Jan. 03, 2016
Sa dapit hapon ika'y iniisip,
Narito't bukang liwayway na'y umiirit.
Tila baga puso'y lilisanin,
Nang walang tigil sa marubdob na pintig.
Huling araw na masisilayan,
Muka mo'y di malilimutan.
Amo'y mo na hindi nakakasawa,
Lagi'y matatandaan sa tuwina.
Sana kahit sa huli man,
Nalaman sana kung ano bagang dahilan.
Sana kahit sa huli man,
Nasagot sana kahit isang palaisipan.
Huling paalaman ay hindi nabigkas,
Sapagkat hindi makaapuhap ng pangungusap.
Huling sulyap sana'y nagawa,
Kung hindi lamang sana naunahan ng hiya.
Hanggang sa muli ay hindi matutupad,
Sa kadalihanang hindi ko rin alam.
Baka sa susunod na pagkikita,
Tila hindi pa rin natin kilala ang isa't-isa.
Sana kahit sa huli man,
Maramdaman muli mga sulyap mong panakaw.
Sana kahit sa huli man,
Marinig muli ang malambing na pagbigkas sa pangalan.
BINABASA MO ANG
MALAYANG TALUDTURAN
PoetryNang magsimulang magkamuang sa mundo ng pagsulat at imahinasyon. Para bagang nasa isang dimensyon na hindi mo maapuhap kung saang lupalop ng mundo. Isa itong pinagsama-samang damdaming bumubuo sa aking sarili sa bawat araw, buwan at taon. Mga damdam...