Taguan

148 1 0
                                    

03-08-18


Hindi ko mapigilang di mangulila.

Sa mga yakap at halik mo.

Sana minsan ako'y hanapin mo.

Kahit na hindi ako nagtatago mahal ko.


Hindi ako nawawala, ni hindi nawala.

Kausap ka ngunit parang malayo ka.

Minsan hindi maiwasang matulala.

Kamusta ka? Batid ko sana'y maayos ka.


Minsan sa labis na gusto kang masilayan.

Kahit imposible man, imahinasyon nalang ang aking inaasahan.

Sarili ko nalang ang aking kinakausap.

Pinagpapanggap na ikaw para lamang maibsan ang nararamdaman.


Patak ng tubig sa mata nalang ang karamay.

Kausap ka ngunit parang wala ka.

Pinipigilan. Pinapatay ang lumbay na nararanasan.

Hiling ko lang mahal ko, ako ay iyong mahanap.


Hindi tayo naglalaro ng taguan.

Ngunit bakit kailangan hanapin ko ang iyong kalinga.

Parang iginuhit na magulong salita.

Mahal, bakit tayo maghahanapan?


-Porceleighn

MALAYANG TALUDTURANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon