August 14, 2010
Nagsimula ang lahat ng sila’y magkakilala
Noong una’y naiilang pa sa isa’t-isa
Ngunit kalaunan naging malapit na
Naging masaya ang araw na yaon sa kanila
Araw-araw sila’y magkasama
Araw-araw sila’y nagkakasiyahan
Araw-araw sila’y may mga ngiti sa kanilang mga mata
Araw-araw walang humpay sa tawanan
Nakaramdam ng kakaiba ang isa Iyong para bang hindi na niya kayang pigilan pa
Kaya naman hindi naglaon nagtapat siya Ihinayag niya ang kanyang pag-ibig sa babaeng aba
Anong saya ng babae sa kanyang napakinggan
Parang musikang hindi mawaglit sa kanyang isipan
Mga katagang kanyang nabosesan
Katagang sa taong kanyang iniibig nalaman
Naging masaya sila sa piling ng isa’t-isa
Narito’t parang nilalanggam pa nga
Kapag sila’y naglalambingan, parang ayaw mawalay sa kanyang kasintahan
Ngunit dumating ang isang sakuna
Sakunang maituturing talaga Isang kalamidad ang pilit naghuhumiwalay sa kanilang dalawa
Na humamak sa pag-iibigan nila
Anong sakit ang nadarama ng malamang may iba
Namutawi sa isipan ng babaeng aba “Di yatat di sapat ang aking pagkalinga sa kanya”
Parang isang latigong puno ng tinik ang humagupit sa kanya
Di naglaon naghiwalay sila
Anong sakit ang nadarama sa twing ito’y kaniyang maaalala
Sila’y nakapagpasya na nga
Na sa pagiging magkaibigan na lang hahantong ang nasabing pagsinta
![](https://img.wattpad.com/cover/13735741-288-k900416.jpg)
BINABASA MO ANG
MALAYANG TALUDTURAN
PoetryNang magsimulang magkamuang sa mundo ng pagsulat at imahinasyon. Para bagang nasa isang dimensyon na hindi mo maapuhap kung saang lupalop ng mundo. Isa itong pinagsama-samang damdaming bumubuo sa aking sarili sa bawat araw, buwan at taon. Mga damdam...