Nakakapagod rin pala talaga...

475 0 0
                                    

NOVEMBER 11, 2013.

Minsan nakakapagod na ring magmahal. Bakit? Nakakapagod na kasing masaktan. Paulit-ulit na lang. Para na ngang wasak na wasak na 'yung puso mo sa sakit. Parang naluray na sa hapdi. Parang dinaanan na ng bagyo. Parang sinalanta at matagal na namang bago makabangon.

Oo, masarap magmahal. Masarap sa feeling na may mahal ka at mahal ka rin niya pero ano ba ang magiging katapusan pagkatapos niyang sabihing ikaw lang ang mahal niya. Na ikaw lang ang gusto niya, na ayaw niya na ng iba kundi ikaw lang.

Ano ba ang magiging katapusan matapos niyang magsinungaling sayo? Diba masasaktan ka lang? Ano pa ang silbi ng sobrang saya nung kasama mo siya. Ipinaramdamn niyang ikaw lang. Ikaw ang pinaka-importanteng tao sa buhay niya. Ikaw lang ang buhay niya pero bandang huli hindi naman pala.

MASAKIT. Walang kasing sakit. Iyong tipong kinakaya mo naman. Ipinapakita mo naman sa lahat na kaya mong harapin lahat. Kaya mong ngumiti. Kaya mong tumawa. Kaya mong makipagbiruan sa kanila. Kaya mong maging masaya pero pagkatapos ng araw na 'yon? Pagkarating ng gabi, ano nang mangyayari?

Malulungkot ka ulit hindi ba?

Ang hirap rin eh! Hindi mo alam kung paanog gagawin mo pero kailangan mong maging matatag sa mga bagay na pinagdadaanan mo. Bakit? kasi kung hindi, baka magdesisyon ka na lang magpakamatay at magpasya na wala nang kwenta ang buhay mo. Kahit na patay ka na talaga at parang wala nang buhay pero nakikihalubilo ka pa rin sa mundo ng mga tao.

MALAYANG TALUDTURANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon