KAMUNTIK-MUNTIKAN

257 1 0
                                        

April 16, 2015

Sadyang di tiyak ang tamang nararamdam,
Para bagang may kutob na di umaalpas sa isipan,
Tila dinadalaw ng bangungot at panaginip sa tuwina,
Na sana'y sa pag-gising mo'y katotohanan rin pala.

Itinatanong sa iyong sarili kung susundin,
Sapagkat sa pagninilay nilay ay nagugustuhan na rin,
Hindi nga ba't muntik nang bumigay sa bigkas ng iyong bibig,
Buti na lang ay tumigil ka rin sa sinabi.

Kamuntik-muntikan nang mapaniwala ang sarili,
Kamuntik-muntikan nang maging hibang sa naririnig,
Kamuntik-muntikan nang malunod sa panaginip,
At mas lalo na ang maniwala sa kasinungalingan mo sa iyong sarili.

Kahit na puso'y nangungulila sa matatabang palipad hangin,
Ngunit dapat nang itigil kung ano man ang nangyayari,
Sapagkat hindi ito nakakabuti sa puso man o sa isip,
Nanghihinayang man ay umayos na rin nang sa gayon ay di na masaktan muli.

MALAYANG TALUDTURANMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon