Chapter 63

1K 22 4
                                    


"Maya-maya lang ay magigising na ang bata. Successful naman ang blood transfusion so you don't have to worry."

"Oh My God, thank you so much. Maraming salamat, doc. . ." Bakas ang saya sa mukha ko habang kaharap ang doktor.

"Let me excuse myself for now, Ms. Ramirez."

Sumang-ayon ako sa kaniya at naiwan ako roong mag-isa. Hahakbang na sana ako upang pumunta sa kuwarto nang marinig ko ang boses ni mommy.

"Anak! Ayos ka lang ba? Hindi ka ba sinaktan ng babaeng iyon?" Her face looked so red and sweats also fell from the side of her face. Halatang tumakbo ito papunta rito.

"Y-you met them?"

"Yes, I saw them. I mean, we definitely talked."

"Ako dapat ang magtanong sa inyo kung ayos lang ba kayo. Hindi ka ba sinaktan?" Sinipat ko ang katawan niya at nakahinga naman ako nang maluwag nang wala akong nakitang kahit kaunting gasgas sa kaniya.

"Muntikan na. Pero dumating naman ang tatay mo at napigilan si Jona. That woman is just so shameless!"

I sighed. Subukan niya lang talagang saktan ang nanay ko't makikita niya talaga ang hinahanap niya!

"Puntahan na natin si Magnus, anak. Baka gising na iyon."

Kumislap bigla ang mga mata ko at mabilis akong tumalikod at dumiretso na sa kuwarto ni Magnus.

When I opened the door, a smiling face of Magnus while talking to his tito Sam welcomed my vision. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko ngayong nalaman kong ayos na siya. Bigla na lamang tumulo ang luha ko habang papalit sa kanila.

Damn tears!

"Mommy!" He squeaked.

Hindi ako sumagot dahil agad ko na siyang niyakap habang nakahiga. Naramdaman ko rin ang pag-atras nina Sam at Chaeyoung nang makita ako.

"Oh My God, baby. . . You scared me so much. . ." I said in between my sobs.

"I'm sorry, mommy. . . Promise ko po hindi na po kita tatakutin ulit. Kaya stop crying na po, please? My chest is also hurting na po. . ."

I heaved a breath and forced a smile as I faced him. Pinahid ko rin ang luha ko bago hinaplos ang kaniyang pisngi.

"Ayan na, nagsmile na si Mommy. Okay na ba?"

"Very okay po!" We all laughed by the way he answered me. "But mommy, I want to see someone. . ."

My heart skipped a beat. Lumingon ako sa likuran ko para tingnan silang tatlo, pareho lang silang nakatingin sa akin at naghihintay ng sasabihin ko.

"Who's that?"

"Si Tito Keifer po." Diretso niyang sabi.

Kinagat ko ang labi ko, "h-he's a little busy, baby. Nandito siya kanina pero umalis din siya kaagad. But you don't have to worry since magkikita parin naman kayo." That's true.

Kahit anong iwas man ang gawin ko, hindi ko na mapipigilan ang mga pangyayari lalo na ngayon at alam na ni Keifer ang buong katotohanan.

I also made a decision earlier, that I will just let him see my son. Pero hanggang doon na lamang iyon. He can't take away my son form me. Magkakamatayan muna kami bago mangyari iyon.

"If you say so, then I'll wait po."

Tumango ako at hinalikan ang kaniyang noo.

"Magpahinga ka muna anak, ha? Palakasin mo muna ang katawan mo para naman kapag nagkita kayo, strong ka. Okay?"

Montairre Series 1: That Bitch Is Mine [COMPLETED]Where stories live. Discover now