Isang Dipa

80 0 0
                                        

September 04, 2018, 12:05am

Ang sarap mong hawakan ngunit bakit hindi ko kayang abutin?
Ang mga kamay mong abot kamay ko lang ngunit malayo pala ang sasapitin.
Akala ko isang dipa lang pero isang kilometro pala ang haba ng lalakbayin.
Ang isang hakbang ko ay itinakbo ko pa ng naka-paa kahit na pwedeng ikainip.

Bakit parang malaya ka at ako'y nakakulong lang sa isang hawla.
Gusto kong magtiwala ngunit iba ang sinasabi ng aking isipan.
Nakakaakit pag masdan ang iyong mukha pero nakakasilaw sa kasinungalingan.
Sing bigat ng isla ang nararamdaman habang ika'y nagsasaya.

Hindi naman pagkakataon lang ng panahon ang nasaksihan hindi nga ba?
Ang mga salita mo dati'y sing tamis ng bungga ng isang prutas na hinog sa panahon lamang.
Akala ko, ako pa rin ang ulan na nagdadala sayo ng sigla.
Ngunit isa na pala akong araw na idinala ka sa katuyuan kahit na nasa lilim ka.

Ang malaya kong paa ang nagdala sakin, sayo at ikaw lang.
Siya ring nagdala sakin sa iyong mga bisig pati na rin sa tibok ng iyong pag-ibig.
Kay saya ng mga mata na parang napapakinggan ang mga ngiti.
Ang malaya kong paa ang nagtulak sa saya subalit ito rin ang dala sa kalupaan ng dusa.

-porceleighn

MALAYANG TALUDTURANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon