Chapter 41

1K 24 3
                                    

Chapter 41

"This is just my dream last time, mom."

Lumingon sa akin si mommy habang hawak ang tungkod sa kaliwa niyang kamay. She gave me a questioning look, "what do you mean?"

Tumingala ako sa kalangitan habang pinagmamasdan ang mga puraso ng nyebe na nagsisipatakan mula sa langit. "This scenery in front of us. Nakikita ko lang naman ito sa mga K-dramas dati, eh. Ang malamig na snow at ang matataas na mga buildings na nasa harap natin ngayon. At mas lalong naging masaya ang first experience ko rito dahil kasama kita, mom."

Nasa labas kami ngayon, tinanong ko na naman kay Doctor Bowman kung pupwede ko nga bang ilabas si mommy kahit sa ganitong panahon, ayos lang naman daw dahil ilang buwan na rin siyang hindi nakakalabas sa kuwartong iyon.

"Kahit ganoon, mas maganda pa rin sa Pilipinas hindi ba? Lalo na't kumpleto tayong lahat na magkakapamilya."

"That can't be applied to us, though." I said bitterly.

Marami pa kaming pinag-usapan ni mommy. Kung saan saan na kaming topic napunta, sa kung anong nangyari sa akin sa Pilipinas, ikinuwento ko rin sa kaniya 'yung pagiging maldita ko sa school at marami pa. I felt definitely home. She's my home.

"Mom, do you want to see my boyfriend?" Kapagkuwan ay tanong ko sa kaniya nang naupo na kami sa bench.

"Yes, of course I would love that! Sige, ipakita mo sa akin."

"I would just show you his picture po ha?"

Sumang-ayon naman si mommy sa sinabi ko. Agad akong naghanap ng picture namin ni Keifer sa gallery ko and I chose that one picture na pinaka favorite ko sa lahat. Ang first selfie namin together. That very moment we spent in La Tenta Beach Resort. Nakaharap kaming pareho sa camera suot ang malalapad naming mga ngiti. Bigla akong nakaramdam ng lungkot habang patagal na patagal akong nakatitig sa larawan niya.

"May problema ka, anak?" Nabigla ako nang nagsalita bigla si mommy.

"Oh...w-wala naman po," I plastered a smile. "Here he is."

Ibinigay ko sa kaniya ang phone ko. Pinagmasdan ko ang reaksiyon niya habang nakatingin sa picture. Hindi ko mabasa ang iniisip niya, though. But suddenly, she smiled. "Bagay kayo, Ash. But he looked like some kind of a bad boy though. Sigurado ka bang mabait 'to?"

Napasimangot naman ako sa sinabi niya. Kahit alam ko naman ganoon talaga si Keifer.

"Mommy naman... Hindi mo ba alam iyong don't judge a book by it's cover?"

"Eto naman, joke lang! Hindi na ako makapaghintay na makita siya sa personal."

"Kaya nga bilisan mo nang magpagaling at nang makauwi na tayo sa Pilipinas."

"Yes, master..." Nagtawanan kami matapos iyon. Dahan-dahan kong isinandal ang ulo ko sa balikat niya.

KINUHA KO ANG WALLET NA nasa lamesa at mabilis na lumabas. Plano ko talaga kahapon pang bumili ng mga prutas kaya lang wala akong time. Napasarap yata ang kwentuhan namin ni mommy at nakatulog kami kaagad nang makabalik kami sa kuwarto.

I was on my way downstairs when I saw a nurse currently doing something on her laptop.

"Ahm, nurse excuse me, can I ask something?"

She turned to look at me and smiled.

"Mul lun niji." Here we go again.

"Eh?"

"I-i, mean yes, sure."

Napailing ako ng kaunti bago muling nagsalita, "can you tell me where is the nearest  market here? I would like to look for fresh fruits for my mom."

Montairre Series 1: That Bitch Is Mine [COMPLETED]Where stories live. Discover now