Chapter 27

1.2K 26 0
                                    

Chapter 27

"What the hell did you guys do while we're away?!" Napa-irap ako sa kawalan nang sumigaw si Ava sa harapan ko.

Matapos kong pagtawanan si Keifer ay pinaalis ko na siya kaagad. And badly, these ladies saw Keifer got out of the room. Ngunit hindi naman nakita ni Keifer sina Ava, dahil magkaiba ang dinaanan ng mga ito. Sila lang ding dalawa ni Crystal dahil hindi naman daw nila alam kung saan nagpunta si Ophie. Sana lang talaga ay kung saan man naroon ang babaeng iyon, hindi niya kasama ang gagong boyfriend ng pinsan niya.

"It's not what you're thinking, Ava." I said.

"What are we thinking?" Bahagyang nakataas ang isang kilay nito. "Na nag-sex kayo? Yes, iyon nga ang iniisip namin—"

"We didn't!" I yelled as I sat down on my bed.

"Ay, ba't parang disappointed ka 'te?" Panunuya ni Crystal habang nakakrus ang dalawang braso sa dibdib.

I rolled my eyes again, "kaya nga eh. Sayang, kasama ko pa kayo rito. Hindi tuloy namin magawa."

Awtomatikong umasim ang mukha ng dalawa. And then Crystal squeeled, "Eww. Kadiri ka, Ash!"

"What? Kayo ang nagbukas ng topic about that. Dapat open minded kayo sa sasabihin ko."

"Hindi ako ang nagsimula, it's Ava! Nakakadiri kayang pakinggan."

"Feeling inosente eh noh? Parang hindi ka nagbabasa ng mga stories ni cecelib noon? Hoy babae! Hindi ko pa nakakalimutan'yung nakita ko last time. Nagbasa ka ng SPG sa classroom! Kaya huwag kang painosenteng gaga ka! 'Di bagay sa'yo."

Agad na sumimangot si Crystal sa sinabi ni Ava.

"Ewan ko sa inyo. Magsama kayong dalawa." Crystal left us and went back to her bed.

Naiiling nalang kami ni Ava sa kaniya.

Ava sat beside me habang nakatutok talaga sa akin ang kaniyang mga mata. Na para bang seryoso talaga ang sasabihin niya.

"Nag-sex na ba talaga kayo?" Napaubo ako sa tanong niya. Alam kong nagsisimula nang mag-init ang magkabilang pisngi ko.

"Tumigil ka na Ava, ha? Nililigawan niya palang ako, kaya bawal pa 'yan. Siguro kapag mag-asawa na kami," That intercourse we had last time is not counted! "Bakit mo natanong? Gusto mong agawin?"

Ava acted like she's really thinking about it, "Hindi pa naman kayo kaya pwede rin. Ang guwapo kaya ni Sir! Hindi na lugi! Amoy Avocado pa." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay humagikhik pa ito.

"Try me. Baka gusto mong makakita ng stars sa ibabaw ng ulo mo?" May pagbabanta sa boses ko.

Ava pursed her lips, "territorial ka masyado, beh. Huwag nalang. Pag ikaw na talaga ang nanghamon, diretso atras na 'ko. Nakakatakot ka masyado."

Agad akong natawa sa sinabi niya, "Buti alam mo. Matulog ka na nga lang! Ang dami mong sinasabi."

She just rolled her eyes while going back to her bed.

Kapagkuwan at napangiti parin ako habang iginigiya ang sarili ko pahiga sa kama at saka nagkumot. Nagdasal ako bago natulog. And guess what I prayed? Na sana takutin ako ulit ni Keifer para makita ko ulit iyong sayaw niya!

MASYADONG MAGANDA ang gising ko. Nakangiti lang ako lagi habang ginagawa ang kadalasan kong ginagawa sa umaga. Ramdam ko rin ang palaging pagsulyap sa akin nina Crystal at mukhang na-we-weirduhan na yata sa akin. 

But do I care?

Of course I don't. Bahala silang maweirduhan sa akin.

"Mauna nalang kami sa'yo sa office, Ash ah? Mukhang nag-eenjoy ka pang magwalis diyan eh. Hiyang hiya 'yung sahig sa'yo. Baka raw maubos kakabalik-balik mo sa pagwawalis." Umismid pa si Ava habang sinasabi iyon.

Montairre Series 1: That Bitch Is Mine [COMPLETED]Where stories live. Discover now