Sa isang iglap lang nawala ka,
Parang pagdating mo bigla.
Sa isang iglap lang biglang winaksi na,
Parang noong sinabi mong mahal mo siya.
Sa isang iglap naramdaman mo na lang,
At pagtapos ay nawala na lang parang bula.
Sa isang iglap ginawa mo ang makakaya,
Ngunit sa isang iglap lang itinigil mo na.
Sa isang iglap masugid ka,
Ngunit nagbago na lang basta.
Sa isang iglap mata mo'y maulap,
Pero ngayon kahit tapunan ay wala na.
Sa isang iglap na lang rin ng malaman ko,
Noong unti-unti ka nang nagbabago.
Hindi ko naman alintana ang mangyayari,
Pero sa isang iglip biglang mahal na pala kita.

BINABASA MO ANG
MALAYANG TALUDTURAN
PuisiNang magsimulang magkamuang sa mundo ng pagsulat at imahinasyon. Para bagang nasa isang dimensyon na hindi mo maapuhap kung saang lupalop ng mundo. Isa itong pinagsama-samang damdaming bumubuo sa aking sarili sa bawat araw, buwan at taon. Mga damdam...