagikhik si Crystal sa sarili sinabi.

"Anong fafa, Crystal? Baka nakakalimutan mong magkaapelyido iyong manliligaw mo at iyong manliligaw ni Ash? Ang hilig niyo sa Montairre ha? Baka naman, tanungin niyo kung may iba pa silang ano— wait, magkaanu-ano kaya sila, Ash?"

"Magpinsan."

"Kung may iba pa silang pinsan na gwapings! Reto niyo 'ko!"

Napailing nalang ako sa mga pinagsasabi nitong babaeng 'to.

Hindi na ako nagsalita pa at hinayaan ko nalang silang dalawa ni Crystal na magsalitan ng salita. Hindi ko narin kinain lahat dahil hindi ko rin naman kaya. Iniligpit ko iyong mga pinagkainan ko at nagpunta sa restroom saglit.

But I was shocked when I saw Ophie stunning on her phone. Hindi niya ata ako napansin dahil talagang tulala lang ito sa telepono.

"Ophie? Are you okay?" Doon na siya tuluyang napatingin sa akin. She looked really surprised and she's not saying anything. She's just looking at me, "Ophie."

"Huh?" She uttered, "Oh— I-i'm...okay."

I raised my brow, "Your actions says the otherwise though. May nangyari ba?"

She blinked, "W-wala naman..." I gave her a warning look that's why she looked back at her phone. Hudyat iyon para lapitan ko siya at tiningnan ko ang hawak niyang telepono. "Litong lito na ako, Ash... Hindi ko talaga siya maintindihan." Nanghihinang sambit niya.

It was a text from someone saying:

I saw you earlier, you got out with lots of  guys. Why?

Kumunot ang noo ko, "Siya ba 'yung ginawa kang tulay?"

"Oo..." She answered me, lowering her gaze on the floor.

"Give me your phone." Nalilito man ay ibinigay niya parin sa akin ang cellphone niya.

This guy is kinda getting into my nerves.

Mabilis akong nagtype.

Yes, we really had fun earlier. Sumakay kami ng rollercoaster and you know what? I kinda liked the guy named Sandro. He asked for my number earlier.

I grinned and winked at Ophie who's now wideneng her eyes while looking at my reply.

"Ash! B-bakit mo sinabi 'yun? That wasn't even true..."

Montairre Series 1: That Bitch Is Mine [COMPLETED]Where stories live. Discover now