AKIN KA LANG AT IYO AKO

252 5 0
                                        

-Ginawa ko 'to noong June 11, 2012.

Hindi ko alam kung paano,

Pero ang aking puso ay iyong napaamo.

Hindi ko alam kung paano nagsimula,

Pero damdamin ko sayo'y hidi ko naitago.

                              *** 

Noong una akala ko paghanga lang,

ngunit sadyang nagkamali ako.

Noong una hindi ko alam kung ika'y interesado

pero nalaman kong oo ang sagot sa katanungan ko.

                              *** 

Nang malaman kong may pagtingin ka rin sa akin

Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko.

Ni hindi ko alam kung maniniwala sayo

pero iba ang sinasabi sa akin ng aking puso.

                              *** 

Di ko alam pero ako'y nahulog sayo

Di ko alam na mangyayari ang lahat ng ito.

Kahit na alam kong maraming naghahangad sayo.

Alam kong akin ka lang at iyo ako.

MALAYANG TALUDTURANMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon